Chapter 32

56 3 0
                                    

MIA
October 21, 2018 (Sunday, midnight)


A month & a week of Mia and Nikolai's friendship

Nagising na lamang ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Kinuskos ko ang mga mata ko upang luminaw ang paningin. Agad kong napansing nakahiga pala ako ngayon. Anong nangyari?

"Mia?" Pamilyar iyong boses. "Mia?"

Mabilis kong tinignan si Nikolai sa tabi ko at nanglaki ang mata. "B-ba't ka nandito?"

Namumula ang mata nito at mukhang kakagaling lang sa iyak.

Anong nangyari? Tangina? Mamatay na ba ako?

"They called me... apparently I'm the only person on your contacts," paliwanag niya. "You fainted."

Oo... oo... medyo naaalala ko ngang para akong lasing kanina na gumegewang. Umiikot ang lahat.

"Ilang araw na ako dito?"

"It's only been a few hours," aniya. "Good thing I'm also in Quezon City."

"N-nasaan ako?"

"Still here, Home for the Elderly, their clinic."

Uupo sana ako pero pinigilan ako nito sa paghawak sa balikat ko, "Just rest... don't move yet," aniya. "You're okay, you're good. Doc says you just need to rest."

"H-hindi ako m-mamatay?"

Ngumiti lang siya pero hindi iyon umabot sa tenga niya. "You fainted because you're malnourished and fatigued, you're not going to die Mia-bear."

Inalis ko ang paningin ko dito dahil sa hiya na bigla kong naramdaman. Bakit kailangan pa nilang tawagin si Niko? Bakit kailangan pa ako dalhin dito? Sandaling pahinga lang naman ang kailangan ko. Siguro... siguro dahil 'yon sa bilang pagtayo ko kanina. Kasalanan 'to ng mag-asawa, kung pinagpahinga nila ako kahit sandali, hindi ito mangyayari.

"H-hindi ako malnourished 'a, grabe ka makasalita." Depensa ko sa sarili. "Kumakain ako tatlong beses sa isang araw." Simangot ko, iniiwasan pa rin ang mata nito.

Naalala ko tuloy bigla no'ng na'sa High School ako at bawat section ay kukuha sila ng bata na magaan ang timbang 'tapos iyon ang isasali ng teacher sa feeding program sa school. Taon-taon, walang palya ay ako ang sinasali sa'min, taon-taon din dahil gago ang mga bata sa High School ay naasar ako.

'Hahahaha Mia malnourished, malnourished, malnourished!' asar ng mga kapwa kong kung ano-ano din kinakain may malagay lang sa tiyan.

'Buto-buto!'

'Wala siguro kayo pambili ng pagkain,' sabi ng mga batang galing sa pamilya na pinagsasaluhan din ang isang sardinas.

Gustong-gusto ko na lang lamunin ng lupa noon 'tapos ang dami pang palaging nanonood sa'yo na kapwa estudyante habang nakapila ka sa sapilitang feeding program kasi payatot ka daw.

Nakakahiya. Nakakahiya. Nakakahiya.

"Just eating three times a day doesn't automatically make you healthy, Mia. It doesn't work that way," Kalmado nitong sabi pero rinig ko ang pagpipigil sa boses niya. "You need the right vitamins, minerals, and nutrients for your body. It's not enough to just eat whatever. Give me your address, I'll order grocery for you online."

"Hindi na kailangan, kumakain ako three times a day." Ulit ko na may pagdiin na sa bawat salita.

"Mia... please, let me help you just this time please?"

"May pambili ako," malamig kong sabi.

Please Niko... please, huwag ng makulit. Ayokong magalit sa'yo, ayokong sumabog sa'yo.

Hindi ito nagsalita at nagpakawala na lang ng malalim na hininga, "Look at this," turo niya sa pahabang manipis na tube plastic "This is an IV drip. The doctor gave you this because your body is crying out for help... if you need such medical intervention to keep you on your feet, sorry but you're not healthy."

Tinignan ko ng masama si Niko na sinalo niya lang, natunaw lamang ako ng mapansin ang mapula pa rin nitong mga mata. "U-umiyak ka ba?"

Tumango siya.

"Dahil sa'kin?"

Tumango ulit siya.

"You're so pitiful," aniya. "I just want you happy and healthy."

Napaanga ako sandali. "Niko... m-may gusto ka ba sa'kin?"

Hindi ito nagulat sa tanong ko, "Yeah, been falling hard for you for a month now but thanks for noticing."


Midnight Blues (Affluenza, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon