Interview

28 0 0
                                    

Art's Pov

Ngayon nga nandito ako sa school at kausap ko yun prof ko para sa ojt ko. Wala pa kase akong na papasa sa kanya kung san ako mag ojt kaya eto ako ngayon namomroblema haysssss. Kakadrain wala na man ako maisip. Kase wala na man tatanggap ng mag ojt ako habang committed din sa trabaho sa coffee shop saka kahit matagal na ko sa Manila diko pa din alam pasikot sikot at mga company dito.

" Ms Carpio meron akong kakilalang tumatanggap pa ng ojt, sa Paras Corp. "

Huh Paras Corp.? Eh isa sa pinaka kilalang company yun di to sa Manila and magandang opportunity kase balita ko my sahod ang ojt dun. At baka iadopt pa nila ko pag maganda performance ko.

" Ay sige maam thank you po"
Masayang pasasalamat ko sa prof ko with matching talon pa hahahah

" So eto fill up mo, then 3pm today interview kaya wag ka malelate sayang opportunity. Ok sige na 2 pm na pumunta ka na dun. Good luck syo" Nakangiting sabi ni prof

" Opo prof salamat po"

Kaya dalidali akong umuwi at nagpalit ng damit at pumunta na agad sa Paras Corp. tumatakbo ako para makahabol sa elevator di ko na nakita ang nakasabay ko at inaayos ko pa sarili ko.

Hanggang makarating na ko sa 14th floor dito daw kase interview Hays 2:59 abot pa ko. Nakita ko naman na madaming nakapila buti nalang Nag punta ako sa table ng secretary at nag tanong.

" Good afternoon maam can I ask if the interview is already starting? " Tanong ko

" Ahhhmm you are Ms Carpio? " Tumango naman ako " Will you follow me please" At sumunod na man ako sa kanya. Pumasok kami sa office, grabe ang lawak at ganda organized ito at maaliwalas.
" Pahintay na lang dito si maam" At umalis na sya.

Bea's Pov

Kanina bigla tumawag sakin ang company nila mommy na I need to interview some ojt para daw my makatulong kami sa office dahil my bidding kami this year para sa mga Laude. Kaya kahit gusto ko pa tumambay eh umalis na din ako. And binigay ko dun sa bata yun isa Kong inorder na pagkain.

And now I'm here sa elevator 3pm daw kase start ng interview. When someone is rushing to get in sa elevator,I didn't bother to look at her kase I'm busy checking my messages. But I smell something sweet Kaya napatingin ako sa kanya. She's the girl from the bar and cafe wow. What coincidence.

Mabilis syang lumabas sa elevator and straight papunta sa office ko? Don't tell me she's one of them, na interviewhin ko.

So I'm just looking at her, sinusundan ko lang sya ng tingin. I just smile and walk again

Erza's Pov

Naghihintay ako ng biglang my pumasok na matangkad na babae. Tumayo ako at babatiin sya ng.

Anak ng tupa bakit si pag ibig ang NASA harap ko. Lord thank you kung ano man po ang maganda Kong nagawa ng past life ko thank you talaga Lord.

I can't believe my eyes, it's my pag ibig isabel!!!!

" Good afternoon " Seryosong bati nya sakin

" Good afternoon din po maam " Kyaaaah can't believe this makakawork ko na sya.

" Sorry to keep you waiting, I'm Isabel Breatriz De Leon" Sabi nya habang shinake hands ako.

Oh to my effin God ang lambot ng kamay shuttaaaaaa!!!!

" Please sit down " Tinuro nya yun bangko habang pumupunta sa table nya.

" So ahmm tell me about yourself " Tanong nya habang iniiscan nya yun resume ko.

" Ahmm good afternoon again maam Isabel" Panimula ko nabigla sya sa tinawag ko sa kanya. Pero nakabawi din naman and bumalik sa pagiging seryoso.

Ang serious type naman ng my loves ko pag NASA office. Kaya naging seryoso na din ako at sinagot ko yun tanong nya.

"I'm Erza Artemis Carpio,24 and currently living at Rizal Ave. ,As you can see on my resume I'm a working student, I'm a hard working person, I can multitask, I'm very organized, very competitive and loyal to my work. "

" Hmmm ok, So you're from mindoro? "

" Yes po"

" What's your strength and weaknesses? "

Seryoso syang nagtatanong at nakikinig sa bawat sagot ko.

"My strengths are I am a self-motivated person, hard-working, and disciplined person. My weaknesses are trusting other people easily and public speaking makes me nervous. I am a self-motivated dedicating and hard-working person'' deretso Kong sagot sa kanya kahit ka bang kaba ako.

Umangat ang kabiyak ng kanyang labi, shittt ang kissable naman parang sarap halikan hi hi hi. Ay ano ba yan behave brain baka dika makagraduate sa kalandian mo.

" Ok Ms Castro, just wait for our call. Thank you for your time. " Nag shake hands lit kami and syempre tumayo na ko at lumabas ng office nya. Kahit gusto ko pa sya titigan huhuhu. Sayang di naka chansing.

At ayon na nga umuwi narin akong my ngiti sa labi kase shuta naman kase nahawakan ko kamay nya, kyaaaah, hanggang Makauwi ako at nakahiga na Di pa din mawala yun ngiti ko sa labi.
Hanggang makatulog na din ako.

Stuck with YouWhere stories live. Discover now