Chapter 4 ~ Secret of History

16 9 0
                                    



[ Kali Marie Ortiz ]

“Gustav Eiffel.” I heard him talking. Iyon ba ang pangalan niya? Pero narealize ko ang huling sinabi niya. ‘Eiffel’. “Gustav designed this tower and syempre ipinangalan ito sa kanya. Mayroong competion noon at siya ang nanalo. Year 1889 this was actually built.” So, he is my tour guide pala?, at naaliw ako sa kanya kaya nabawasan ang pagod ko kahit kaunti. He is not just an ordinary people that I have encounter. This man is strange. What’s his role in my life?

“And you know what during the first year when this tower built so many people, politicians, civilians despised it like an eyesore. May usap-usapan pa nga na ipapatanggal pero hindi naman nagawa and now. This is the best tourist spot in this country.” Talaga? Hindi ko alam iyon. Hindi naman kase pinag-aaralan sa school ang history ng ibang bansa e’

“Thanks for the info Kuya.” Tanging nasabi ko na mayroong paghanga sa kanya. He is so smart.

“And it has two and a half million rivets and is made up of around 60 tons of paints. Imagine that! Pwedi ka nang malunod sa paint na iyon. Sobrang dami. Kaya naman there are so many visitors here everyday. There's been almost a quarter of a billion visitors walk up this structure.” Dagdag pa niya na nakatulala lang ako at nakatingala sa kanya.

“Wow! Mas lalo pa yumayaman ang Paris dahil sa mga bisita ng tower na ito. It’s great. What a timeless piece.” Iyon lang ang nasabi ko ng makarating na kami sa hangganan ng hagdan. And I enjoying the view of amazing city of love and lights.

“By the way, what’s your name Kuya?” I ask him and he chuckled. What’s wrong? Kailangan ko malaman dahil nilibre niya ako ng ticket eh.

“No need. This is the last time we saw each other.” Sabi niya at sabay sakay ng elavator pababa. Grabe. Una at huling tagpo? Saklap naman. Hinabol ko siya ng tingin pero ang bilis niyang nawala. Sobra naman siya. Pangalan lang naman. Kilala niya kaya ako? Sino ang lalaki na iyon? Is he a part of my future or part of my past. Akala ko pa naman siya na si goblin oh my! Hindi pala.

After an hour medyo malabo na ang nakikita ng mata ko. Hindi malinaw na larawan parang naglalaho ang kasalukuyan. Nawala na ang lalaki sa paningin ko at naramdaman ko na lang na medyo mainit na ang lugar na kinalalagyan ko. Nasa kwarto na ako. It’s been three hours. Wooh! Three hours ako’ng naglaho sa totoong mundo and I enjoying it so much syempre nag-eenjoy ako dahil may kasama ako sa lugar na iyon. Gusto ko pa sana’ng pumunta sa sinasabi nila’ng Arts of Museum pero hindi ko na magagawa iyon dahil oras na para bumalik ako. I was wondering kung naglalaho ba ang katawan ko sa mundo ko or it’s just my soul who traveled?. I have no idea and I don’t know how to prove it dahil wala naman nakakakita sa akin when I’m doing it. And what’s the exact word to define it? A traveler or teleport?

I wore my wristwatch that my father had brought for me para aware ako kung ilang oras na ba akong nawawala sa totoong mundo. I always wore it kahit naliligo pa ako. Dahil pag may naiisip ako’ng puntahan ay bigla na lang akong napapadpad sa lugar na iyon kahit nakahubad pa ako at may sabon sa katawan. This kind of power made me insane. It’s good but it has a limit. It’s just a seconds or minutes the last time I did it. That’s why I’m amaze this time. May kinalaman kaya ang lalaking iyon kaya nanatili ako ng matagal sa lugar na iyon. Dumadagdag na naman ang mga iniisip ko. Baka may kinalaman siya sa past ni Lola Mercedes? But it's impossible or pwedi ring possible.

Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kawalan. It’s almost 11 in the evening. It means three hours talaga akong nawala. At ngayon lang nangyari ang ganoon katagal. How come? At may na-meet pa akong kahina-hinalang tao and he helped me there. That person was casually talking to me. Kilala niya ba ako personally? Kung umasta siya alam niya na ang lahat. Next time if I met him again ay iimbestigahin ko siya. I will ask him all about his life if ever na magkita pa kami. Pero parang malabo yata dahil sabi niya that's our last time na magkikita kami.

Another weekend has come. Medyo masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako sumabay maglunch kina Mama at syempre kasama na naman ang mga kapatid ni Papa at mga pinsan ko. I’m not feeling well. Parang mayroong epekto sa akin ang pag-stay ko sa lugar na iyon kasama ang estrangherong lalaki. Nanghihina ako at halos hindi magfunction ang utak ko. Hindi ko nga nasagutan ang quiz namin kahapon.

“Ayos ka lang Kali?” Narinig kong mahinang kumakatok si Melly sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ako sumagot kaya binuksan ang pinto. Hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Via na may dala-dalang pagkain.

“Sabi ni Tita masama raw pakiramdam mo kaya dinalhan ka na namin ni Via ng pagkain mo.” Dahan-dahan ako’ng bumangon at umupo. Ipinatong naman nila ang trey sa side table. “Salamat, nakakahiya naman.” Saad ko.

“Ano ka ba. Para ka namang baliw d’yan.” Sabi ni Melly at sabay upo sa kama ko. Habang si Via naman ay sa upuan umupo sa tabi ng side table. Hindi kami masyadong close ni Via dahil minsan lang naman kami magkita pero mabait naman siya sa akin kahit medyo nakakaangat sila sa buhay.

“Via, baka maiwanan ka ni Tito Marcus. Narinig ko siya na nagpaalam na kanina diba? Babalik lang kayo agad ng Maynila.” Hindi nagsalita si Via pero tumango-tango ito. “Kumain ka na Kali, pagaling ka.. maiwan ko na kayo.” Mahinang sabi ni Via at lumabas na ito ng kwarto. Mabait siya kumpara kay Veron. Mahaba ang straight na buhok at medyo tsinita. Half Japanese kase ang napangasawa ni Tito Marcus kaya mukhang cartoons character lang ang mukha ni Via. Pero bakit hindi niya kamukha si Veron.

“Kumain ka na. Malamig na yan.” Pukaw sa akin ni Melly. “Alam mo ba nagtataka ako bakit magkaiba ang ugali ni Via at ang Veron na iyon. Tsaka parang nahihiya siya sayo diba? Ni hindi nga siya makatingin ng diritso e.” Pagdadaldal pa ni Melly.

“Mahiyain naman talaga si Via ano ka ba.” Saway ko kay Melly. Na inaayos naman ang itim na itim na buhok ngunit medyo wavy. Maganda naman si Melly at matalino sa klase pero napakadaldal. “Alam mo ba may sinasabi sa akin si Via pero hindi ko siya maintindihan. Tungkol doon sa isang bagay na mahalaga na nasa loob ng Philippine National Museum. Sabi daw ni Tito Marcus sa kanila dapat iyon pero may kung anong nangyari daw noon kaya nawala sa kanila iyon.” Kumakain lang ako habang nagdadaldal si Melly. Hindi ko rin maintindihan ang sinasabi niya kaya hindi na lang ako nagreact.

“Tubig oh.” Sabay abot sa akin ng tubig ng makita niyang tapos na akong kumain. “At ito yung nakakagulat. Milyon daw ang halaga noon. Kaya sobrang yaman ng may-ari noon. Kahit habang-buhay na siyang hindi magtrabaho.” Hinayaan ko ng kunin ni Melly ang pinagkainan ko at inilapag sa side table. Ramdam ko rin naman na nanghihina ang katawan ko kaya hindi na muna ako tatayo. Parang nagutom ako ng ilang araw dahil sa paglalakbay ko. Isa ito’ng nakikita ko’ng bad effect sa tuwing gumagala ako sa ibang mundo. I feel weak when I woke up from there.

“Ano’ng bagay iyon na mayroon ganoong halaga?” Curious ko’ng tanong kay Melly habang nag-aayos ako na sumandal sa headboard ng kama. “Iyon nga ang gusto kong alamin e’. Kase hindi naman basta-basta pinapapasok sa Museum.” Si Melly na may panghihinayang sa boses.

“Interesado si Tito Marcus doon. Kanina narinig ko sila na nagkukwentuhan tungkol doon. Sana raw sa kanila iyon kung wala lang nangyaring masama noon. Pero hindi naman daw siya nanghihinayang dahil materyal na bagay lang iyon.” Dagdag pa ni Melly na kasama pa ang mga mata’ng namimilog sa tuwing nasasambit ang pangalan ni Tito.

‘Mukhang pera.’ Bulong ng isip ko. “Aanhin niya pa naman iyon may sarili na naman siya’ng negosyo at mayaman na siya. Kita mo iba na nga ugali ng anak niyang si Veron dahil nasusunod lahat ng luho. Kanina ipinagyayabang ni Tito Marcus ang bagong sasakyan na regalo niya kay Veron dahil mataas ang grades nito.” Iritang sabi ni Melly na mukhang naiinis rin pag nababanggit ang pangalang Veron.

“Dalhin ko na sa kusina ang pinagkainan mo, pahinga ka muna dito. Tutulong pa ako magligpit sa baba.” Paalam ni Melly. Napansin niya siguro na inaantok na naman ako. Mabait si Melly at mapagkakatiwalaan ito. Napapaisip tuloy ako sa mga sinasabi niya kanina tungkol kay Tito Marcus masyadong malihim ang taong iyon. Minsan hindi rin sila magkasundo ni Papa at Tita Madrid pero wala silang magagawa dahil panganay ito kaya hindi na lang nila pinapatulan.

May kinalaman kaya ang mahalagang bagay na iyon sa Museum tungkol sa nakaraan ni Lola Martha? Hindi naman magiging interesado si Tito Marcus kung walang halaga iyon sa kanya at coincidence lang ba na ngayong panahon rin nila ako ginugulo tungkol sa pagpunta sa taong iyon? Medyo kinakabahan ako kay Tito Marcus dahil napapansin ko na masyado siya’ng obsessed about that past, about my ancestors history.


Z

The Secret Of Our Universe | THE PHANTAZEIN SERIES 2Where stories live. Discover now