Chapter 17

68 5 8
                                    

Where we're going — Elijah Woods

Chapter 17

"Happy Hearts Day!" Rina loudly scream as she enter our classroom. Binati niya ako at hinalikan niya sa pisngi bago pumunta sa board at nagdesign doon.

Kasunod niyang pumasok ay si Aeri na nakasimangot, may hawak itong mga paper bags at isang malaking bouquet ng pulang rosas kaya naman inulan siya ng pang-aasar mula sa mga kaklase namin.

"Tama na ang pagpapanggap, Aeri! Alam naming binili mo lang lahat 'yan!"

"Sana all, self-love!"

"Pupusta ko Porsche ni Kuya, kay Navi lahat 'yan!"

Sumandal ako sa upuan at inayos ang salamin. Pinigilan kong matawa nang malakas dahil pinagmumura niya ang mga kaklase namin. Busangot itong lumakad papunta sa puwesto ko at inabot ang lahat ng dala niya sa akin.

Takang tiningnan ko ang babae sa ginawa. Sinimangutan niya lalo ako bago pabalyang umupo sa bakanteng upuan sa puwesto ko.

"May mga nagpapaabot galing HUMSS building 'yan! Tangina! Ngiting ngiti pa ako kasi akala ko sa 'kin ibibigay, 'yon pala ipapaabot sayo!" Nayayamot na reklamo niya. Narinig iyon ng mga kaklase namin kaya nagtawanan ang lahat.

I chuckled softly to her. "Gusto mo ba? Sayo nalang..." alok ko sa mga paper bags.

Muli siyang umirap pero kita ko ang palihim na pagkuha niya ng isang bar ng chocolate mula sa isang paper bag. Natawa nalang ako bago napagpasyahang ayusin ang mga bulaklak at paper bag sa isang tabi.

"Sabihin n'yo nga kay Ma'am, cancel nalang klase!" Muling nagsalita si Aeri sa tabi ko, I heard her munch the chocolate bar after that.

"Sus, wala ka namang ka-date!" Pang-aasar ni Kise sakaniya.

"Paano ka nakakasiguro? May date kaya ako mamaya," rinig kong sagot ng babae rito. Natahimik si Kise kaya naman tinawanan siya ng mga kaklase namin.

Huminto ako sa ginagawa at tiningnan si Aeri. "May date ka?

"Oo, may date tayo diba?"

I unbelievably looked at her. Umirap siya at biglang sumama ang tingin sa akin. "Bakit? May date ba kayo ni Ivan? Hindi mo naman na pinapansin, e. Tayo nalang nila Leal ang magdate!"

Napakagat ako sa pang ibabang labi at iniwas ang paningin sa kaniya. I suddenly remember his last message the day before yesterday that made me tremble a bit. I couldn't sleep peacefully that night, halo halo ang emosyon na nararamdaman ko sa isiping muli ko siyang makakausap makalipas nang mahigit isang buwan.

However, that morning came and ended like he didn't send me a message. Dumaan ang araw na iyon na hindi siya nagpakita sa akin.

I couldn't deny that I was a bit sad because I also wanted us to talk. Kailangan kong maipaliwanag kay Rousseau ang dahilan kung bakit bigla nalang akong umiwas sakaniya. Gusto kong maging kaswal kami sa isa't isa katulad ng dati.

Kahit hindi na magkaibigan.

Pero... mukhang malabo na iyon.

"Hindi ko alam kung makakasama ako, may duty pa kami ni Caia mamaya sa office..." Sabi ko nalang sa babae nang maalala na kailangan ko palang tumulong sa SSG office.

Hindi na siya nakasagot dahil dumating na ang subject teacher namin sa Personal Development. Nagkaroon ng mahabang discussion at pagkatapos noon ay short quiz. Sa mga sumunod na subjects ay gano'n din ang ginawa namin. May isang nagpasurprise quiz kaya gano'n na lamang ang panlalata ng mga kaklase ko, lalo na si Aeri.

Worth All the Scars (Metamorphosis #1)Where stories live. Discover now