Chapter 13

103 10 109
                                    

Steal The Show — Lauv

Chapter 13

Ganoon na lamang ang pasasalamat ko nang hindi lumala ang injury ni Rousseau sa braso niya. He was updating me every time so I knew that he wasn't wearing an arm sling anymore. But still, I've always asked him about his arm. I even make sure that he treats his arm well and eat healthy foods for him to be fully healed.

Our Intramurals ended. I became busy the following days. Nagbagsak ng madaming gawain ang mga teachers namin pagkatapos ng intrams at foundation day.

Nasanay na ako dahil gano'n naman palagi, pagkatapos ng saya ay puro pahirap naman.

Ang dami naming binabasa na sinabayan pa ng araw-araw na recitations at quizzes. Medyo nakakapagod dahil wala 'yatang araw na hindi ako natatawag. It was a good thing that I have some confidence to show off in front of the class when it comes to public speaking.

Malaki tulong talaga ito sa akin dahil madalas pala ang recitations at reportings sa Senior Highschool.

The thoughts running through my mind suddenly stop after I heard my phone pop. Kaagad ko itong binuksan at tiningnan ang mensahe ng guro sa group chat ng mga presidents.

Ms. Vivienne:

Magandang tanghali, @Presidents paki-inform lahat ang mga classmates niyo na long tests na next week sa lahat ng subjects. Mag-review kayo para hindi bumagsak.🤪 Salamat mga anak.

I bit my lower lip after reading the message. Huminga ako nang malalim bago magpasyang i-forward ang mensahe sa group chat ng section namin. Their profile pictures immediately when down right after they saw the message. Natawa na lamang ako nang makitang halos lahat sila ay nag angry at sad react doon.

It was a normal reaction from them. Sino ba namang hindi magagalit at malulungkot kung sabay sabay na nga halos ang ipinapagawa, napaka-aga pa ng submission.

We are considered lucky enough if the deadline will be moved. Pero, kung hindi ay mapapadasal ka na lamang talaga sa lahat ng santo dahil madalas ay hindi na sila tumatanggap ng late submissions.

"Tangina, sana pala nag asawa nalang ako after junior high school. Ang dami pa natin performance tasks, tapos long test na next week?!" reklamo ni Aeri matapos ibaba ang order namin.

"Ang sarap maging hotdog sa freezer." Rina sighed exasperatedly. "Mabuti nalang talaga recommendations 'tsaka kaunting revisions nalang mga group natin sa PracRe."

Hindi na ako umimik pa at nagsimula nalang kumain. We are silently eating our lunch. Hindi namin madalas makasabay ni Aeri sila Leal dahil nagkaiba kami ng schedules noong magsimula ang 2nd semester. It's understandable though, magkakaiba kami ng strand kaya mahirap magtugma ang mga gawain namin.

May parte sa aking nalulungkot dahil nasanay akong kasabay sila. Pero, gano'n naman talaga. Magkakaiba kami ng mga pangarap sa buhay kaya hindi maiiwasang magkahiwalay-hiwalay kami. Isa pa ay hindi naman sa pagkakaibigan umiikot ang buhay.

We were still the writer of our own life though. Sarili pa rin namin ang susulat at magdedesisyon ng kani-kaniyang pangarap sa huli.

Hindi ko maiwasang mapaisip sa darating na long tests sa Statistics and Probability habang kumakain. Maalam naman ako sa Math pero hindi ko pa rin maiwasang kinakabahan dahil nakakalito para sa akin ang Statistics and Probability.

General Mathematics was very easy to understand if you listen thoroughly to your teacher. Ganoon din naman sa Statistics and Probability...

Ang kaso, medyo magulo magturo ang guro namin doon. Wala tuloy akong choice dahil kinakailangan ko talagang mag self-study sa ganoon ay hindi ako makatanggap ng sermon mula kay Mommy.

Worth All the Scars (Metamorphosis #1)Where stories live. Discover now