Chapter 24

40 9 0
                                    

Chapter 24

Rousseau became more focused on me since that day. He was more gentle and open to me. Kalmado at normal palagi ang ekspresyon niya sa tuwing kasama ako ngunit ramdam ko pa rin ang katiting na takot at pangamba niya na baka gawin ko ulit ang bagay na iyon.

We spent our Christmas break focusing on each other. We prioritize ourselves by taking care of our physical and mental well being. He always asks about my feelings and listens to my thoughts at ganoon din ako sakaniya. He carefully suggests to have a check-up with a psychiatrist. That actually warms my heart. Natatakot man noong una ay pumayag ako sa bagay na iyon. He was there with me every session. Ang isa't isa ang pinaghuhugutan namin ng lakas para malagpasan ang bawat bagay naranasan namin.

He decided to celebrate our New Year in my condo by listening to some podcasts about mental health and self-love. Noong una ay tutol ako rito, I don't want his family to think that I'm getting Rousseau away from them. However, he's to persistent to that. Wala rin namang naging problema sa pamilya niya iyon kaya hindi na ako umalma pa.

Listening podcasts became our hobby. That made me love myself more. Mas pinahalagahan ko ang aking buhay. Mas minahal at iningatan ko lalo ang sarili.

And that's because of him.

Rousseau made us grow together. His love and support made me better. And I hope I did the same to him too. Sana lamang ay nadiligan ko rin ng pagmamahal at suporta ang sarili niya na magpapalago sakaniya.

Mukhang totoo ang sinasabi nilang mabilis lumipas ang mga araw kapag masaya at mapayapa ka dahil natapos na ang holiday break at kinailangan na naman naming pumasok para mag-aral.

Halo-halong kwentuhan tungkol sa naging bakasyon ng bawat isa ang naririnig ko pagpasok ng classroom. Inilibot ko ang mga mata para hanapin si Aeri, wala pa ang babae kaya tahimik akong naupo sa upuan ko.

"Navi! Blooming natin ngayon ah? Ganyan ba kapag inaalagaan ng tama?" Kise greeted me after I sat.

"Gano'n pala 'yon? Kaya pala mukha akong nanganak ng dose!" hiyaw ng isa kong kaklase.

Natawa ako roon at napailing na lamang bago tingnan ang wrist watch. Ilang minuto nalang at homeroom na pero wala pa rin si Aeri. She wasn't like this, mas maaga pa pumasok sa akin iyon dahil nakikipagchismisan ang babae sa iba. It was so odd that she wasn't here yet.

Napatingin ako sa direksyon ng pintuan ng may kumalabog. Bumukas ito ay iniluwa sa Rina na hinihingal na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Praise the Lord! Akala ko talaga ma-l-late na ako! Perfect attendance na nga lang award magiging bato pa huhu," she ranted.

Napangiti na lamang ako at tinulungang punasan ang noo niya gamit ang tissue paper.

"Nagtext ba sayo si Aeri? Wala pa rin siya..." tanong ko rito.

Natigilan siya at napakunot ang noo.

"Hindi? Bago 'yan ah? Nauuna sa atin palagi iyon." Umiling siya at tinapik ako sa balikat. "Baka na-late lang ng gising, nag enjoy siguro sa break."

Tanging tango na lamang ang naisagot ko rito. Dumating na ang first subject namin ngunit wala pa rin siya. Nagtanong lamang nang kaunti ang subject teacher namin bago nagsimula ang discussion. I tried to focused on the discussion and set aside numerous questions in my mind why is she still not here.

Sana lang talaga ay hindi siya mapagalitan.

Kalagitnaan ng discussion ay may kumatok sa pintuan. Binuksan iyon ni Ma'am Donovan at bumungad dito si Aeri. Nagkatinginan kami ni Rina, lihim na pinagdarasal ang babae dahil ayaw na ayaw ni Ma'am ng late at absent.

Worth All the Scars (Metamorphosis #1)Where stories live. Discover now