Chapter 18

48 3 0
                                    

Message in a Bottle – Taylor Swift

Chapter 18

The next few days ended like a whirlwind. We have our duties and responsibilities to prioritize first and we both understand that. Rousseau and I decided to stop seeing each other frequently, ayoko kasing may makarating kay Mommy na madalas kaming magkita dahil sinabihan na ako nito. I feel guilty for not telling her the truth. However, I couldn't deny the fact that I didn't want to lose Rousseau.

He became part of my everyday life, and I couldn't stand myself more without his presence.

“Navi, tama na tulala! Tulungan mo na ako magbalance please...” Aeri smacked my arms while glaring at her laptop.

“Tanginang FABM 'to! Ba't ba kasi kita sinundan sa ABM, sana nag STEM nalang ako!” reklamo pa nito at sinipa ang bato.

Rina laughed loudly while carefully writing on her columnar. She stopped writing as her laughter immediately vanished. Napaawang ang labi ko ng biglang mamula ang mata nito at umiyak.

“Putangina talaga, ulit na naman! Paubos na columnar ko! Mamatay na ako, kanina pa ako rito!” Umiiyak na saad nito at dinagdagan ang panibagong piraso ng mga papel na naglalaman ng maling balance input sa sahig ng garden.

Umawang ang labi ko at natutulalang tiningnan ang dalawa. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sakanila. Lunch time na namin pero nandito kami sa garden at gumagawa ng last performance task para sa FABM 1.

This week is very draining for us. Kakatapos lamang ng finals namin at kahapon naman ay ang final defense. Luckily, I passed on every exams that I take. As for our paper, it was defended and my group got the best research paper and presenter. Ang natitirang mga araw ay puro completion na lamang dapat pero nagbigay pa si Ma'am ng last activity kaya nag-c-cram kami ngayon dahil ngayong araw din ang deadline.

“Mag-aasawa nalang talaga ako, hindi ko na kaya 'to.” Aeri murmured beside me.

Napapagod itong sumandal ito sa balikat ko. I chuckled softly and shook my head. “Kaya mo, puro ka lang kasi daldal. Tingnan mo 'tong ginagawa ko, pagsabayin mo pag-input sa dalawang column para hindi ka malito.”

Tahimik kong ipinakita sakaniya ang dapat niyang gawin. She was listening attentively to me, well she doesn't have a choice though. Magkakaiba ang problem ang binigay sa aming lahat kaya wala siyang makokopyahan.

I looked at her when she hissed out of nowhere. She crossed her arms and irritatedly rolled her eyes.

“Mamaya mo na landiin ang kaibigan ko, please lang! Hindi pa kami tapos magcram.”
Reklamong ani nito.

Mabilis akong lumingon upang tingnan ang sinasabihan nito. Behind my back is Rousseau who is slightly scratching his nape while looking at me. Bumaba ang paningin ko sa hawak itong dalawang brown paper bag at isang black lunch bag.

Her emotions quickly changed when Rousseau gave her a paper bag. Mabilis pa sa alas-kuwatro na kinuha iyon ng babae at hinablot ang laptop niya sa akin para lumipat bagong lamesang inupuan ni Rina. Lumayo kasi ang babae dahil magulo si Aeri sa lamesa.

I softly chuckled and shook my head at her. Basta talaga may pagkain ay mabilis magbago ang mood niya. Tahimik kong ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina sa laptop. From my peripheral vision, I saw Rousseau sat beside me. He silently bring out the two iced coffees in a paper bag and a pink and blue bento lunch box on the lunch bag.

“Break time muna, Miss Ma'am,” he uttered. I puffed my cheeks when he closed my laptop and carefully put it in my bag.

“Baka mahimatay ka-t-type r'yan. Dapat mahihimatay ka lang kapag type mo na ako,” he smirk at me while fixing my things.

Worth All the Scars (Metamorphosis #1)Where stories live. Discover now