Kung wala ka — Hale (electric guitar cover)
Chapter 28
Ayokong maniwala na totoo ang lahat. Hindi ako naniniwala. Hindi. Ayoko. Hindi ito totoo...
My Primrose isn't gone. Hindi... hindi niya ako iiwan. Hindi pa... maaga pa.
Hindi ito totoo. Nag-uusap lang kami kanina. Hawak-hawak ko pa siya sa mga bisig ko. Niyayakap niya lang ako kanina at hinahaplos ang pisngi ko... Pupuntahan pa siya ni Rousseau. Darating pa ang Papa niya...
Paanong w-wala na s-siya?
Nanghihina ang buong katawan kong nabitawan ang cellphone. Tulala ako at nanatiling nakatitig sa katawan ni Prim na tuluyan ng tinakpan ng kumot ng mga doctor. Tuloy tuloy ang agos ng mga luha sa mata ko.
Hindi ko alam ang mararamdaman. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong namanhid. Wala akong nararamdaman.
"N-Navi h-hija..." Mahinang tawag ni Nana sa akin matapos akong mapaupo sa lapag at humagulhol. Mahigpit akong niyakap nito habang tahimik na lumuluha.
"N-Na... b-biro lang 'yon d-diba?" I chuckled humorlessly. "N-Nana h-hindi p-puwede... a-ang aga— t-tatlong buwan p-pa... b-bakit ang aga? A-Ayoko..."
"H-Hija..."
"N-Nana naman, e!" I exclaimed desperately. "B-Bakit nila t-tinakpan ng gano'n si P-Prim? H-Hindi siya m-makakahinga... h-hindi makakahinga ang b-baby ko..."
With my wobbled knees, I tried my best to stand up. Humahangos akong tumakbo at pumasok sa kwarto ni Prim. Nurses were about to get her when I bent down my knees to them.
"S-Saglit l-lang..." Tumulo ang luha ko sa sahig habang nakikiusap. "S-Saglit lang... p-pakiusap."
Kitang kita ko ang mga mata nilang nakikidalamhati rin bago dahan dahang binitawan ang katawan ni Prim at iniwanan kami roon.
Nanginginig ang buong katawan ko. Dahan-dahan kong binuksan ang kumot gamit ang nanginginig na mga kamay. Para akong namatay nang paulit-ulit ng makita ang namumulta at wala ng buhay na katawan ni Prim.
Akmang hahawakan ko ang kamay nito nang marinig ko ang pabalyang pagbukas ng pintuan. I immediately recognized my boyfriend's presence beside me. His eyes were bloodshot. His lips parted and it trembled. Bumalatay ang sakit sa mata niya nang magkasalubong ang mga tingin namin.
"L-Love..." Nababasag ang boses niyang sambit na siyang nagdagdag lamang ng sakit sa nararamdaman ko.
Sa sobrang panghihina ko ay hindi ko magawang magsalita nang yakapin ako nito nang mahigpit.
Tumulo ang luha sa mga mata ko. Tulala lamang ako habang nanatiling nasa magkabila ang nanghihinang mga kamay sa kabila ng mahigpit niyang pagyakap sa akin.
My breathing hitched. I tried to calm myself down as I slowly pushed him away from me using my weak hands.
Bumaling ako kay Prim. Nanginginig ang buong katawan kong niyakap ang katawan nito. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang leeg.
"P-Prim..." nanginginig ang boses kong tawag nang mahawakan ko ang malamig niyang kamay. "G-Gising na d-d'yan, anak... n-nandito na si Papa oh. Bangon k-ka na..."
Ngunit hindi ito sumagot. Nanatili lamang ito sa ganoong posisyon. I hugged her tighter as another batch of tears stream down in my eyes. Wala na ang init na nararamdaman ko mula sakaniya. Wala na ang nag-iisang bagay na nagpapakalma sa akin. Hindi ko na siya maramdaman.
Wala na ang baby ko... wala na siya.
Wala na ang munting anghel na kayang pagananin ang loob ko... ang nag-iisang taong kayang gamutin ang sugatan kong puso nang hindi niya nalalaman. Tuluyan na siyang sumama sa totoo niyang ina.
YOU ARE READING
Worth All the Scars (Metamorphosis #1)
Teen FictionMetamorphosis Series #1 "Scars define how brave someone, after overcoming thorns." Ohana Raviea Evangelista is a typical prim and proper girl whose epitome of being an obedient daughter. Lahat na 'yata ng utos ng kaniyang mga magulang ay sinusunod n...