KABANATA 4: First Encounter

1.4K 31 1
                                    

KABANATA 4
First Encounter

BAGO AKO BUMABA ay naligo muna ako dahil ang lagkit-lagkit ko na at punong-puno na ako ng pawis. Pagkatapos kong maligo ay pumasok na ako sa closet at staka nagbihis ng komportableng pambahay at staka sigang bumaba sa hagdanan papunta sa baba dahil tanghaling tapat na at hindi pa ako kumakain staka titignan ko kung nalinis na nila yung mga kalat nila salas kanina.

Makakatikim talaga silang lahat sakin ng suntok at sapak sa mga ampapangit nilang pagmumukha!

Kalat kasi sila ng kalat hindi naman sila yung naglilinis! nahihirapan kaya yung naglilinis non!

Sarap nilang pag-untugin sa totoo lang!
Haysstt..

Pagkababa ko ay nakita ko ka agad sila kuya's at yung mga pinsan kong tarantado at pati na rin yung—

Akala ko umalis na itong mga asungot na ito dito?

Nakita ko lang naman ang mga bwisita nilang mga asungot na nakaupo sa salas yung iba naman ay nakahiga sa sofa at iba naman ay nakaupo sa sahig habang busy silang nag-uusap, pero hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila. Napansin ko din na wala na yung mga dinala nilang mga babae dito kanina, siguro umalis na.

Nilibot naman ng paningin ko ang buong salas. Mabuti naman nalinis na nila yung mga kalat nila kanina, hindi lang suntok at sapak ang aabutin nila sakin!

Tumikhim naman ako kaya napabaling ang tingin nila sakin. Napatingin naman ako sa mga bwisita nila na nakatingin na din sakin kaya tinaasan ko lang ito nang kilay at masungit silang tinignan kaya napaiwas sila ng tingin.

Pero yung isang asungot hindi man lang umiwas ang gago! Aba! Matibay din ang isang to ahh! Mariin itong nakatingin sakin na parang tanga lang!

"Mga kuya's, bakit hindi pa umalis itong mga asungot na ito dito?" napamewang kong tanong kila kuya's staka tinaas ko ang kilay ko, sabay turo sa mga asungot na feel at home lang ang peg.

"Grabe naman yung pinsan niyo, bro." bulong ng kulay pula ang buhok kay kuya Carter. Bubulong-bulong na nga lang naririnig pa tskk.. ayos din isang to ehh..

Siniko naman ito ni kuya Carter sa tyan niya kaya napa-aray ito sa sakit at staka sinabihan na tumahimik.

"Hoy! Ikaw! kuyang pulang manok!"

aniko sabay duro sa kanya. Gulat naman itong napatingin sakin, lumingon pa siya sa mga katabi niya sabay turo niya sa sarili niya kung siya ba yung tinutukoy ko.

"Ako ba yung tinutukoy mo?"

nagtatakang tanong nito sakin. Aba! nagtatanong pa ang gago! siya lang naman yung kulay pula ang buhok dito!

"Ayy.. hindi! siguro yang katabi mo!, sino pa ba dito yung pula ang buhok diba ikaw lang?!" pabalang tanong ko dito. Nilingon niya ulit yung mga katabi niya staka lumingon siya sakin at nahihiyang napakamot ng ulo.

"Mas grabe pa nga kayo kanina!!! ang dami niyo kayang kalat dito sa salas. Kulang na nga lang gawin niyo nang basurahan dito!!!" dagdag ko pa. Tahimik lang yung iba na nakikinig at nakatingin.

"Pagpaumanhin mo magandang binibini sa aming inasal kanina at kami ay nagkalat dito sa inyong sala, ngunit nilinis na namin ito." sabat ng kulay brown ang buhok sakin. Anong magandang binibini ang pinagsasabi nito?

"Paumanhin din sa iyo ginoo, ngunit malabo na ya'ta ang iyong paningin?, sa gwapo kong ito ay magandang binibini ang iyong itatawag? Aba'y hindi makatarungan iyon!" aniko dito.

Natulala naman siya sa sinabi ko parang hindi makapaniwala, yung iba naman ay gulat na nakatingin tapos yung iba naman ay nakanganga na nakatingin sakin, na parang pinoproseso nila sa isip nila yung mga sinabi ko.

ARRANGE MARRIAGE WITH MR. COLD SSG PRESIDENT #S1: (MAFIA BOSS OBSESSION)Where stories live. Discover now