KABANATA 6: New School, New Bestfriend

1.3K 25 1
                                    

KABANATA 6
New School, New Bestfriend

PASADO ALAS KWATRO pa lang ay gumising na ako dahil ngayong araw na 'to ay pasukan na at mahirap na ba ka malate pa ako sa pagpasok sa skwelahan. Pagkatapos kong inayos ang aking kama ay dumiretso agad ako cr at ginawa na ang morning routine ko.

Pagkatapos kong naligo ay nagsuklay na ako at hinahayaang nakalugay ang hanggang baywang kong buhok at kinuha na ang uniform ko na nakapatong sa kama na kanina ko lang nilabas sa closet ko, kung nagtataka kayo noong isang araw pa 'to na I deliver dahil nagpatahi sila kuya's ng gagamitin kong uniform pagkatapos akong sukatan at ngayon ko lang makikita, nalabhan na rin ito kaya wala nang problema doon.

Pagkatapos ko maisuot ang uniform ko ay humarap na ako sa salamin para makita kung ayos ba itong uniform na 'to ngunit pagkaharap ko pa lang ay----

Halos mapamura na lang ako ng makita ko ang buong repleksyon ko sa salamin. Parang gusto ko na lang hubadin itong uniform na suot-suot ko ngayon at magbihis na lang nang pantalon at t-shirt.

Potek! naman ohh! 'bat ganito kasi kaikli itong palda, above the knee naman ito pero dahil sa matangkad ako nakikita nang kaunti 'yung kalahating legs ko at iyon ang pinaka-ayaw ko sa lahat dahil hindi ako komportableng gumalaw dito.

Pilit ko pang hinihila pababa itong palda pero ayaw talaga. Aiisshhh.. naiinis ko namang inihipan yung mga iilang hibla ng buhok ko na nakatakip na ngayon sa buong mukha ko, kinuha ko naman 'yung gagamitin kong sapatos staka isinuot na ito. Padabog ko namang kinuha 'yung bag ko na gagamitin ko sa school at isinukbil agad sa balikat ko staka bumaba na.

Nakasimangot akong bumaba sa kuwarto ko at dumiretso na sa kusina. Nakita ko naman si manang na naghahanda ng almusal sa hapagkainan kaya binati ko ito.

"Morning po manang."

magalang kong bati sa kanya kaya nagulat ito naman sa pagsulpot ko, hindi niya kasi ako nakita dahil nakatalikod itong naghahanda ng almusal sa hapagkainan.

"Ayy.. jusko! ka namang bata ka, ang aga mo namang ya'tang nagising?"

sabi nito at napahawak ito sa dibdib nito habang gulat pa ring nakatingin sa'kin.

"Pasensya na po manang kung nagulat ko 'ho kayo, ba ka po kasi.. malate po ako ng gising lalo po ngayon na first day of school ko po."

pagpapaumanhin ko sa kanya staka nahihiyang napakamot sa ulo.

"Ohh..siya sige hija, maupo kana't simulan mo nang kumain ng almusal at ba ka malate kapa."

saad nito sa'kin habang inaayos 'yung nakahanda sa lamesa. Kaya hinila ko na iyong upuan at staka umupo na at sinimulan nang kumain nang almusal, 'yung bag ko naman ay nakapatong sa upuan na katabi ko.

"Maiwan muna kita rito hija, dahil marami pa akong gagawin, pagkatapos mong kumain ay iiwan mo na lang diyan at ang mga maid na lang ang bahala magligpit para maaga kang makaalis."

saad nito sa'kin na ikinailinh ko naman.

"Naku! okay lang po manang, ako na lang po maghuhugas po nito staka maaga pa po kaya mamaya pa po ako aalis, at hihintayin ko pa po sila kuya's para sabay na po kami pumunta sa school."

aniko sa kanya. Noong una ay ayaw pa niya pumayag pero sa huli ay napapayag ko na rin.

"Ohh.. siya sige ikaw bahala hija, gigisingin ko muna yung mga kuya at mga pinsan mo sa itaas."

ARRANGE MARRIAGE WITH MR. COLD SSG PRESIDENT #S1: (MAFIA BOSS OBSESSION)Where stories live. Discover now