KABANATA 7: Don't deny it, bro!

2.3K 40 29
                                    

Kabanata 7
Don't deny it, bro!

COOPER POV.

I'm Arius Lucian Cooper Lee 23 y/o single because I don't want to get into a relationship, that's kinda boring, right? I'd rather get married right away when I find the woman who makes my heart beat. Btw we are triplets, Carter is the youngest, and kuya Chester is the oldest, and I am the second born among them. So nandito kami ngayon sa Clinic dito sa ZK University na pagmamay-ari ng nag-iisang prinsesa namin, pinamana ito ni Daddy Lo sa kanya.

Bilis-bilis kaming pumunta sa Cafeteria dahil nalaman naming nakikipagbasag-ulo na naman si princess. Pagkadating pa lang namin sa Cafeteria ay nadatnan namin ang mga studyante na nagkukumpulan at nakita na lang namin bigla si princess na nasa malamig na sahig habang habang hawak-hawak ang bandang gilid ng ulo nito staka ito nakapikit at wala man lang tumutulong dito. Umiiyak na rin 'yung hindi pamilyar na babae na nasa tabi ni princess at pinipilit itong ginigising. Kaya agad naman naming pinuntahan 'yung pwesto nila pero nong mahawakan ko yung kamay ni princess ay halos mapamura ako dahil mayroong dugo ito at doon na kami nagsimulang nagpanic at agaran namin siyang dinala dito sa Clinic.

Nandito kaming lahat na magpipinsan at 'yung iba naming mga kaibigan sa loob ng kwarto dito sa Clinic at hinihintay naming magising si princess dahil nawalan ito ng malay kanina. Yung apat naman ay bumili muna ng prutas na makakain ni princess paggising nito, nalinis na rin 'yung sugat nito sa bandang gilid ng noo at binalutan na ito nang nurse ng benda dahil doon ang natamaan. Si kuya Ace naman ay wala dito, pinatawag kasi siya ni tito kanina kaya dali-dali itong umalis dahil aasikasuhin muna daw niya 'yong kompanya nila dahil nagkaproblema.

Nag-aalala nga kami ba ka hindi pa magising si princess dahil malalagot talaga kami mamaya kay kuya Ace kung malaman niya ang nangyari dito, hindi lang lagot kundi patay talaga kami ne'to pagdating niya. Dahil simula noong mga bata pa lamang kami ay alagang-alaga nito si princess dahil busy sa trabaho ang parents nila, sinisigurado talaga niya kung maayos ba 'yung lagay nito, nakakakain ba ito nang maayos, siya kasi ang nag-aalaga sa mga kapatid niya dahil nga puro business 'yung parents nila, kumbaga husband material itong pinsan kong mas matigas pa sa yelo hindi nga lang halata.

At ba ka makarating pa ito kila grandpa at grandma, mas lagot kami doon dahil ba ka kunin nila si princess at doon muna tumira habang wala pa sila tito at tita, kung nagtataka kayo tumawag kanina si tita sa amin na kami daw muna magbantay kay princess, nagpa-book kasi si tita ng flight at ngayon na ang alis nito papuntang U.S dahil nagkaproblema ang isang kompanya nila do'n at kailangang may mag-asikaso dahil may katandaan na rin si tito, hindi na niya kayang mapagsabay na I handle ito.

Kasama din namin ang babae na nakasalamin nang medyo makapal, nakaupo ito at nakatulog malapit sa tabi ni princess dahil may upuan doon, staka nagpakilalang itong bilang kaibigan ni princess, siya siguro 'yung tinutukoy na babaeng kaibigan ni princess base sa message niya kay Carter kanina bago mangyari ito. Kung nagtataka kayo, bakit nagkasya kami sa Clinic ehh.. ang dami namin, kung sa ibang Clinic kasi ay sakto lang ang lawak at laki nito, dito naman ay malaki at sobrang lawak dahil pinasadya talaga ang paggawa nila dito.

Kumpleto rin ang mga kagamitan nila dito kaya walang problema do'n. Nagmumukha na nga itong Hospital ehh.. mayroong mga kwarto rin dito na paglalagyan ng mga studyanteng pasyente na may mga sakit para maka recover sila ng mabilis. Libre rin ang pagpapa check up na para sa mga studyanteng nag-aaral dito sa ZK University.

Nakaupo kami sa mahabang sofa dito sa loob ng kwarto sa Clinic, 'yung mga iba naman ay knockdown na sa sofa in short tulog na 'yung mga iba kong mga pinsan... tumutulo pa laway ng magaling kong kapatid, si Jeron naman ay malapit ng malaglag sa sofa dahil sa magulo itong matulog, marami kasing mga sofa dito kaya makakaupo kami ng maayos habang hinihintay si princess na magising. VIP room kasi ang napili naming kwarto.

ARRANGE MARRIAGE WITH MR. COLD SSG PRESIDENT #S1: (MAFIA BOSS OBSESSION)Where stories live. Discover now