KABANATA 14

464 22 0
                                    

"Ang ganda!" Mangha kong sambit.

Pinagmasdan ko ang papalubog na araw mula rito sa malawak na buhangin, katabi ko Ginoong David na kasama kong nanonood ng araw. Kakaalis lang namin sa mansyon, nagpaalam muna kami kay Senyor Xavier na aalis na, wala naman siyang naging ibang sagot kundi tango.

Ito ang unang lugar na aming pinuntahan. "Saan mo gustong pumunta pagkatapos natin dito?" Tanong niya sa'kin.

Nakatingin naman ako sa papalubog na araw habang nag-iisip. "Kung pwede pumunta tayo sa plaza na malapit dito." Sagot ko naman.

"Bawal tayo roon." Mabilis niyang saad. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. "Maraming mga sundalong kastila roon, hindi ko masasabi kung anong kaya nilang gawin sa'yo."

"Edi magpapakilala ako sa kanila, na isa akong trabahador sa mansyon ni Senyor Xavier. Panigurado namang kilala nila si Senyor." Sambit ko.

"Kahit na. Hindi mo naman kasama si Senyor kaya delikado pa rin." Wika niya.

Sa huli ay hindi ay sumuko na lang ako at nag-isip kung saan pwedeng mamasyal. "Sa kagubatan na lang kaya?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa kagubatan? Bakit mo gusto roon?" Tanong niya rin.

"Gusto ko kasing makakita ng matatayog na puno." Nakangiti kong sagot.

"Bawal din naman tayo doon. May mga sundalong kastila rin doon. Kasalukuyang pa rin kasi tayong sinasakop ng mga kastila, sadyang hindi lang natin dama dahil kakatapos lang tayong sakupin. Nananakop naman sila sa ibang panig ng pilipinas." Mahaba niyang litanya.

Napanguso na lang ako dahil kakaunti na lamang ang sinag na nagmumula sa araw, maya-maya ay mapapalitan na ito ng magandang buwan.

"Sige, libutin na lang natin ang malapit na pamilihan dito ng mga palamuti." Wika ko.

Ngumiti naman siya bago siya tumayo at ilahad sa'kin ang kaniyang kamay. Aabutin ko na sana iyon ng bigla niyang bawiin. Nagtataka ko naman siyang tiningala. "Bakit?" Tanong ko.

"Bawal humawak ang dalaga sa kamay ng binata kapag hindi sila magkasintahan." Sagot niya.

Napatango-tango na lang ako bago tumayo sa sarili kong paa.

Nakasunod lamang ako sa kaniyang likuran habang papunta kami sa pamilihan, habang naglalakad ay nakakakita ako ng iba't-ibang mga ilaw.

Namangha ulit ako nang makita ang unahan ng pamilihan, sumalubong sa aming ang mga nag-gagandahang mga palamuti na magkakatabing nakasabit.

"Ang ganda naman pala rito tuwing gabi. Ngayon lang ako nakalabas ng mansyon ni Senyor ng gabi, masyado kasi siyang istrikto." Naiiling kong wika.

"Nagmamalasakit kasi siya sa inyo." Sambit ni David.

Masaya kaming nag-uusap tungkol sa kaniyang trabaho kay Senyor Xavier nang maagaw ng aming atensyon ang maliwanag na kalesang dumaan sa gitna ng pamilihan. Nahawi ang iilang mga tao na bumibili.

Kunot-noo kong minata ang taong nasa loob ng kalesa. Dahil maliwanag dahil sa ilaw na dala no'n ay nakita ko ang magandang imahe ng isang babae na mukhang ilegante.

Sino kaya siya? Mukha siyang anak ng isang mayamang kastila.

"Sino kaya ang babaeng iyon, Ginoong David?" Wala sa sariling tanong ko sa katabi kong hindi na rin maialis ang tingin sa kalesang dumaan sa aming harap.

Nilingon naman niya ako. "Hindi ko kilala. Ngayon ko lang siya nakita rito." Sagot niya.

Hindi na lang namin inisip kung sino iyon. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nagtatawanan. Huminto siya kaya naman napahinto rin ako. Sinundan ko ang kaniyang tinitingnan.

The Past And Future (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon