EPILOGO

653 21 25
                                    

Sa pagbalik ko sa panahon ko, syaka ko lamang nalaman na marami pa lang pinagbago ang kasalukuyan.

Ang dating tinuturing kong mansyon ni lola Talisa ay mansyon ko na ngayon. Sinabi sa'kin kasi ng apo ni David na bago mamatay si Xavier ay sa akin na niya ito ipinangalan.

Kagaya nga ng sinabi sa'kin ng lalaking iyon ay lumabas ako ng kwarto namin noon ni Xavier upang malaman ko ang mga pagbabago sa kasalukuyan at sagot sa tanong ko.

Hindi na ako nagulat ng ganoon pa rin ang ayos ng mga kwarto, hindi pa rin naiialis ang kusina na malapit sa mahabang lamesa.

Kusina...

Kung saan maraming ala-ala ang nabuo namin ni Keres. Una ko iyong pinuntahan, pagbukas ko pa lang ay naalala ko na ang iilang tawa namin doon sa tuwing nagkekwentuhan kami patungkol sa mga asawa namin noon.

Sayang lang talaga si Azazel. Kung hindi niya ako ginawan ng masama, sana dalawa silang may ala-ala sa'kin. May ala-ala naman pero ayokong alalahanin e'.

Lumabas ako ng kusina at dumiretso agad sa sala, sa lamesita ng mansyon ay may nakapatong na isang hindi kalakihang box na kulay gold. Napapalibutan na rin ito ng mga alikabok.

"Wala bang nag-aalaga nitong mansyon?" Tanong ko sa lalaking nasa likod ko at pinapanood lamang ang ginagawa ko.

"Simula ng mawala si Senyor Xavier, umalis na rin ang mga katulong niya, hindi roon kabilang ang dalawang babaeng naabutan mong katulong noon." Sagot niya.

Napatango-tango naman ako, hindi na ako magtataka kung bakit sobrang alikabok na na mga upuan. Marami naman ang hindi pamilyar na sofa sa'kin, iba na rin ang ayos ng mga upuan.

Lumapit ako sa box na nasa ibabaw ng lamesita. Hinawakan ko iyon, bubuksan ko na sana iyon ng mapansin na nakapodluck pala ito. Bumuntong hininga ako at ibinalik na lamang ito sa ibabaw ng lamesita.

Pumunta naman ako sa isang drawing na parang pamilyar sa'kin. Hindi ko napigilan ang paghikbi ng makalapit ako roon at makita ang drawing.

Hindi ako nagkakamali, ito ang drawing nung ikinasal kami. Napalakas ang hikbi ko ng maalala ang araw na iyon, isa sa pinakamagandang araw ko sa panahong iyon.

Hinimas ko ang mukha ni Xavier sa drawing bago muling tumulo ng sunod-sunod ang luha ko sa kaliwang mata. "X-xavier..." basag-boses kong banggit sa kaniyang pangalan.

Hindi ko na makita ng maayos ang drawing doon ng kaniyang mukha dahil natatabunan ng tubig ang mata ko dahil sa mga luha. "Miss na kita..." nanghihina kong sambit.

"Gustong-gusto na ulit kitang makita, gusto ko na ulit mayakap ka ng mahigpit, mahagkan 'yang labi mo, miss ko na 'yung mukha mong laging nasa leeg ko tuwing pagod na pagod ka sa trabaho mo. Miss ko na 'yung kamay mo sa ibabaw ng ulo ko kapag natutulog. Miss ko na lahat ng meron tayo noon. Gusto kong maibalik 'yon. Gusto kong bumalik."

Ilang minuto ko pang iniyakan ang drawing namin noong ikinasal kami bago ako tumahan. Pinagmamasdan ko iyon ng may mapansin ako mula sa akin. Nagkunot ang aking noo ng may mapansin akong kwintas na nakasuot sa'kin.

Nakakasiguro akong hindi drawing iyon, hinawakan ko ang kwintas na iyon bago hilahin. Hindi nga ako nagkakamali, isa nga iyong totoong kwintas. Pinagmasdan ko ang pendant na iyon. Susi?

Nilingon ko ang box na nasa ibabaw ng lamesita. Hindi kaya ito ang susi para mabuksan iyon?

Agad naman akong naglakad papalapit doon sa lamesita bago ako lumuhod sa lamesita at humarap sa box. Ipinasok ko ang susi sa keyhole ng box. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko ng pumasok ang susi, at na-unlocked ko na.

The Past And Future (Completed)Where stories live. Discover now