KABANATA 27

440 18 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Parang kahapon lang abala si Keres sa pagpaplano ng kanilang kasal ni Adrian, pero ngayon ikinakasal na sila.



Hindi naman karamihan ang mga bisita nila Keres, mga kaibigan at iilang kamag-anakan lamang nila ang naroon. Ako na rin ang naging abay ni Keres bilang matalik niyang kaibigan.



Umabot ng isang oras ang seremonya bago idineklara na kasal na nga sila. Hindi ko rin naman napigilan ‘yung luha ko dahil sa sobrang saya. Hanggang sa pabalik naman kami sa mansyon ay nangingiyak pa rin sa sobrang saya si Keres. Matagal na nga kasi niyang gustong matali kay Adrian.



"Ayan kasal na kayo, ang ibig sabihin niyan ay hindi ka na sa mansyon matutulog." Malungkot kong wika.



"Hindi na rin naman tayo nagtatabi sa kwarto dahil mas gusto ni Senyor Xavier na roon ka na sa kwarto niya natutulog. Buti na lang talaga at walang nangyayari sa inyo. O baka naman meron talaga, hindi mo lang sinasabi sa'kin." Paghihinala niya.



"Ayan ka na naman sa sakit mong walang lunas." Pang-aasar ko sa kaniya.



Tumigil ang kalesa sa tapat ng mansyon ni Xavier. Nasa likod ng kalesang inupahan nina Adrian ang kalesang minamaneho ni David. Inupahan ng mag-asawa ‘yung kalesa pero hindi silang dalawa magkasama kasi mas gusto kong makasama muna si Keres. Magsosolo na kasi sila mamaya e'.



Pagpasok namin sa mansyon ay napasalampak ako sa upuan dahil sa pagod sa seremonya, nakakapagod tumayo ng isang oras. Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Xavier sa tabi ko. Hinila niya ako sa palapulsuhan para mapayakap sa kaniya.



"Pagod ka?" Bulong niya sa'kin bago patakan ng mga halik ang tenga ko. Hindi pa siya nakuntento at dumaretso sa leeg ko at doon ibinaon ang kaniyang mukha.



"Bakit parang kayo ang bagong kasal?" Natatawang tanong ni Keres.



Hindi ko tinanggal ang pagkakayakap ko kay Xavier, hindi rin naman kasi siya gumalaw.



Kumain lang kami saglit bago kami nagtungo ni Xavier sa kwarto. Sina Adrian at Keres naman ay umuwi na sa kanilang bahay. Bilang unang araw nilang mag-asawa ay hindi muna pinagtrabaho ni Xavier si Keres, may dalawa namang bagong katulong.



Pagdating namin sa kwarto ay agad akong dumapa sa kama. Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Xavier sa gilid ng kama syaka ang paglagay niya ng mga unan sa gitna namin.



"Xavier…" pagtawag ko sa kaniya. Hindi naman siya kumibo kaya nagsalitang muli ako, mukhang tulog na agad siya. "Pakasal na rin kaya tayo."



Akala ko tulog na talaga siya pero nagulat ako ng bigla siyang magtanong. "Kailan mo gusto?"



"Bukas." Sagot ko. "Biro lang ‘yan, pero dahil palagi kang seryoso, syempre seseryosohin mo sinabi ko."



Nagulat ako ng bigla niyang tanggalin ang unan na naghaharang sa'ming dalawa. "Seryoso, kailan mo gustong matali sa'kin?" Tanong niya habang nakatukod ang kaniyang kamay sa kama at nakapatong doon ang kaniyang mukha habang nakatitig sa'kin.



"Ikaw bahala." Kibit balikat kong sagot.



"Bago ako umalis sa susunod na buwan dapat kasal na tayo." Seryoso niyang sambit kaya napalingon ako sa kaniya.



"Seryoso?" Tanong ko.



"Oo, may pinapagawang trabaho sa'kin ang gobernador-heneral sa ibang lugar, isang linggo lang naman ako roon pero gusto ko dala mo na apelyido ko bago ako umalis." Sagot niya.



The Past And Future (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon