Chapter 14

1.9K 38 0
                                    

Chapter 14

Amie's POV

"Heto na luto na ang sinigang" masayang sabi ko sabay lapag na ng mga pagkain sa mesa kung saan naghihintay ang anak ko at si Vaughn.

"Yehey! Sawakas luto na!" masayang sabi ni Angelo.

"Pinaghintay ba kita?" Tanong ko.

"Hindi naman po" sagot niya kaya nginitian ko naman siya.

"Halika subuan na kita" sabi ko sabay sandok na ng pagkain gamit ang kutsara at isinubo ito sakanya.

"Mommy bakit ako lang po yung sinusubuan niyo? Subuan niyo rin po si daddy" sabi niya na ikinagulat ko.

"Ah hindi na baby, kaya naman ng daddy mo na subuan ang sarili niya" sabi ko.

"But still, gusto ko pong makita na sinusubuan niyo si daddy" sabi niya kaya napatingin naman ako kay Vaughn na nakatingin rin sakin.

Binitawan nito ang mga kubyertos na hawak niya na nagpapahiwatig na okay lang sakanya sa subuan ko siya kaya wala naman akong magawa kundi ang subuan siya ng pagkain.

"Okay na ba?" Tanong ko kay Angelo.

"Opo, now it's daddy's turn" sabi ni Angelo.

Sinubuan ako ng pagkain ni Vaughn kaya pinipigilan ko naman ang sarili kong mamula dahil rito kaya napaubo nalang ako para pakalmahin ang sarili ko

"Do you need water?" Tanong ni Vaughn kaya umiling naman ako.

"See, we look like a happy family na po" sabi ni Angelo kaya napangiti naman ako.

"We do?" Tanong ko.

"Yes po, kulang nalang po ay magkiss kayo" sabi ni Angelo.

"Since when are you fond of romance huh?" Tanong ko.

"Secret" sagot nito.

"I'm getting late, I have to go" sabi ni Vaughn.

Tumayo ito saka lumapit kay Angelo para magpaalam na. Hinalikan niya ito sa pisngi at akmang aalis na sana ng pigilan siya ni Angelo kaya kinuotan naman niya ito ng noo.

"Hindi po ba dapat halikan niyo rin si mommy, daddy? You should say goodbye to her also" sabi ni Angelo.

"Baby hindi na iyon kailangan. That's unnecessary" sabi ko.

"It's necessary for both of you mommy and daddy cause you love each other" sabi niya kaya napangiti naman ako ng pilit.

Nagulat ako ng halikan ni Vaughn ang pisngi ko kaya napatingin naman ako sakanya.

"I'm leaving" paalam nito.

"Mag iingat ka po daddy" sabi ni Angelo.

"I will" sabi ni Vaughn.

Narito kami ngayon sa kwarto ni Angelo dahil nanonood kami ngayon ng isang movie sa tablet niya. May kinakain kaming french fries at popcorn bilang pangmeryenda namin. Gusto niya daw kasi na panoorin naming dalawa yung paborito niyang movie na ngayon ay may season 2 na raw. Since wala naman akong alam sa season 1 ay todo tanong ako sakanya.

"Mommy kapag po ba nag 8 na ako ay papasok na ako sa school?" Tanong sakin ng anak ko.

"Hindi ko alam eih, pero tingin ko ay mas mabuti kung mag home school ka nalang kasi delikado sa labas" sabi ko.

"Then hindi po ako kailanman makakapasok sa isang school at makakahanap ng friends?" Tanong niya.

"Of course not. Kapag malaki kana at kaya mo ng protektahaan ang sarili mo sa mga bad guys ay siguradong papayagan kana ng daddy mo na mag aral sa isang school" sabi ko.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon