Chapter 30

1.2K 16 0
                                    

Chapter 30

"Oo, pinapaulanan ako ng bala ng gagong yun eih ginegreet ko lang naman siya ng happy birthday" natatawang sabi niya.

Buti nalang ay sound proof ang opisina ni Vaughn kaya hindi gaanong naririnig yung mga putok ng baril galing sa loob kundi malamang pati anak ko matatakot lagi sa araw na iyon.

"Kung ganun edi delikado kung isecelebrate pa namin yung birthday ni Vaughn bukas, baka kami naman yung papaulanan niya ng bala kapag nag greet kami sakanya" sabi ko.

"Malamang hindi yun gagawin sainyo ni Vaughn noh. Mag ina niya kayo kaya hindi niya kayo sasaktan o tatakutin" sabi niya.

"Siguro sa anak namin ay gagawin niya yan pero sakin parang hindi, paniguradong magagalit iyon sakin" sabi ko.

"Hindi yun, magtiwala ka sakin" sabi niya.

"Ginagawa mo ba itong revenge sakanya dahil binigyan ka niya ng maraming gawain kaya kahit wala ka rito ay gusto mo paring mapeste siya bukas sa mismong kaarawan niya?" Tanong ko.

"Ang kitid naman ng utak ko kung ganyan ako mag isip binibining Amie. Gusto ko lang talaga na tigilan na ni Rullen ang sama ng loob niya tuwing binabati siya sa kaarawan niya" sabi niya.

"Bakit ba siya nagagalit tuwing binabati siya sa tuwing kaarawan niya?" Tanong ko.

"Ayaw kasi ni Rullen ng magpapaalala sakanya sa araw na isinilang siya sa mundo kaya ayaw na ayaw niya sa araw ng kapanganakan niya. Feeling niya kasi ay ipinanganak lang siya sa mundo para maging kung ano siya ngayon na kailanman ay hindi niya ginusto, pero dahil kailangan niyang tanggapin ay wala na siyang choice kundi ang tanggapin nalang. Pero never siyang naging masaya dun kaya kinamumuhian niya pati ang pagkatao niya dahil hindi niya man lang kayang piliin ang gusto niyang buhay, feeling niya ay wala siyang karapatang maging masaya dahil ipinanganak siya na kailangan magdusa hanggang sa kamatayan niya" sabi niya kaya napatingin naman ako sa gawi nila Vaughn na busy pa rin sa pagbabaril.

"Sige, salamat sa pagsabi Rence" sabi ko.

"Walang anuman, sige ibababa kona ito goodluck sainyo bukas at saka e greet mo nalang ako kay Rullen ng happy birthday bukas" sabi niya.

"Sige, bye" paalam ko sabay baba na ng telepono.

Linapitan kona sila Vaughn saka kinuha ulit ang baril ko at ikinalabit ito.

"Look daddy nakaheadshot po ako!" Masayang sabi ng anak ko.

"Very good, son" puri sakanya ni Vaughn habang ginulo ang buhok nito.

"Wow, ang fast learner ng baby ko" sabi ko.

"Thank you po" sabi ng anak ko.

"That's enough, let's get in and eat lunch" sabi ni Vaughn kaya nilapitan ko naman ang anak ko at hinawakan ang kamay nito.

Habang kumakain kami ay bigla akong may naalala kaya napatingin naman ako kah Vaughn.

"Ah pwede bang hindi na muna kami magensayo ni Angelo bukas?" Tanong ko kay Vaughn.

"Why? Are you not feeling well?" Tanong niya.

"Ah hindi naman, okay lang ako. Naisip ko lang kasi na baka pwede bukas ay magbreak na muna tayo sa pag eensayo, bukas lang naman" sabi ko.

"We can have a break anytime" sabi ni Vaughn.

"Mabuti naman. May gagawin lang kaming dalawa ni Angelo bukas kaya magpukos ka lang sa trabaho mo" sabi ko.

"May gagawin po tayo bukas? Bakit hindi nalang po natin isali si daddy sa gagawin po natin bukas?" Tanong ng anak ko.

"Gusto ko kasing magbonding tayo ng tayo lang dalawa" sabi ko.

Surrogate Mother of the Billionaire (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant