CHAPTER 152

74 3 0
                                    

Deadly Hood

Third Person's POV

Pumasok ang isang lalaking itim ang kasuotan sa isang mansion, lahat ng lalaking nakahilera sa kaniyang harapan ay yumuko sa kaniya, tiningnan lamang niya ito bago pumanhik sa isang kwarto sa ikalawang palapag, doon niya nakita sa loob ang lalaking nakahiga sa kama kasama ang isang lalaki nakaupo.

"Anong ginagawa mo rito!?" Mabilis na tumayo ang lalaking nakaupo. Pagkabigla at hindi pagkakaunawaan sa nangyayari ang gumuhit sa kaniyang mukha.

Ngumisi sa kaniya ang lalaking kakapasok lamang sa kwarto.

"What kind of plan is this? Ian?"



Azie's POV

"Ayan! Sige tirahin mo!"

Naglalaro sila sa cell phone at meron na namang pustahan. Ako naman ay nakikinood, magkalaban si Renji at Riu. Kanina pa magkalaban, hindi pa rin nanalo ang isa sa kanila...

"Zie! Paano combo nito?" Napangiwi ako sa tanong ni Riu.

"Tanga! Di siya naglalaro niyan." Binatukan siya ni Dylan.

"Ay... Hehe..." Ngumiti siya sa amin bago nagpatuloy sa paglalaro.

Tumingin ako sa kung saan, doon ko nakita si Theo at Xandrei na nakatingin sa akin, mabilis silang nag-iwas ng tingin sa akin. Tinapos din nila ang pag-uusap nila, bumalik si Theo sa tabi ko at si Xandrei naman ay nakatayo lang sa likod.

Gusto ko sanang tanungin si Theo, pero hindi ko magawa. Iba ang awra niya, parang kapag hinawakan ko siya ay magagalit na agad siya.

Hawak niya ang phone niya at busy sa pagpindot doon. Seryosong-seryoso rin ang mukha niya. Umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya, tumayo ako at lahat sila ay tumingin sa'kin.

"Comfort Room." Sabi ko bago lumabas ng room.

Bumuntong-hininga ako bago bumaba sa hagdan, nakakaramdam ako ng pagkaburyo sa mga araw na dumadaan. Dahil siguro 'to sa naaalala ko si Loren palagi.

"I have a boyfriend here! Papasukin niyo ko!"

Napatingin ako sa gate ng school, napakunot ang noo ko bago lumapit sa likod ng pader.

Stella Smith... Anong ginagawa niya rito?

Pinipigilan siya ng mga guards, pero pilit pa rin siyang pumapasok.

"Let her."

Napatingin naman ako sa dumating, si Sandra. Napakunot ang noo ko nang makitang kasama niya si Jessie.

Look who's with her.

"She's my friend, it's okay." Rinig ko pa na sabi ni Sandra. "Looking for Xandrei?"

Napaarko ang kilay ko. Bigla kong naalala ang party, kasama niya si Stella. Kumirot ang dibdib ko.

"Yes, this is the building right?" Tanong pa ni Stella.

Mabilis akong nagtago nang pare-parehi silang naglakad sa direksiyon ko. Mabilis akong umakyat sa room.

"Oh, kagulat ka naman." Lahat sila at nagulat sa pagbukas ko ng pinto ng room.

"Are you okay?" Tanong ni Dylan. Kunot-noo naman si Xandrei na nakatingin sa akin.

Tumango lang ako sa kaniya, ano namang ginagawa ni Stella rito?

Lahat kami ay napatingin sa pinto nang may basta nalang pumasok doon.

"Drei!" Masayang ngumiti si Stella nang makita niya si Xandrei.

The Bad Boys Section (Part II) Where stories live. Discover now