CHAPTER 157

17 3 5
                                    

Frustration

Azie's POV

Nasa park kami ni Xandrei ngayon kung saan kami pumunta noon kasama si Dylan at Loren. Pero nasa loob kami ng kotse habang nakabukas ang bintana.

Loren...

Napangiti ako sa kawalan bago kumain ng ice cream na binili ni Xandrei para sa amin. Gabi na, pero ayos lang. Ayoko pa umuwi...

"He keeps getting on my nerves." Singhal niya.

Si Theo ang pinag-uusapan namin.

"Alam niya kung anong relasyon meron tayo, Azie. Anong kagaguhan 'tong ginagawa niya." Tumigas na naman ang pananalita niya.

"Kumalma ka. Hindi ko rin alam kung bakit..." Tumingin ako sa kaniya.

Gusto kong aminin ang nangyari...

Gusto ko sabihin lahat ng nangyari sa kotse, kung anong ginawa ni Theo sa akin. Humigpit ang hawak ko sa kutsara para sa ice cream.

"Ashley Zai?"

Napatingin ako kay Xandrei nang tawagin niya ako, nakangiti siya sa akin.

"H-ha? Bakit?" Gulat kong tanong.

"I saw it."

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Nakita niya ang ano?? Huwag niya sabihing...

"I saw what happened inside his car earlier."

Tila bumagsak lahat ng saya na naramdaman ko kanina, binitawan ko ang ice cream bago ko pa iyon maitapon sa kotse niya. Wala akong kahit na anong masabi, nakatitig lamang sa kaniya ang mga mata ko.

"Please, magsalita ka..." Malambot niyang bulong sa akin, inabot niya ang kamay ko at inilagay iyon sa pisngi niya. "I saw everything, kung paano mo siya itulak, kung paano mo inayawan ang nangyari."

Ngumiti siya sa akin bago gumapang ang halik niya sa kamay ko.

"P-Paano?"

"Hindi naman kasi tinted ang sasakyan niya tulad ng sasakyan ko." Tumawa siya. "Hindi niya kayang gawin lahat sa kotse niya, hindi gaya sa kotse ko."

Hindi ko nahulaan ang sunod niyang gagawin. Kinabig niya ako at hinalikan. Napapikit ako ng mariin sa ginawa niya, patuloy habang humihigpit ang kamay niya sa akin. Gumapang pa iyon papunta sa bewang ko.

Napahawak ako sa balikat niya nang lumalim ang halik niya sa akin, itinulak ko na siya bago pa ako maghabol ng hangin.

"T-tama na..." Nahihiya kong bulong, nag-iwas ako ng tingin.

"Why?" Tumatawa niyang tanong. "Like what I said, we can do everything here."

Pilyo siyang tumawa, sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Dami mong sinasabi, eh bukas ang bintana ng kotse mo." Inikutan ko siya ng mata na ikinatawa niya.

"Ay bukas ba? Edi isara."

Hinampas ko siya nang isara niya nga talaga ang pinto! Lumapit pa siya sa akin pero itinulak ko na siya. Mapangasar siyang tumingin at tumawa sa akin.

Nagmaneho na siya para ihatid ako, hinatid niya ako sa bagong bahay namin. Sa labas pa lang ay nakita ko na ang guard namin, binuksan ko na agad ang bintana para sensyasan siya at makapag-park kami sa labas ng bintana.

Bumaba si Xandrei at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Ngumiti ako sa kaniya kasabay ng bulong niya.

"Kapatid mo nandiyan."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bad Boys Section (Part II) Where stories live. Discover now