CHAPTER 156

14 3 2
                                    

A/N: Napansin ko na hindi pala talaga ako nakapag-update ng matagal... Sana 'yung mga nag-aantay ng updates ay nandiyan pa rin at magbabasa ng updates ngayon🥺

Party Chaos

Azie's POV

"Ashley Zai..."

Tumingin siya kay Theo bago ngumiti sa akin. "Thanks, bro."

Tinapik niya ang braso ni Theo, gano'n din ang ginawa ni Theo.

"You're here, sabay na tayo pumunta sa taas." Nakangiting hinawakan ni Xandrei ang kamay ko bago bumaling kay Theo. "How 'bout you, bro?"

Ngumiti si Theo sa amin.

"I'll smoke here, mauna na kayo."

Tumango si Xandrei bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Nanginginig pa rin ang kamay ko pero pinilit kong pigilan 'yon. Pumasok kami sa elevator.

"Hah, do you know..." tumingin ako kay Xandrei. Mabilis na tumibok ulit ang puso ko. "I'm excited to drink with you later. I remembered the last time I drink, I'm fucking broken-hearted hahahaha."

Natawa ako sa sinabi niya, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Alam ko ang tinutukoy niya.

"Ngayon, kasama na kita." Hinalikan niya ako sa ulo at hinaplos ang buhok ko.

Ngumiti ako sa repleksyon ng aming katawan sa elevator, bumukas at lumabas na kami.

Naglakad kami at mukhang may reservation na naganap, dahil deretso na kaming pumasok sa loob at doon ko rin nakita na nandoon na ang iba.

"Zie! Dito!" Tawag sa akin nila Renji.

Ngumiti ako bago lumapit sa kanila, umupo kami at katabi ko si Xandrei na pinilit isiksik ang sarili niya kahit wala nang espasyo.

"Alis diyan! Urong!" Pakikipag-away niya sa mga Akugaki para lang magkasya siya sa tabi ko, natawa ako.

Tumingin naman kami kay Kian nang magsalita siya.

"Sila AJ nasa kabila, baka sakaling doon dumaan yung mga tauhan niya." Sabi niya bago tumingin sa akin. "Dalawa kasi ang entrance rito, Zie. Kaya nandoon sila para bantayan yung isa."

Tumango ako sa kanila. Tiningnan ko ang table, puno ng iba't-ibang alak at pagkain 'yon. Napatingin ako sa inabot ni Xandrei, napangiti ako nang ibigay niya sa akin ang wine glass. Nagsalin din siya ng para sa kaniya.

Halo-halo ang usapang ng mga Akugaki bago dumating si Theo. Hindi ako makatingin sa kaniya, hindi ko kayang isipin na nangyari 'yon at ginawa niya ang bagay na kailanman hindi ko inakalang gagawin niya.

"Nakita ko sila sa parking," pagkaupo ni Theo ay nagsimula siyang magsalita. "May inaabangan, hindi pa ata nakakarating 'yung iba."

Lahat sila ay tumango, nagtinginan sila sa isa't-isa na para bang nagkakaintindihan sila sa mga tingin nila.

"Lalabas na muna kami, para magbantay." Tumayo si Renji.

"Ako rin, pero sa kabilang entrance ako ng parking." Nagpaalam si Kenji pero hindi pa siya nakakahakbang ay tumingin siya sa akin habang nakangiwi at hindi maipaliwanag ang mukha.

"Bothered ako sa shades ng lipstick mo, Zie." Nakangiwi niyang sinabi na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Trending na ba may dalawang shade ng kulay sa labi? Upper and lower different shades?"

Halos kumawala ang puso ko sa dibdib ko dahil sa kaba. Shit....

Napatingin ako kay Xandrei nang silipin niya ang mukha ko. Doon ko napansin ang tagong ngisi ni Theo na agad ding nawala.

The Bad Boys Section (Part II) Where stories live. Discover now