Chapter 13

11 3 3
                                    

Hayden Victorious Piñeda

I tried to dial Scylance's number but he ignored my calls. Nakatatlong ulit pa ako bago ko naisipang i-text nalang sa kaniya ang gusto kong mangyari.

To: Say-say
   May trespassing sa Casa Musika, kapag 'di mo 'to naayos, sasabihin ko 'to sa kuya mo.

Nakababa nalang ako ng elevator ngunit wala pa rin akong nakuhang reply mula sa kaniya. Kaagad akong naglakad papunta sa theater na posibleng puntahan ni Sant. Teka, bakit parang natatakot ako na maka na-misinterpret niya ang nangyari kanina? T'yaka, kahit ako ay clueless din sa pinaggagawa ng spoiled mommy's girl na 'yon.

Alam kong maraming pinagdadaanan si Sant sa araw na ito, at ayokong makadagdag sa pasanin niya. From her family's suffocating presence, the accident and now, that mysterious delusional girl. Mas mabuti pang magpaliwanag ako kaagad sa kaniya bago pa mahuli ang lahat.

“Alam mo, Crisanta, magkaparehas lang tayo ng sitwasyon na pinagdadaanan ngayon. Pero hindi ibig sabihin no’n ay magkasing-bigat tayo ng dinadala.”

Natigilan ako sa paglalakad nang makilala ko ang boses na iyon. I immediately went to search for that person's voice and I was not wrong.

Nakaharap ngayon kay Sant ang aking private investigator na si Lachian Wallace. Nakangiti pa ito at may hawak na isang tupperware ng strawberry flavor na ice cream sa kaniyang kamay. “Her name's Artiem. Naging pipi siya dahil sa isang aksidente. Pero alam mo kung ano ang mas nakakatawa? Sa tingin ko ay ako ang may kapansanan sa amin kasi hindi ko masabi ang nararamdaman ko sa kaniya.”

Oh no, Hayden, listening to their conversation is not cool. Siguro naman ay kailangan ko lang hintayin si Sant na bumalik sa kwarto ko at bigyan muna silang dalawa ng privacy –

“What's your point, Mr. Montgomery?”

Biglang nabuhayan ang loob ko nang marinig ko ang boses ni Sant. Pero kahit na gano'n ay dapat panindigan ko ang pagiging gentleman ko sa lahat. I respect her privacy and I must not –

Lachian chuckled. “Gusto mo si Hayden, tama ba?”

Bloody hell! Muntik na akong lumikha ng tunog dahil sa sinabi ng gunggong na iyon. Kaagad akong nagtago sa likod ng itim na kurtina at hinintay ang sagot ni Sant. I-I mean, alam ko namang hindi niya ako magugustuhan dahil obviously, hindi naman niya ako type. Pero kung gusto niya sa gentleman, bakit hindi ako? Anong sense ng pinagsasabi ko?

Cool tayo, Hayden! Hindi nahihiya ang mga cool na tao!

“Kahit na ilang linggo pa lang kaming magkakilala, gusto ko na siya. Hindi ko alam kung bakit, paano, o saan nagsimula. Nagising nalang ako na gusto ko na siya, Mr. Montgomery. And yeah, we feel the same. Natatakot din akong magsabi sa kaniya tungkol dito.”

My heart started to make this stupid thump sound. Sa sobrang lakas nito ay halos hindi ko na marinig ang sumunod na sinabi ni Sant kay Lachian. Holy freaking bass! All this time, hindi lang pala ako ang nag-iisip kung gusto niya rin ba ako?

She likes me! What should I do?

“Alam mo na ang sagot, Crisanta. Are you willing to take the risk or give Hayden to that unknown woman and regret that for the rest of your life?”

“I'll tell him.”

I swear, I can imagine Lachian grinning like a maniac while talking to Sant. Alam na alam niya talaga kung saan pupunta ang usapang ito. Para saan pa ang pagkakaibigan namin kung itataboy niya sa akin ang taong may gusto sa akin at gusto ko rin? Matchmaker ka ba, Lachian Wallace?

Nakuha pang tumawa ng loko at dinukot ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa. “Then my job here is done, tatawagan ko na siya para makapag-usap kayo.”

Pakiramdam ko ay lumabas ang kaluluwa ko mula sa aking katawan nang marinig ko iyon. May iilang sinabi pa ito kay Sant ngunit hindi ko na naintindihan iyon dahil nagmamadali akong lumabas ng theater bago pa man malaman nilang dalawa na narinig ko ang kanilang usapan. Mukhang sineswerte ako dahil noong nasa harapan ako ng escalator ay doon pa naisipang tumawag ni Lachian.

“Read my messages, you prick.”

And then he ended the call without notice. Kaagad kong binuksan ang bagong messages na natanggap ko sa kaniya at naggulat ako nang mabasa ko ang lahat ng iyon.

From: Lachian Wallace
   Why the hell did you leave, asshole? Pinapahirapan mo lang sarili mo. Get back here before I tell her that you've been listening from the start.

Nagdadalawang isip akong pumasok ulit ng theater dahil sa itinext ni Lachian. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi niya ako nagawang ilaglag sa harapan ni Sant. T'yaka, bakit alam niyang nandoon ako kanina pa? Pinanindigan na ba talaga ni Lachian ang pagiging private investigator niya?

Hindi man cool pakinggan pero may kung anumang bumabagabag sa aking isipan. Bakit sinusuportahan ni Lachian si Sant kung alam niya namang literature graduate siya? Hindi nabago ang katotohanan na isa talaga siyang writer. At lahat ng writer ay walang pinagkaiba. Hindi ko mapigilang mag overthink kung ano ang sasabihin, ir-react o kung ano man.

Oo, narinig ko na kay Crisanta na gusto niya ako. Pero ano ang mangyayari kung sasabihin kong gusto ko rin siya? Sasabihin ko na rin ba na alam kong writer siya? Ano ang magiging reaksyon niya? Lalayuan niya ba ako? Mat-turn off ba siya sa akin?

Wait.. why am I overthinking? Hindi p'wedeng mag overthink ang cool na tao tulad ko.

Nagtalo muna ang aking isipan at damdamin bago ko napagdesisyunan na ipasok ang cellphone sa aking bulsa at harapin si Sant. I fixed my hair before I turn my back to enter the theater. Halos hindi ko na marinig ang sarili kong paghinga at yapak dahil tanging naririnig ko lang sa mga oras na ito ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Come on, Hayden! This is your chance!

Pagkapasok ko pa lang sa theater ay naaninag ko na kaagad ang nakaupong Crisanta sa bandang spotlight. Nasa gitna siya entablado, nasa loob ng puting ilang na nagmumula sa lights na ginagamit namin tuwing may practice kami sa gabi. Maayos pa naman ang mga ilaw kanina at kaagad na pumasok sa isipan ko na kagagawan ito ng lokong Lachian na iyon.

I gulped as I approach her. Inakyat ko ang entablado at hindi ko na nagamit nang maayos ang utak ko na p'wede namang sa hagdan ako dumaan. I was enchanted by her beauty and purity. And I know that I'm not going to leave her no matter what.

“Sant,” panimula ko pa. “I don't know when, where or how but I'm starting to fall in love with you. Alam mo ba sa tuwing tumutugtog ako ng iba't-ibang piyesa–kahit malungkot naman, ikaw palaging nasa isip ko. Iniisip ko kung inaalagaan mo ba sarili mo, kung kumain ka na ba o nakatulog ka ba nang maayos . .” I gulped and tried to keep calm while confessing in front of her.

“. . I know this is crazy but believe me.  Nahuhulog na ‘ata ako sa pagpapanggap nating dalawa. I'm sorry if I'm being like this. I'm just cool but I adore you more than my double bass, my bow and my portfolio. I like you– love you, Sant.”

After few seconds of pure silence, I heard a giggle.

A giggle?

Crisanta Marie turned to me with tears on her eyes and a smile plastered on her face. “You like me more than you like Second Suite in F Major by Gustav Holst?”

Napatawa ako sa kaniyang sinabi. Kaagad ko siyang sinugod ng yakap at pinatahan. “Of course, you silly!”

The Musicians Desire (Dulcet Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon