Chapter 18

20 4 0
                                    

Crisanta Marie Diola

“Ganiyan ba talaga kapag in love? Iyak nang iyak? For Pete's sake! It's been two hours and you're still crying!”

Sinamaan ko ng tingin si Mr. Montgomery na ngayon ay nakasandal sa couch ng ospital. Tamad itong nakatingin sa kaniyang cellphone na ngayon ay nagp-play ng isang tutorial video kung paano mag render ng isang masterpiece. And yes, he's right. It's been two hours after that incident happened and I'm still crying.

Paano ba naman kasi? Hindi pa rin naggising si Hayden. Natutulog pa rin ito at nag-aalala ako dahil may mga nakalagay na benda sa kaniyang katawan.

“Si H-Hayden..” Tukoy ko pa sa kaniya habang hinahawakan at hinahalikan ang kamay ng natutulog kong kasintahan.

He rolled his eyes and yawned. Ngayon ko lang napansin na may bahid pala ng dugo ang kaniyang suot na baby blue t-shirt at pants. Mukhang nakasagupa niya ang mga taong tinutukoy ng mga magulang ko kanina at buti nalang ay hindi rin siya nasaktan. “Bugbog lang nakuha niya, ang arte niya naman kung gano'n. T'yaka, hindi pa siya p'wedeng mamatay, hindi pa siya nagbabayad.” Simpleng sagot niya sa nag-aalala kong sarili.

Bigla kong naalala ang pangyayari kanina bago pa man nangyari ang lahat ng ito.

It was also Lachian who gave me the tickets to attend his grand practice. Buti nalang at pumayag kaagad siya sa kagustuhan ko, maswerte ako na umupo sa pinakaharapan at masaksihan ang napakagandang performance nila. After I gave the bouquet of flowers to Kuya Hideous, Chris Martin pulled me aside to talk.

“I can't do it anymore, Crisanta. They're going to get you sooner or later. Ayaw kitang masaktan kaya sumama ka na sa akin, okay? Aalis na tayo, magpapakalayo-layo tayo para hindi nila tayo maabutan. Babawi si kuya sa'yo–”

Dumating ang tauhan ng mga Diola at binugbog nila si Kuya Chris. Dali-dali nila itong pinasok sa isang van at hindi ko na alam kung saan pupunta iyon. Ako naman ay sinakay nila sa isang itim na kotse at inihatid sa mansyon ng mga Diola. At doon ay sinalubong ako ng aking mga magulang, s'yempre, hindi mawawala si Felix Quirino– ang taong bumaril sa akin noong araw na iyon.

“Kung ayaw mong masaktan, pirmahan mo lahat ng ito.”

Lahat ng mga papel na ibinigay nila sa akin ay kasulatan kung saan malilipat ang mga ipinamana sa aking ari-arian sa kanila. Of course, I refused. Doon na ako nakatanggap ng pananakit sa kanila. I tried to fight and outsmart them but they have guards allover the mansion.

Naging duwag ako. Nakakatakot. Nakakabaliw.

Hayden? Are you going to save me again? Nakakatawa lang kasi, hindi niya naman siguro alam kung saan lupalop na ako ng mundo sa oras na ito.

They forced me to sign the papers in exchange of my freedom. Pero sa tuwing naalala ko ang sinabi ng Ate Crisel ko sa akin ay kahit paghawak sa ballpen ay hindi ko magagawa.

“Kapag lumaki ka na, pipilitin ka nila na pumirma ng iilang papel. Crisanta, kahit anong mangyari, h'wag mong gagawin iyon.” I was only five years old when she told me that thing. As a kid, I was confused and don't even care.

I titled my head and frown. “Bakit naman?” Tanong ko pa sa aking ate.

“Because it's–”

Hindi na natapos ni Ate Crisel ang kaniyang sasabihin dahil biglang pumasok sa aming silid ang aking ina. Noong gabing iyon ay pinaalam ni ina na itinakda na ang kasal ng aking ate. At kapag natapos na siya sa pag-aaral ay hindi sila magdadalawang isip na ipakasal siya kay Felix Quirino.

May ipapainom na sana sa akin ang isang kasambahay nang maalerto sila dahil may nangyayari sa labas. Kaagad nilang idinispatsya ang kung anumang inumin na iyon at ginulo ko ang kanilang isipan sa aking pagmamakaawa at mga tanong. It turns out that the site I visited is fake and was created by my own brother. Alam nila na hindi magtatagal ay nagiging curious ako sa pangalan ko at ginawa nilang trap iyon.

The Musicians Desire (Dulcet Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon