Hayden Victorious Piñeda
From: Unknown
It's me, my son. Birthday ni Maharlika ngayon, may lunch dito sa bahay. Sadly, hindi makakapunta si Hideous, nagsabi na siya sa akin. Inaasahan ka ng kapatid mo, sana ay pumunta ka.I don't want to send Sant away because this is the day I hated the most. Pero dahil may obligasyon siya bilang musikero, kinakailangan niyang mag ensayo para sa ikakaunlad at ikabubuti ng buhay niya.
Yes, I am aware that today is Harli's birthday. Sino ba ang makakalimot sa araw kung saan tuluyan na kaming kinalimutan ng taong mismong nagluwal sa amin dahil may bagong mamahalin na siya? Kaarawan ng taong minahal ng taong matatawag naming ina na higit pa. Noong araw na pinanganak ni Mrs. Victorina Ladislao si Maharlika ay nasa tabi ako ng kuya ko–pinapanood siya na ngumiti habang hawak-hawak ang kaniyang sanggol.
I never saw my brother shed a tear for my mother– just like my father. Pero tuwing nag-iisa na siya ay doon ko lang nakikita kung gaano siya kalungkot sa buhay niya. Noong nawala ang aming ama ay siya ang tumayong magulang sa akin, siya ang nagbalanse sa lahat ng gawain, pera na iniwan ng aming ama at pag-aalaga sa akin. Hindi siya kailanman nanghingi ng tulong sa aming ina. Kahit na hindi siya sabihin sa akin ay alam kong may galit pa rin sa puso niya na hindi mabura-bura.
Everything was destroyed, thanks to my mom. Lahat ng pinaghirapan ng aking ama ay naglaho, nang dahil sa aking ina. Kung pinili niya pa ang pamilya namin kaysa sa pagsusulat na iyan, siguro ay buo pa rin kami ngayon at masaya. P'wede naman siguro siya maging writer na walang taong tinatapakan, pero nang dahil sa ginawa niya ay hindi na nabubuhay ang ama kaya't hindi ko siya mapapatawad.
“Sasama ako mamaya sa mga cellists mag lunch, h'wag ka na mag-alala. I can handle myself, Hayden. Mamayang hapon pa ako uuwi kaya h'wag ka nang mag-abala sa pagsundo sa akin, ha? Ayaw kong pag chismisan ka ng mga taong iyon.”
Natigilan ako sa pag-iisip nang mapagtanto ko na isang literature graduate si Sant. My girlfriend, the love of my life is a literature graduate. How can I forget that? Pero hangga't hindi ko pa naririnig ang balita ni Lachian ay hindi ko muna pagdududahan si Sant. Kailangan kong pag-isipan ang mga hakbang na gagawin ko para maiwasan ang mga bagay na hindi dapat mangyari.
I kissed Sant's cheek and waved my hand before reviving my car's engine. Gusto kong magkulong sa unit ko sa araw na ito hanggang sa mapagtanto ko na lang na tapos na. Ayaw kong makita ang pagmumukha ng mga taong nanakit at dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. After few minutes, nakarating na ako sa lugar na tinuturin naming tahanan ni Sant. Bago pa man ako makapasok sa building ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking nakakatandang kapatid.
From: Kuya Hideous
Do me a favor, Hayden. Sabihin mo sa kaniya ang nararamdaman nating dalawa ngayon. I know that you can do it. You're strong, hindi kagaya ko na duwag. Proud kami ni Papa sa'yo.I sighed as I enter my car. Naniniwala si Kuya sa akin at hindi ko sasayangin ang tiwala na binigay niya sa akin.
• • • • • •
“Mommy! Hayden is here!”
I frowned the moment I saw Maharlika's face. Lahat ng galit na nararamdaman ko mula noong isinilang siya hanggang sa ginawa niya kay Sant ay bumabalik sa aking isipan. Inabot ko sa kaniya ang regalong binili ko sa kaniya kanina lang.
Harli plastered a stupid smile on her face as she open my gift. “What is this, Hayden?” Tanong pa niya sa akin. Ilang sandali pa ay nakita niya kung ano ang ibinalot ko para sa kaniya, kaagad na nawala ang kaniyang ngiti.
BINABASA MO ANG
The Musicians Desire (Dulcet Series #1)
General Fiction(Writer × Bassist) (Completed) Armed with writerly wisdom, Crisanta Marie broke from tradition to chase music, despite her family's disdain. A sister's loss spurred her to embrace her dream. Teaming up with the confident and charismatic Hayden Victo...