Chapter 32 - Deja Vu

185 6 0
                                    

Ano kayang magiging reaksyon ni Nyx kapag nakita niya ang kapatid ko.

Humiwalay siya sa pagkakayakap.

"Let's go, bibilhan kita ng dress. I know your size already, I remember how you told me that when we were on a phone call." Phone call? Ako?

"When did I say that?"

Umalis siya sa harapan ko at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan na nakasabit lang sa sabitan niya ng mga car keys niya sa pader.

"You're so forgetful, baby. Let's go!" Sumunod ako sa kanya, nang lumabas na siya ng unit niya. Naka jogger pants lang kaming parehas at parehas din kaming naka loose white t-shirt.

Naalala ko ang dress at shoe size na binigay niya sa akin na kasyang-kasya sa akin. Ibig sabihin pala. Talagang nakakausap niya si Cerise.

Naglalakad na kami papunta sa lobby ng condo, "Cerise wait for me there." Turo niya sa couch. Bumaling siyang muli sa akin, "I'll just get the car." Saka siya umalis.

Ginala ko ang mga mata ko at hindi ako nagkakamali, nakatingin ang mga staff nila sa akin.

"Tama nga ang naririnig ng iba, Cerise ang tawag niya sa babaeng kakakilala lang niya."

"Tinawag siyang Cerise?! Eh, 'di ibig sabihin pala siya 'yung Cerise?"

"Siguro? Pero bakit noon, tinanong siya ni Kuya Guard, sabi niya Hope ang pangalan niya?"

"Ang gulo! Ang weird talaga niyang lalaking 'yan! Kung hindi lang 'yan gwapo o kaya mayaman–"

"O 'di kaya may-ari ng condo na ito kung saan tayo nagtatrabaho! Sasabihan ko 'yan na iuntog niya ulo niya! Para na siyang bali–"

"Anong sabi niyo?" Lumapit ako sa kanila, kung noon hinahayaan ko pa silang pag-usapan si Nyx ngayon hindi na.

I crossed my arms and stood straight.

Yumuko naman ang mga marites na pinag-uusapan lang kanina si Nyx.

"Nabibitin kasi ako eh, anong sabi niyo ulit? Hindi ko masyadong narinig kanina." Lumapit pa ako ng bahagya sa kanila.

"M-Ma'am ano p-po pasensya na po kayo." Pag hingi ng paumanhin ng isa sa mga babaeng nahuli ko rin noon na pinag-uusapan si Nyx.

"Huy, ikaw alam mo? Sa totoo lang hindi ito ang isang beses na kung anu-ano sinasabi mo kay Nyx. Masyado kang madaldal! Perfect ka?"

"What is happening here, Cerise?" Malalim at isang ma-awtoridad na boses ang bumalot sa loob ng lobby ng condo.

Ngunit hindi ako lumingon, inobserbahan ko ang mga itsura ng mga marites at ngayon ay kitang-kita ang kaba sa kanilang mukha.

"Malaman kong ginaganito niyo pa si Nyx, may kalalagyan na kayo." Sabi ko at saka ako bumaling kay Nyx. Hinawakan ko siya sa kanyang braso at hinila na siya palabas ng condo.

"What's happening there?" Tanong niyang muli.

"Wala naman, may narinig lang akong hindi maganda kaya nilinaw ko lang sa kanila na hindi dapat sila ganun."

"What?" Natatawa niyang tanong sa akin, pinagbuksan niya ako ng pintuan ng Audi RS6 niya.

"Iba na naman ang sasakyang gamit mo." Iiling-iling kong sinabi.

"I told you, pagdating sa'yo gusto ko laging bago kasi you're so special." Kung ako si Hope sa paningin niya. Hanggang Navara lang ako.

I faked a smile, sumakay na siya at hindi na rin nagtagal umalis na kami.

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Where stories live. Discover now