009

126 7 18
                                    



A/N: Short update para makabawi, hehe. Good night!




"Hi, Atty! Saan ka galing, ha?"


Muntik ko nang maibato kay Kuya ang mga pinamili nang bigla siyang bumungad pagkabukas ko ng door sa Condo ko. Lumabas kasi ako saglit para bumili ng mga kakainin namin ni Tricia sa labas mamaya. Paano, Tricia and I decided na mag sunset viewing this day since pareho naman naming day-off.



"Nag grocery, obviously," iritang sagot ko sa tanong niya at nilampasan siya. "Ano gawa mo dito, Kuya, ha? Wala ka bang duty ngayong araw, ha?"



Lately kasi ay laging nasa Condo ko si Kuya Callisto kaya nakakapagtaka. Hindi ko tuloy alam kung may tinataguan ba siya, kung nag-away ba sila ni Dad, o trip niya lang talaga ako inisin. Eh, kasi ba naman, kapag nagpapahinga ako, lagi siya mang aasar!



"Off-duty ako for this week," wala niyang emosyon na sagot.



"Eh, why are you here?" Nagtataka kong tanong. Totoo naman kasi, usually kasi ay pinapauwi siya ni Dad sa mansion. "Hindi ka ba hina-hanap ni Dad n'yan? Baka tuma-tumbling na 'yon kasi hindi ka niya nakikita ngayong week?"



Tumawa lang siya kaya dumiretso na ako sa kitchen at inilapag ang pinamili sa counter. I'll try to make some sandwiches kasi for Tricia. Sana nga lang magustuhan niya kasi sa pagkaka-alala ko, the last time I cooked for her, natusta!



"Kumusta kayo ni Doc Tricia?" Panimula ng pang aasar niya kaya napairap ako. "Batak kayo sa date ngayong month, ha? As far as I can remember, you told me na hindi mo siya type tapos ngayon hindi na kayo mapaghiwalay dalawa — Aray!"



Sumimangot siya ng bigla ko siyang binato ng saging sa mukha. "Can you just shut your mouth, Kuya? Pag inggit, pikit kasi!"



"Ay, talagang I'll close my eyes," sabi niya at umaktong tinaas ang dalawang kamay para takpan ang mga mata niya pero agad rin naman niyang binuka ang daliri niya para matignan niya ako. "But are you sure na she's not going to ghost you like what happened to you before—"



Kung kanina ay saging ang binato ko sa kanya, ngayon naman ay mansanas pero nasalo niya naman agad 'yon kaya lalo akong nainis. Paano, kumagat pa si tanga sa mansanas! Nakakainis, punyeta!



"Alam mo, Kuya, if mang aasar ka lang ay umalis ka na sa harap ko, ha?"



"I'm not teasing you kaya," tawa niyang saad kaya sinamaan ko na siya ng tingin. Tinaas niya naman ang dalawa niyang kamay as a sign of defeat. "Fine, fine, but really, Aki. I'm just happy na you're genuinely happy ngayon. You deserve it."

Walang KupasWhere stories live. Discover now