IKALAWANG INTRODUKSYON

8 0 0
                                    


Ang METROPOLIS LAS ISLAS NORTHWEST ay isang bansa na kung saan ang mga mamamayan ay pulos nakakaranas ng hirap at laging dumadanas ng kagutuman, paghihirap, pagkakaroon ng kakarampot na salapi, pagtitipid, pagka-uhaw na kung minsan ay hirap pang umigib ng tubig sa mga bukal dahil hindi ito madalas naglalabas ng malinis na tubig.

Palagiang tuyot na lupa, minsanan lang at swertehan ang pagbuhos ng ulan sa bansang ito. Hindi ka makakapag tanim sa mga lupain dahil pati ang mga ito ay hindi na pwedeng taniman sa pagkatuyo't nito, kahit anong oras ay pwede itong magbiyak-biyak.

Iyon ang diskriminasyon sa ibang kapuluan sa tuwing babanggitin ang bansang iyon. Hindi ito tanyag sa ibang nasyon, hindi ito pinag-uusapan, hindi ito maaaring pag-usapan sa publiko. Hindi kilala ng karamihan, subali't apaw na apaw ang pagkakakilala nito sa iba't-ibang lider ng magkakaibang nasyon.

Ang bansa ng METROPOLIS ay hindi nakaukit sa mapa ng bansa, ngunit naka-ukit sa sarili nitong mapa. Iba ang kinagisnan ng mamamayan nito sa ibang mamamayan ng ibang nasyon. Normal na para sa mga ito, ngunit hindi makatarungan sa ibang nasyon.

Mga titulo na mas mataas pa sa ibang lider ng ibang nasyon. Mga namumuno na halos lahat ay may hindi inaasahang karanasan sa kanilang buhay, galing sa marangyang ninuno at respetadong angkan sa buong mundo. Hindi mo aakalaing may ganoong angkan sa panahong ito, na kung ikukumpara sa nobel ay nilagpasan pa ang mga ito.

Ang LAS ISLAS NORTHWEST ay may anim na lalawigan, hindi pa dito kabilang ang kapital nito. Ang pamahalaan sa bansang ito ay tinatawag na REPUBLIKA NG KAPITAL. Sa madaling termino, Pamahalaang Republika. 

May tatlong sangay, kabilang ang Ehekutibo, Lehislatura, at Hudikatura. Hindi kilala ng mga mamamayan ng Monarch ang mga namumunong ito. Hindi sila ipinakilala sa publiko.

BUKOD DITO. May kalihim pa ang REPUBLIKA. Apat na Distrito ang tawag sa kanila. Ang apat na kasapi dito ay may kaniya-kaniyang pinamumunuan, kagaya ng Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga. 

UNAHIN natin si KATSUYU FRESCA L. FOURTRE, ang kaniyang huling pangalan ay tinaguriang pinaka-makapangyarihang sandata niya. Kinatatakutan at ginagalang siya sa pagkakaroon ng dalisay na dugo mula sa angkan na ito. Ang apelyido ding 'to ay mas mataas pa sa anim na posisyon. Datapuwa't, mababa sa limang mataas na titulo. 


Ang apat na Distrito ay ginagalang sa tawag na Lady. Ipinapatong 'to sa Unahan. Si Lady Katsuyu ang nagbabantay ng yaman sa bansang Las Islas. Siya ang may hawak ng mga salapi na para sa bayan, salapi na sahod ng mga Kasapi at pondo ng bansa. 

ANG ikalawa namang kasapi sa Apat na Distrito na nakaatas sa Hilaga. Si Tsunade Gravis H. Zim Zoverza. Ang huling pangalan nito ay mas kilala sa bansang ito. Hindi madalas ginagamit ni Katsuyu ang FOURTRE, dahil kung sa isang simabahan, ito ay sagrado. Nakikigamit si Katsuyu sa huling pangalan ni Tsunade na wala namang isyu sa Lady. Kaya naman, malimit ang nakaka-alam sa kung ano nga ba ang apelyido ni Katsuyu.


Si Tsunade ay nagmula sa Europe. Siya ay isang European na pinanganak din sa bansang iyon. Siya ay namamahala sa Hilaga. Siya ang nagbibigay ng Pribilehiyo sa mga dayuhan o estranghero na mag-negosyo sa loob ng bansang Metropolis. Siya rin ang nagbibigay at nagpapatupad ng mga batas na kaugnay sa saklaw niya. 


Ikatlong kasapi sa Apat na Distrito ay si Lady MARCELA AKANE TRAVEL. Siya ang ikatlong nasama sa distrito nito. Bagaman, hindi na kailangan ng dalawa pang Lady. Naisipan ni Katsuyu na dagdagan ang distrito para dito ibagsak ang gawain na hindi niya magagampanan. 


Si Lady Akane ang tagasanay sa mga batang babae at batang lalaki na handang ibuwis ang buhay para sa mga nakakataas. Siya rin ang nagsasanay sa mga mamamayan ng Metropolis na may angking galing sa pagkikipaglaban. Sinanasanay niya ang mga 'to para sa paghahanda sa isang malaking laban na sa imahinasyon niya ay posibleng mang-yari. 


Ang huling miyembro ng Distrito. Si Lady AKASUKI TRI NULAR, isang buwan ang itinigal bago siya naisama sa titulong 'to. Siya mismo ang lumapit kay Katsuyu upang isama siya sa Apat na Distrito.

Si Ginang Akasuki ay matapat na miyembro sa dalawang Lady ng Zoverza. Dahil sa pagiging matapat niya, inilagay siya sa posisyon na naangkop sa kaniya. Siya ang nagbabantay sa pasukan ng Metropolis, sinusuri niya ang sino mang pumapasok sa bansang 'to. Binigyan din siya ng titulong Ministry of Affairs na lubos niyang ipinagpasalamat. 


┏━✦❘༻༺❘✦━━┓ 

MGA TITULO AT ANG ANGKOP NA ANTAS NG MGA MAY POSISYON SA METROPOLIS. 

➺ APAT NA DISTRITO
➺ LIMANG HUES
➺HAPON PANAJON
: Nirotoshi Era
: Mijae Era
➺ TRES LA-DIKTA

┗━✦❘༻༺❘✦━━┛

COPYRIGHT © 2021 - 2023
All rights reserved. 

All images I used are credited to their rightful owners.
 I do not claim these and I gladly give credit to their talented artists. 

┌── •✧• ──┐
THE HOUSE OF TITLE
└── •✧• ──┘

MOHEM | The Descendants of Maharlika DerivationsWhere stories live. Discover now