UNANG TEKSTO: ANG IPAPANUKALA

9 0 0
                                    


SA BANSANG ito na MAHALAGA ang titulo at itinuturing na makapangyarihang alas, huling pangalan na may malaking epekto sa ranggo, sa mga mababa ang posisyon na minamaliit ng mga mataas na pinuno. Andito si Katsuyu na ang mga 'yun ay ugali niya na.

Nang-aapak siya ng dignidad, nang mamaliit ng pagkatao at kaya kang bastusin sa harapan ng maraming tao. Kaya ka niyang ipahiya at kaya niyang ipamukha sa'yo na mas mataas siya sa'yo at sa kahit na sino, na dapat kang lumuhod sa kaniyang harapan. 

Kinatatakutan, sinusunod at nirerespeto dahil sa angking kisig, katapangan, walang pinapanigan at may paninindigan. Kahit pa ang ugali niya ay sing-gaspang ng bato, marami ang nagmamahal sa kaniya. Hindi makakailang sa kaniya umaasa ang mga mamamayan nitong bansa. Siya lang ang bukod tanging alas ng mga ito sa lantarang kasakiman ng mga kapwa niya partido. 

Mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili, hindi dahil kabilang siya sa mataas na angkan, kung hindi sa sariling estilo, sa sariling kakayahan at sa kompyansang kaya niyang lagpasan ang mga may posisyon sa bansang ito sa larangan ng pamamalakad ng bansa. May apelyido man siyang makapangyarihan, o wala. Kaya niyang lamangan at lagpasan ang mga 'to dahil nagtitiwala siya sa sariling sawikain. 

HINDI POSISYON ANG TANGING SANDATA PARA MAKALABAN KA, kung hindi kung paano kataas ang kompyansa mong kaya mo silang paamuhin at lamangan. 

"Wala nang katapusan ang ginagawa nila." Nagtipon-tipon ang ilang ralisyista sa balitang may bagong isasalang na batas. "Wala nang katapusan ang pagbibigay nila ng sakit sa ating ulo, mabuti sana't napapakinabangan din natin ang mga kasakiman nila. Mga hayop." 

Bilang ang mga taong nasa Ogami. Ang mga narito lang ay 'yung may mga lakas lang ng loob na hamunin ang pamahalaan. Sila ang mga ralisyista. 

"Simula nang dumating ang mga Era na 'yan ay wala na silang ginawa kung hindi paikutin ang ulo ng dalawang Lady ng Zoverza. Mas lalong gumugulo ang daloy ng buhay sa bansang ito sa mga hinayupak na pinuno na 'yan!"

Sa Ogami Yokto, isinasagawa ang mahahalagang pangyayari, ang paghahatol, kasama na rin ang pagpupulong. Pumaparito ang mga opisyal sa mahalagang pulungan. Ginagamit din itong himpilan. 

"Ano na naman kaya ang batas na isasakatuparan nila. Masyado talagang makasarili ang mga may posisyon na 'yan."

"Nakakainit lang ng dugo ang mga taong 'yan. Kung alinsunod lang talaga ang pumatay, matagal nang dumanak ng dugo dito." 

Malaki, malawak at mataas ang Ogami Yokto. Pangatlo ito sa pinakamalaking ektarya ng Monarch. Sumasakop sa kabuuan ng lugar at tinatayang kasya ang libong mamamayang naninirahan dito.

"Nagdagdag pa ng mga opisyal. Ano naman ang maitutulong ng mga 'yan, ang manakim!? Mga salot!" 

May anim na lalawigan ang nasyon ng Metropolis, bawat lalawigan ay may dalawang nayon. Ang kinatatayuan ngayon ng mga mamamayan ay lalawigan ng Black Moon branch, sa tagaloy ay Sangay ng itim na buwan. Ito ay nasa pangangalaga ng isa sa angkan ng Maharlika. 

"Wala na tayong karapatan mag-salita. Hindi lang dignidad ang tinanggal nila sa atin, pati ang mga pag-asa ng bawat isa sa 'tin."

Ang kapital naman ng Las Islas ay tinatawag na Praetorium ng maharlika. Ang pinakamalaking ektarya at masasabing maipagmamalaki sa ibang bansa. Ito ang nangunguna sa usaping pagkamalawak ng lupain. Sumasakop din ang lupain nito sa kalahating lupa ng lalawigan.

"Para na nilang pinapatay ang mga buhay pa."

Ang sinasabing anim na lalawigan ay walang nangangasiwa sa ngayon. Subalit, ang mga ito ay malugod at nasa pangangalaga ni Katsuyu, na mas kilala sa tawag na Lady Katsuyu. Ang tinitingala ng mga mamamayan. Bukod sa isa itong Reverie, o ang isa sa nailuklok ng pamahalaan. Isa rin siyang LODOVICO, na sinasabing makapangyarihang angkan at pinakamayamang pamilya ng Monarch.

MOHEM | The Descendants of Maharlika DerivationsWhere stories live. Discover now