IKALAWANG MOMENTO: Hinala

7 0 0
                                    

Chapter 2; Hindi Inaasahang Pag-tatagpo
Petsa: Agosto 15

"Ihinto ang kalesa." Mariing utos ni Katsuyu. Kakapasok lang ng kalesang kanilang sinasakyan sa malaking tarangkahan ng Minka. "Nais ko munang magpahangin dito sa kaparangan." Ang kagubatan sa loob ng Minka ang tinutukoy ni Lady Katsuyu, iyon ang pangalan ng lupaing ito. Agaran naman ang pag-hinto ng kalesa.

Ilang metro palang ang layo ng kalesa mula sa pasarado nang tarangkahan. "Nais mo ba talagang magpahangin o gusto mo lang takasan ang mga taong naghihintay sa atin sa loob ng Minka." Hindi nilingon ni Tsunade si Katsuyu sa kabila ng kaniyang tanong.

Nakaapak na sa lupa ang parehas na paa ni Katsuyu. "Parehas." Walang halong pagsisinungaling na tugon ng Lady. "Pakawalan mo si Maximuss pagkarating niyo sa Minka." Ang kaniyang alagang puting kabayo ang tinutukoy niya. Inutos niya 'yun kay Tsunade. "Siya na ang bahalang humanap sa akin. Lisan na." Malamig na timbre niya. 

Wala naman ng ginawa si Tsunade at sumunod sa gusto ni Katsuyu. Tumulin ang kalase sa daanan patungo sa mansyon ng Minka.

Doon bumaba ang balikat ni Katsuyu. Nais niya talagang damhin muli ang simoy ng hangin dito sa Minka. Ilang araw din silang wala sa bansang ito kaya naman ganoon siya kasaya na muling malanghap ang simoy ng hangin dito.

Bukod din doon, may nais lang din siyang kompirmahin. Lumakad siya ng hindi halata at normal habang nasa gilid ang parehas na braso. Mahangin talaga ang gubat ng Minka lalo pa't puro puno dito, iyon kasi talaga ang nais ni Katsuyu. Ang makalanghap parin ng hangin na sariwa sa kabila ng mapanglaw na hangin sa labas. 

Lumingon siya sa kanang bahagi ng Minka. May narinig siyang galaw. Ganoon man, nanatili siyang kalmado at lumakad pakanan. Ginagalaw niya ang mata sa paligid, natutuwa ang puso niya sa kagandahan ng Minka kahit pa puro ito puno at maliliit na damo. 

Hindi halata sa mukha niya ngunit iyon ang nadadama ng puso niya. Marami man siyang pagkakamaling nagawa, ito ang dahilan niya, ang Minkang siya mismo ang nagpasyang buuin at tanimin na siyang makakabura ng mga iyon, ito din ang makakapagsabi sa kaniya na may panahon para muling tumubo mula sa pighati at pagkakamali. 

Tumigil ang mga paa niya sa paghakbang mula sa laro ng mga salita sa kaniyang isipan. Hindi malaman kung ano ang mararamdaman. Nagsimulang mangunot ang noo niya, ang mata niyang sumingkit. 

Naramdaman ng babaeng paslit ang tao sa likuran niya. Sa halip na maging mabilis at agresibo ang pag-harap nya dito, nagawa niya pang lingunin ng ulo ang Lady sa mabagal na paraan. Kumiling ang ulo at nag-salita. "Sino ka." 

Petsa: Agosto 14 (Araw bago ang pag-uwi ng dalang Lady ng Zoverza)

Paliwanag na, alas-syete na ng umaga. Maganda ang simoy ng hangin sa gawing dagat, maging ang tanawin ay kaakit-akit hindi lang sa paningin, maging sa kapayapaan ng kalooban. Sa loob na dako, kanina pa hinahanap ni illumi si Violet. Nasa lobby siya ng resto' na pag-aari ng mga Fourtre, panay ang galaw ng mata niya makita lang ang taong hinahanap.

"Asaan na ba ang bata na 'yun." Naibulong niya sa sarili habang hinahanap pa rin ng mga mata ang dalaga. "Siguro'y nasa shooting range na naman ang dalaginding na 'yun. Kay gandang bata, puro baril ang gustong hawakan."

"Hey!" Napalingon ng mahinhin si illumi sa pamilyar na boses, ayun na 'yung kanina niyang hinahanap. "Catch!"Hinagisan si illumi ng can beer ni Violet na muntik niya nang hindi masalo. "Hinahanap mo ba 'ko."

"Saan ka ba galing? Sinabi mo ba sa akin kung saan ka tutungo at hindi ko lang natandaan?"

"Sabi ko sa isang katiwala dito na sabihin sa'yong nasa shooting range ako. And, bakit all the time hinahanap mo ako? Ano ka, nawawalang bata?" Laging walang bahid ng galang ang tono niya. "Ano nang balita? Naka-usap mo ba ang may-ari ng lupain?"

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jan 19 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

MOHEM | The Descendants of Maharlika DerivationsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant