Part 1

30 5 0
                                    


Unmasking her Delicious Truth: Part 1

Monday morning. Tulad ng inaasahan, may nadatnan muli akong Hershey's chocolate sa desk ko.

Pang-ilan na 'to? Pang-forty-two?

I've lost count.

*****

"Nothing is more romantic than chocolate." 'Yon siguro ang paniniwala ni Nikko. Dahil sa mag-iisang taon na niyang panliligaw sa akin, hindi siya nakalilimot na bigyan ako ng Hershey's chocolate isang beses sa isang linggo.

Sa tatlong taon na naming magkasama sa TV production, nakabisado niya na ako--kung paano niya ako mapapangiti o maiinis.

Tulad ngayon.

Saglit kong inayos ang mask na nakatakip sa mukha ko, tapos ay dinampot ang Hershey's chocolate at pumunta sa desk ni Nikko na busy ngayon sa computer niya.

Tumingala agad siya sa akin. Ngumiti.

"Ano na naman 'to?" Hindi niya nakikita ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa mask, pero may pagkairita ang boses ko.

Tumayo siya mula sa upuan niya at nakangiting sinabi, "Favorite mo."

Ayaw pa rin ba niyang tumigil? Ilang beses ko ba dapat ulitin sa kanya na hindi kami bagay. Walang chance. Ano'ng hindi malinaw ro'n?


(continue to the next part)

Unmasking her Delicious TruthWhere stories live. Discover now