Part 2

18 4 0
                                    


Unmasking her Delicious Truth: Part 2

Gusto ko nang sumabog sa inis. Paano niya nagagawang ngumiti kung parang anumang oras, feeling ko, maiiyak ako?

Kung alam niya lang siguro kung gaano ko naa-appreciate ang lahat ng Hershey's at love notes niya para sa akin, sigurado akong maiiyak din siya sa tuwa.

Pero hindi ko magawang sabihin sa kanya na gustong-gusto ko rin siya.

Every day, he tells me how "beautiful" he thinks I am. In his every note glued behind every Hershey's, he never fails to compliment me.


HerSHEy's the best. Work well, Iya!

Don't forget to smile, HerSHEy's the love of my life!

HerSHEy's beautiful today.


Gustong-gusto kong maniwala sa kanya. But how could I believe him when my own eyes tell me otherwise?

Si Nikko, malayong-malayo siya sa akin. Kapag pinagtabi kami, walang mag-aakalang may namamagitan sa amin. He's a prince charming I know I could never have. Makinis ang balat. Hindi katulad ko na parang tighiyawat na tinubuan ng mukha. Kahit sino, walang maniniwalang magkakagusto sa akin ang isang tulad ni Nikko-maski ako.


(continue to the next part)

Unmasking her Delicious TruthWhere stories live. Discover now