38 - My Ninang's Secret

372 3 0
                                    

Huminga pa ako ng malalim..

"Salamat po sa paalala mo Ninang." Sabi ko nalang bago dumiretso sa banyo upang maligo.

"Sige Hendrix, siguro ay sasabay na din ako mamaya pag-alis mo, dahil kailangan ko na din maka uwi." Sabi nalang niya habang patuloy pa ding nakaupo sa couch.

"Ok po Ninang. Baka nga hinahanap ka din ni Ninong niyan diba. Nakakahiya tuloy sa kanya, dahil naabala ka pa namin." Tanging nasabi ko nalang.

"Hmp wala naman problema don, abala din naman yon sa maraming bagay. Kaya nga yata palagi akong may oras sa mga ibang bagay. At masaya naman akong gawin ito." Nakangiting sabi pa niya.

Hindi naman na ako kumibo at tuluyan ng tumalikod sa kanya.

***

Sabay na din kaming umalis ni Ninang. Nag prisinta pa akong ihatid siya sa bahay niya at pumayag din naman siya.

Isa pa ay halos 4 months na din kaming ganito ni Ninang. Dahil nga literal na siya na pumalit kay Mommy sa madaming area ng aking buhay...

"Kumusta na po pala ang Baby mo Niinang?" Tanong ko pa habang nagda drive ako papunta sa kanila.

"Well she's doing fine, Hendrix. Nandon naman si Michelle na siyang nag-aalaga sa kanya. Kaya eto buhay dalaga pa din ako." Tumatawang sabi niya.

Napatawa nalang din ako pagsang-ayon. Si Michelle ang pinsan niya at Yaya din naman at the same time.

"Kaya naman pala ang swerte din ni Mommy dahil sa isang Mikka na kaibigan niya. Na palaging naka alalay sa kanya tama?" Sabi ko pa habang patuloy lang ako sa pag drive.

"Grabe naman yon, ok lang naman. Ganon lang talaga kapag mag bestfriends kayo diba. Kaya nga nalulungkot ako na ngayon ay wala na dito ang Mommy mo. Wala na din akong masabihan at masumbungan pa." Mahinang sabi niya.

I sighed

"Nandito naman ako Ninang. If kailangan mo ng kausap dito lang ako." Tanging nasabi ko nalang sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin at piniking hindu kumibo.

"Ayan malapit na pala tayo, makihinto nalang ako malapit sa gate, baka nandiyan pa Ninong mo at makitang may naghahatid sa aking naka kotse at magselos pa yon." Natatawang sabi pa niya.

Napatawa nalang din ako sa biro niya. Bago ako tuluyang napahinto malapit8 sa gate nila na tulad ng hiling niya.

"Hanggang sa muli Hendrix. Basta may problema tawagan mo lang si Ninang ok." Kumindat pa ito sa akin.

Hanggang sa matigilan ako ng may mapansin akong pasa mula sa braso at hita niya sa laylayan mismo ng shorts niya.

"E Ninang wait?" Bigla ko pang pigil sa kanya.

Tumingin naman siya at nakangiti sa akin. "Bakit pala Hendrix? " nagulat na tanong pa niya.

"Wala po pala...Likewise po Ninang, kapag may problema ka tawagan mo din ako agad." Nag-aalala kong sabi sa kanya.

Napatawa naman ito.

"At ano naman ang magiging problema ko? Pero sige ganon na lang." tugon pa niya bago tuluyang lumabas ng kotse at sandali pa itong nagpalingap-lingap bago nagsimulang lumakad.

Kumaway pa siya sa akin ng bahagya bago muling tumalikod at mabilis na lumakad.

Napailing naman ako...

Ano ang ibig sabihin ng mga pasa niya?

Morena si Ninang na di gaya ni Mommy na maputi ang balat, kaya siguro ay hindi naman ito masyadong napapansin agad-agad dahil hindi naman ganon kaitim ang pasa niya na siguro nga papawala na.

HUSBAND-SONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon