75 - Winter Love

67 2 0
                                    

  8:00 in the evening
  Tokyo Time
 
  All are set...
 
  Naayos ko na din ang luggage na dadalin namin ni Amina pauwi sa Pilipinas. Ngunit excited nga ba akong umuwi?
 
  Muli ko namang pinahid ang luha sa pisngi ko at nakangiting humarap kay Amina.
 
  "Ready kana ba Baby?" Tanong ko pa sa kanya.
 
  Maayos na naka pony ang hair niya. At sinuutan ko siya ng makapal na jacket dahil na din sa sobrang lamig sa labas.
 
  "Iihhh Mommy, uuwi naba talaga tayo sa Philippines?" Halata ang excitement sa mga mata niya.
 
  Huminga ako ng malalim at, "Yes Baby, at magkikita na kayo ulit ni Daddy Kuya Hendrix mo." Pinilit kong ngumiti sa kanya.
 
  "Oaayyy, bakit para di ka happy Mommy? Dahil ba hindi natin sasama Kuya Ken ko huh?" Usisa pa niya.
 
  Naupo ako sa harap niya at ginulo pa ng bahagya ang buhok niya.
 
  "Oo Baby, sad si Mommy dahil mami miss natin si Kuya Kenji mo diba?" Sabi ko pa sa kanya.
 
  "Bakit bakit di nalang kayo papakasal huh. Para hindi na natin iiwan si Kuya." Patuloy pa niya.
 
  Natawa naman ako sa sinabi niya.
 
  "Hindi pwede Baby dahil like you ay Anak ko lang din naman si Kenji diba. Tapos tulad mo din ay mag school pa din siya dito sa Tokyo." Paliwanang ko.
 
  "Ahh ok Mommy, hmp... lilipas din yan Mommy kapag kikita na tayo Daddy Hendrix ko." Masiglang sabi niya.
 
  Tumango naman ako sa kanya at pinilit ngumit sa kanya.
 
  "Sana nga Baby diba?"
 
  Huminga ako ng malalim tsaka naman muling tumayo.
 
  Isa-isa ko na ding binitbit ang mga gamit namin sa taxi at nagbilin din ako sa driver na may dadaanan lang kaming event tapos ay dideretso na kami sa Haneda Airport.
 
  Nagdagdag na din ako ng bayad in advance para naman sa more or less ay 30 minutes na paghihintay niya sa amin mula sa gig ni Ken.
 
  "Let's go Baby."
 
  Mabilis namang umakay sa akin si Amina. At masayang masaya pa ito habang papasakay kami ng taxi na dalawa.
 
  Sa backseat na din kami pumwesto. At niyakap ko pa si Amina habang magkatabi kami.
 
  "Sensei, ikimashou..." sabi ko pa sa driver na ang ibig sabihin ay Manong umalis na po tayo.
 
  "Hai saki ni itte.." tugon pa niya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
 
  >>>
 
  At dahil wala namang traffic dito sa Tokyo, ay mabilis kaming nakarating sa gig ni Kenji.
 
  Isa itong bar at mapapansin din ang napakaraming tao ng makapasok kami ni Amina sa loob nito.
 
  Madilim ang lugar, maingay at tanging mga ilaw galing sa mini stage ang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan.
 
  Mapapansin din halos mga kabataang Japanese ang naririto at nakiki jamming sa banda ni Ken.
 
  Nagsisigawan ang mga ito habang sinasabayan pa si Kenji na kumakanta sa stage.
 
  "Mommy Mommy... Diba si Kuya Ken yon ohhh. Artista ba siya huh Mommy?"
 
  Ngumiti naman ako sa kanya at naupo kami sa naka reserved na upuan para sa amin ni Amina. Na halos nasa harapan lang ng stage.
 
  Naibilin na din naman kasi ito sa akin ni Ken kanina ang magiging table number namin, kaya naman hindi na ako nahirapan pang hanapin ang dapat maging pwesto namin ni Amina.
 
  "Kandong kana lang sa akin Baby, para naman may iba pa makaupo sa seat mo diba?"
 
  Mabilis namang kumandong ito sa akin. Sinadya ko talagang gawin ito upang mai guide siya sa mga ingay na nadidinig niya. Ayoko kasing makaramdam siya ng pagka irita o takot kaya, dahil hindi naman siya sanay sa ganito. At sinasya nalang kausapin siya palagi upang sa akin pa din ang atensiyon niya.
 
  "Iihhh Mommy artista ba si Kuya?" Muli naman niyang tanong sa akin.
 
  Ngumiti naman ako sa kanya.
 
  "Yes Baby, parang ganon na sin. Singer kasi siya, tapos bandmate niya yung mga kasama niya diba." Paliwanag ko pa.
 
  Habang ngayon nga ay napapatingin pa ako sa kinakatayuan ni Kenji.
 
  Bitbit ang gitara habang umaawit ito ng isang popular love song na Japanese na "Winter Love"
 
  At nakaka proud din na kumaway pa siya sa amin ni Amina at binati pa kami ni Amina bago naman muli siya magsimulang kumanta ng bagong song.
 
  "Tsugi no kyoku wa ai to gārufurendo ni sasageru sutekina kyokudesu...." (This next song is dedicated to my love and girlfriend)
 
  Nagtilian ang mga fans kasabay ng mga palakpakan din. Kasabay din ng kantyawan ng "Kiss, Kiss.."
 
  Tahimik lang naman kami ni Amina. Isa pa ay wala naman silang idea kung sino ba yung girlfriend na sinasabi niya. Dahil hindi naman niya binanggit ang name.Isa pa ay hindi naman siya tumingin sa amin, habang dine dedicate ito...
 
  Maganda ang boses niya, napakaganda din ng melody na kinakanta niya. At bahagya din naman akong kinilig habang naalala kong ito naman talaga palagi ang kinakanta niya sa akin kapag nasa apartment siya.
 
  Ang kanyang paraan ng panghaharana sa akin.
 
  Bagay na nagpalungkot din naman sa akin.
 
  At hindi pa nga napigilang mapaiyak ako dahil dito.
 
  I don't know kung dahil ba sa malungkot na melody ng song niya at ganon din naman sa malalim na lyrics nito? O dahil ba mamaya lang aalis na ako upang umuwi ng Pilipinas?
 
  Sandali ko pang ipinikit ang aking mata upang damhin ang himig at mensahe ng awitin niya.
 
  Bagamat kaunti lang ang alam ko sa Nihongo ay sapat na upang maunawaan ko ito...
 
  >>>
 
  Mabilis na natapos ang song... na nasundan pa ng nakakabinging palakapakan at hiyawan mula sa audience.
 
  Subalit may isang bagay na sobrang kumuha ng atensiyon ko.
 
  At ito ay ang isang babae na tumayo sa stage at mahigpit na yumakap kay Ken at hinalikan siya sa labi.
 
  Muli ay nagsigiwan ang mga fans. Kasabay din naman ng biglang panlalamig ng aking katawan. Na tila ba biglang nanghina ang kabuuan ko.
 
  "Ihhh siya ba ang love ni Kuya huh Mommy?"
 
  Napailing ako kay Amina at mabilis na tumayo.
 
  "Hindi ko alam Baby. Tara alis na tayo."
 
  Mabilis ang pangyayari. At ngayon ay takbo lakad ang ginawa ko upang makaalis lang. Na kung pwede lang siguro mag telefort ay iyon marahil ang pipiliin ko this time.
 
  "Mommy Bijjin wait!!!"
 
  Malakas na sigaw pa ni Kenji mula sa mic, subalit tila wala akong nadinig.
 
  At mas binilisan ko pa nga ang paglakad. Hanggang sa marating ko taxi na naghihintay sa amin.
 
  "Kathleen wait mo ako please..."
 
  Pinahid ko luha ko at mabilis kaming sumakay ng taxi.
 
  "Isoide kūkō e ikimashou!!" (Makibilisan po manong, sa airport tayo).
 
  Sabi ko pa sa taxi driver. At mabilis naman itong humarurot gaya ng gusto ko.
 
  At napasilip pa ako sa bintana habang nakatanaw lang kay Kenji habang nakatayo at tila hopeless na nakatingin sa papalayo naming sasakyan.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

HUSBAND-SONWhere stories live. Discover now