1

13.1K 180 15
                                        

"Ugh, kapagod~" daing ko habang naglalakad pauwi sa bahay ko.
Bakit kasi sa subdivision pa ako tumira? Edi kada bababa ako ng tricycle, maglalakad pa ako papasok!
Kainis, hays, kapagod talaga ang work.

5pm na ng hapon, gustong-gusto ko na matulog. Nag-overtime ako today kaya pagod na pagod ako.
Nung malapit na ako sa bahay, may naririnig akong nagpupukpok sa hindi kalayuan.
Nung lumiko ako, tanaw ko na, ginagawa na naman 'yung bahay sa tabi ng bahay ko.
Nyeta, kaya pala puro pukpok naririnig ko saka 'yung maingay na welding ba 'yon?! Argh, kairita sa tenga.

Adik talaga may-ari ng bahay na 'yon. Yearly na lang may pinapagawa sa bahay, e.
Parang kakasemento lang ng dingding, tapos after a year babakbakin na naman para ipaayos.
Iba talaga nagagawa pag maraming pera. Hay, ewan ba.

Nung malapit na ako, hindi nga ako nagkamali. May pinapagawa na naman.

"Hi, Miss Mae!" bati sa akin nung isang construction worker na si Kuya Ben. Binati ko rin siya pabalik.
Oh 'di ba? Sa sobrang dalas nila magpagawa, kilala ko na 'yung ibang manggagawa.

Pero napukaw ng atensyon ko ang isang matangkad na lalaki na nagpupukpok sa bubong.
Malinaw pa naman mata ko kaya kitang-kita ko siya. Ngayon ko lang siya nakita, bagong worker ba 'yan? Ang gwapo naman.

Tumingin siya sa gawi ko saka kumaway. Nagulat naman ako saka umiwas ng tingin.

"Hi, Miss!" bati niya sa akin. Ngumiti lang ako saka tumango.
Required ba ang palabati kapag construction worker? Saka construction worker ba talaga siya? Hindi ba engineer? Ang mestizo, e.

"Hoy, Gojo, tapusin mo na 'yan para makauwi na tayo!" sigaw ni Kuya Ben. Gojo? Name niya 'yon? Ang weird.

Humikab na lang ako saka na ako tuluyang pumasok sa bahay ko. Kapagod talaga.
I did my rituals at nung makapaglinis na ako ng katawan ay pumunta na ako sa taas para matulog.
Pagkahiga ko, hindi ko in-expect na kitang-kita ko si Manong Tisoy mula dito.
Ang tangkad niya talaga at maganda ang katawan niya. Mukhang batak din siya sa construction kasi maganda nga katawan.
Hays, ewan ba. Makatulog na nga.

NEXT MORNING

Nagising ako dahil sa malalakas na pukpok ng martilyo.
Hays, gusto ko sana matulog ng matagal dahil day off ko ngayon pero mukhang malabo. Ang ingay, e.

Bumangon na ako saka nag-stretch-stretch. Lumapit ako sa bintana ko saka ko inisod ang bintana, dahilan para masilaw ako sa araw.

Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko si Gojo, nag-aayos na naman ng bubong.
Feel ko napansin niya ako kasi lumingon siya sa gawi ko.

"Good morning, Miss Mae!" bati niya sa akin.

"Good morning, Gojo~" bati ko pabalik. Tapos bahagya siyang nagulat.

"Alam mo pangalan ko?" tanong niya.

"Oo. Narinig ko kay Kuya Ben kahapon." sagot ko.

"Ah, kaya~ Gojo Satoru po buong pangalan ko." nakangiting sambit niya sa akin. Ang masayahin naman neto ni Kuya.

"M-Mae Velasquez ang full name ko. Nice to meet you, Kuya Gojo."
Ang weird naman ng pag-uusap namin, ako nasa balcony, siya nasa bubong?
Tinuloy niya 'yung ginagawa niya habang nakikipag-usap sa akin. Rekta chismis, wala lang mumog-mumog.

"Nyi, Kuya? Ilang taon ka na ba?" tanong niya.

"25 po."

"Same age lang. Huwag mo na akong tawaging Kuya, nakakatanda siyang pakinggan." sambit niya. Tumango na lang ako.

"O-Okay." sagot ko.

"Miss Mae, baka hindi ka pa nag-uumagahan. Kumain ka muna tapos balik ka na lang diyan sa balcony mo pag tapos ka na." usal niya. Wow ah? Determinado siyang mag-chikahan kami.

"Gojo, iakyat mo 'tong semento!" sigaw nung isang lalaki mula sa baba.

"Sige, Miss Mae. Diyan ka muna." sambit niya. Tumango naman ako.

Makalipas ang ilang oras, tapos na ako maglinis ng bahay.
Ang balak ko lang talaga ay magkulong sa kwarto ko at matulog magdamag, pero heto ako, nakikipag-chikahan kay Gojo sa second floor.

"Single ka?" tanong niya bigla. Out of nowhere?!?!?!?!?!!!!

"O-Oo." sagot ko.

"Yes! Pwede ka ba ligawan someday?" Huh? Anong someday?

"Ba't naman someday?" takang tanong ko. Meron bang ganon? Sasabihin sa'yo liligawan ka someday?

"Ay, gusto mo ligawan kita ngayon na?" Natameme ako sa sinabi niya. Nani the fuck??? Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin!

"Hindi naman sa ganon!" sambit ko, tapos ngumisi lang siya. Mas gwapo talaga siya sa malapitan, tapos blue pa 'yung mata niya. Ang ganda.

Ocean blue eyes... looking in mine~ Lol, Taylor Swift yarn?!

"Hmm? Bakit mo ako tinititigan? Gwapo ko, noh?"
Ayun! Ayun lang, turn off sa kaniya — medyo mahangin siya, tapos panay banggit niya kung gaano siya kagwapo.
Well, gwapo naman siya, pero may sa hambog siya e. Ewan ko ba!

"Oo na, oo na." pagsang-ayon ko na lang.

"Sumasang-ayon kang gwapo ako? Sabi ko na e! Akala ko ako lang nagagwapuhan sa sarili ko, hehe."
Ay weh ba? Hindi nagagwapuhan ibang tao sa kaniya?

"Kahit na nagtatrabaho ka sa ilalim ng araw, ang puti mo pa rin."
Pansin ko lang e, kapag nabibilad siya sa araw, namumula lang siya — hindi siya nangingitim.
Pag ako kasi 'yon, for sure sunog na 'ko!

"May lahi kasi ako, Miss Mae."

"Weh?"

"Oo nga. Half Japanese ako, kaya nga Gojo Satoru name ko e."
Hmm, makes sense. Hindi nga siya mukhang Pinoy. Pero puti ba ang buhok ng mga Hapon?
Saka ocean blue eyes rin ba sila???? Or sadyang rare lang siya?

"Ahhh."

"Ikaw, Miss Mae, may lahi ka?" tanong niya. Umiling ako.

"Wala."
Aber, mukha ba akong may lahi?????

"Sure ka ba? Kasi you look like half Filipina, half mine e. Hahahaha, eme lang!"
Teh??????? Kalmahan mo, Gojo, kakakilala lang natin?????????

"Siraulo!" natatawang sambit ko.
Pinigilan kong hindi ngumiti dahil for sure sasabihin niyang kinikilig ako or what. Tse!

"Gojo! Haluin mo semento!"
May tumawag na sa kaniya kaya naman nagpaalam muna siya at umalis.

Hays, ang sarap naman makipagkuwentuhan.
Grabe, parang gusto ko na lang makipagchismisan kaysa pumasok sa trabaho. Hahahaha, eme lang bhie.

Started: August 30, 2023
Finished: September 3, 2023

-

Brief explanation about the character for those who don't watch the anime.

Gojo Satoru (from Jujutsu Kaisen) is one of the main protagonists of the Jujutsu Kaisen series. He is a special grade jujutsu sorcerer and widely recognized as the strongest in the world. Satoru is the pride of the Gojo Family, the first person to inherit both the Limitless and the Six Eyes in four hundred years. He works as a teacher at the Tokyo Jujutsu High and uses his influence to protect and train strong young allies.

For more info, visit: https://jujutsu-kaisen.fandom.com/wiki/Satoru_Gojo

Thank you!

Attached | Gojo Satoru - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now