Nakaupo na kami ngayon sa lamesita at nakahanda na ang kakainin. Sinigang 'yung niluto ni Gojo at ang bango n'ya gusto ko nang matikman.
Pero dahil sa ginawa kong kahihiyan kanina hanggang ngayon iniisip ko parin s'ya! Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.
"Mae, kain kana. Huwag mo na isipin 'yung nangyari kanina. Tikman niluto ko sige ka malulungkot ako kapag hindi mo 'yan tinikman." arrgghhhh kainis kasi e bakit kasi ako nag padala sa emotion ko.
"Ate Mae eat kana po. Masarap po mag luto si Tatay ng sinigang na baboy. 'Yun lang po kasi alam niyang lutuin hehe." natawa ako sa sinabi ni Meg tapos nag pout lang si Gojo. Ang cute nilang mag ama~
Hindi ko nalang masyadong inisip 'yung nangyari at sinimulan ko ng kumain. At wow! Totoo nga si Meg ang sarap nga ng luto n'ya.
"Ano, Mae? Sarap?" excited na tanong n'ya at tumango naman ako kaagad.
"Masarap s'ya. Naalala ko tuloy 'yung luto ni Papa noon, ganito kasarap." hays kamiss naman makakain uli ng lutong ulam. Puro kasi kami delivery sa work e tapos pag uuwi sa bahay puro instant noodles or kaya de lata. Wala na akong time mag luto minsan e huhu.
"Speaking of, nasaan pala ang parents mo? Gusto ko silang makilala." sabi ni Gojo habang sumusubo ng kanin.
"Patay na sila." halos mabilaukan s'ya sa sinabi ko kaya nag offer ako ng tubig na kaagad n'yang tinanggap.
"Tatay hinayhinay lang po sa pagkain." paalala ni Meg at tumango naman si Gojo at saka bumaling saakin.
"Sorry to hear that." - Gojo.
"Okay lang. Nung pinanganak ako, nawala si Mama. Ang sabi ni Papa hindi daw kinaya ni Mama ang pag luwal saakin. Simula noon, lumaki akong lagi kong nakikita si Papa na umiiyak habang yakap yakap ang picture ni Mama. Pero kahit na ako ang dahilan kung bakit nawala si Mama, kahit kailan hindi ako itinuring na iba ni Papa. Mahal na mahal n'ya ako, hanggang sa nakita ko nalang s'ya na- hindi ko na idedetalye pero suicide ang ikinamatay ni Papa." sambit ko.
Tahimik lang si Gojo habang nakikinig saakin. Alam ko speechless s'ya at hindi alam ang sasabihin pero okay lang iyon. Halos 6 years old lang ako no'n nung nangyari 'yon kaya medyo nalilimutan ko na.
"After ko mawalan ng parents inalagaan ako ng Tita hanggang sa mag 18 ako. Pero nag layas din ako kasi ginawa akong yaya ng pamilya nila hahaha." Idinaan ko nalang sa tawa 'yung nakaraan ko. "Simula noon ako na nagpaaral sa sarili ko at awa ng dyos nakapag tapos naman ako." nakikinig parin s'ya saakin. "Meron ngang times na iniisip ko ang malas saamin, kasi what if hindi ako pinanganak? Edi sana buhay pa si Mama at Papa-"
"Don't say that." napatingin ako kay Gojo. Bakas ang pag-aalala sa face n'ya. Wala pa akong napag kuwentuhan ng past ko pero ewan ko, may trust ako sa kan'ya kaya kinwento ko na.
"Sorry, nakalagpas na ako sa phase ng pagsisisi. Wala na naman ako magagawa kasi nangyari na." tinry ko talagang hindi maluha, knowing na napaka emotional kong tao.
"I'm not good at comforting people kasi ikaw palang nag oopen saakin ng ganito." napatingin ako sa kan'ya.
"Wala kabang friends?" tanong ko.
"M-Meron naman, pero kasi hindi ko naman sila close to the point na mag kukwento sila about sa sarili nila." nagegets ko s'ya, gan'yan din ako before e until nag ka work ako.
"Naiintindihan ko pero hindi ko naman need ng comfort. Siguro 'yung makinig lang ayos na." totoo 'yan need ko lang talaga ng kausap.
"Tsk ako na 'yan." ulul e s'ya nga palaging kwento ng kwento tapos ako nakikinig lang.
"The Gojo family continues to rise as one of the top 5 richest family on the Philippines.."
Naputol ang pag uusap namin ng mapatingin kami sa T.V. Nanonood kasi kami ng news habang nakain.
"Tsk kairita, patayin na nga 'yan!" iritang sambit ni Gojo sabay kuha ng remote at patay ng T.V.
Wow??????? Top 5 richest family sa bansa? Grabe bigatin talaga pamilya n'ya. Lakas naman n'ya maka leading man vibes sa wattpad.
"Gojo family? Gojo surname mo?" hindi ko alam e huhu sorry.
"Yeah, Gojo family name ko kaya I kinda preferred being called by my given name." hala sorry, all this time Gojo tawag ko sa kan'ya.
"Hala sorry, Gojo lagi tawag ko sa'yo. Uhm, tawagin nalang kitang Satoru?" tanong ko at tumango naman s'ya.
"Pwede rin namang Love nalang kung nahahabaan ka sa Satoru hehe." ayan d'yan s'ya magaling sa gan'yan gan'yan n'ya.
"Ewan sa'yo." 'yun lamang at nag tuloy na kami kumain.
"You know before, madami akong collection ng cars at big bikes." pag bubukas n'ya ng panibagong usapan.
"Talaga?"
"Oo, kaso for sure naka tambak nalang 'yun ngayon sa Makati. Tsk sayang! Pero don't worry, pag nakaipon na ako mag hahanap ako magandang trabaho tapos mag papayaman ako on my own. Pag mayaman na ako bibili ako ng Mercedez Benz tapos kayong dalawa ni Meg ang unang pasahero ko." natuwa ako sa sinabi n'ya. Sure na talaga s'yang makakasama n'ya ako ng matagal ha. I mean hindi naman sa ba bustedin ko s'ya, it's just na iniisip kaagad n'ya 'yung future n'ya na kasama ako kaya nakakataba ng puso.
"Aasahan ko 'yan." pabirong usal ko.
Napagisip isip ko na ang hirap pala ng sitwasyon n'ya. Biruin mo laki ka sa yaman tapos bigla kang maghihirap? I mean 'yung adjustments 'diba? What if hindi s'ya maalam ng gawaing bahay kasi may yaya sila before? Edi pinag aralan n'ya mga bagay bagay simula sa umpisa? I wonder kung may nag turo sa kan'ya or natututo s'ya mag isa. Well, hindi naman s'ya bata pero anong malay natin 'diba?
***
3 hours after, nakatulog na si Meg. At may pasok pa ako bukas kaya napagpasyahan kong umuwi na. Si Sat nag insist s'ya na ihatid ako, humiram s'ya ng tricycle sa kapitbahay n'ya para lang maihatid ako.
Nung nasa tapat na ako ng bahay, bumaba na ako at bumaba rin s'ya saka kami nag harap.
"Thank you for today, Sat. Ang sarap ng luto mo at super nag enjoy ako makasama kayong mag ama." naka smile ng sabi ko.
"Wala 'yun. Bisita ka uli sa bahay anytime, mukhang gusto ka ni Meg e." so happy kasi nagustuhan nga ako ni Meg, mag damag kaming nag laro na tatlo e.
"Sige, Ingat ka sa pag uwi mo ah?" paalala ko sa kan'ya at naka smile s'yang tumango. "Goodnight, Satoru~" sambit ko saka nag wave.
"Goodnight, Mae. Sweet dreams~" iyun lamang at pumasok na ako sa bahay. Inintay n'ya muna ako makapasok bago s'ya umalis. Habang nag huhubad ng sapatos nakangiti ako.
Wala na, naaattached na talaga.

YOU ARE READING
Attached | Gojo Satoru - Jujutsu Kaisen (Tagalog)
FanfictionJJK #1 - Gojo Satoru as construction worker na lagi kang binabati pag uuwi ka ng bahay n'yo. °°° Language: Taglish Status: Completed DISCLAIMER: This story doesn't follow the anime or the manga. ©purpledomiti 2023