3

3K 54 14
                                        

DAYS AFTER

Grabe ngayon lang yata ako na excite pauwi ng bahay? I wonder why hehe. Maaga kaming nag uwian kasi nagkaroon ng electrical failure sa company. Wala namang ganap masyado today kaya pinauwi narin kaagad.

Nung narinig ko na ang welding sa hindi kalayuan ay otomatikong gumihit ang ngiti sa labi ko. Asus asus nu 'yan teh naaattach na?

Pag liko ko si Gojo Satoru kaagad ang unang hinanap ng mata ko. Nawala ngiti sa labi ko ng hindi ko s'ya masulyapan. Nasaan 'yon?

Dumaan na ako sa ginagawang bahay pero wala s'ya. Absent ba s'ya today? Gusto mo sana tanungin si Kuya Ben kaso nahihiya ako baka kung ano isipin n'ya.

Napansin ko ang tatlong galon ng tubig sa tabi ng gate ko. Hala may delivery na pala, bayaran ko nalang 'to pag naabutan ko sila bukas. Nakanguso akong lumapit sa mga galon at balak ko sana silang isa isa ipasok sa bahay. Nung bubuhatin ko na biglang may sumulpot na kamay sa tabi ko.

"Ako na." help si Gojo pala.

"Kala ko wala ka?" nagulat ako sa sinabi ko. Baliw halatang hinahanap ko s'ya nyeta bakit ko ba 'yan sinabi!!!!

"Huh? Uminom lang ako 'to naman miss agad ako e." medyo napangiti ako dahil nandito lang pala s'ya omg kala ko wala!

"Tss!" sinaghal ko. Tapos nag volunteer na s'yang ipasok ang mga galon sa bahay ko.

"Wow ang linis." manghang usal n'ya habang nilibot mata sa bahay ko.

"Nung akala mo saakin maduming tao?" nag hubad na ako ng sapatos.

After na n'yang maipasok ay nag paalam na s'ya dahil may gagawin pa daw s'ya.

***

As usual, tambay na naman kami sa balcony at ganoon uli ang posisyon namin. Ang sarap n'ya kakwentuhan e. Getting to know each other phase nga e.

"Aga n'yo yata umuwi?" tanong n'ya.

"Nagka electrical malfunction sa company e kaya maaga kaming pinauwi. Tapos hinatid ako ng Senior ko hanggang sa tapat ng village." buti nalang mabait team leader namin at hinatid ako.

"A guy?" tanong n'ya at tumango ako. Ingleserong construction worker naman nito! "Tss, anong kotse n'ya?" huh? bakit n'ya gustong malaman?

"Ford?" sagot ko. Hindi ko sure kung anong tatak kasi hindi naman ako mahilig sa mga sasakyan pero 'yun kasi nakalagay sa harapan ng sasakyan ni Senior e.

"Tss, walang wala sa lambo ko dati." bulong n'ya. Pero narinig ko naman. Edi s'ya na may lamborghini! Pangarap ko sumakay d'yan nung bata pa ako e hehe.

"Nga pala, 'diba day off mo bukas? What if bisita ka sa apartment para makilala ka ni Meg?" alok n'ya. Tumango naman agad ako.

"Sige pwede naman." sagot ko.

"Yey!" masayang sambit n'ya sabay palakpak. Kinakabahan ako ang likot n'ya e sa concrete lang s'ya naka upo jusko naman!

KINABUKASAN

Day off ko today at ngayong araw ang bisita ko sa bahay nina Gojo. Medyo excited akong makilala si Meg. After ng work ni Gojo dito, sasabay ako sa kan'ya pauwi. Bale sa kanila ang mag di-dinner.

Nung 6pm na, kinatok na n'ya ako sa bahay para umalis. Nag bihis ako at nakabihis narin s'ya. Naks lakas maka parents na bibisitahin anak nila ah.

Nag commute lang kami, tapos sinagot n'ya pamasahe ko hindi naman gaano kalayuan 'yung binyahe namin dahil isang jeep lang ang sinakyan namin. Sa subdivision din s'ya nakatira kaya naglakad pa kami konti. Nag kukwentuhan kami habang nag lalakad, namamangha nga ako kasi lahat ng makasalubong namin ay binabati si Gojo. Mukhang sikat s'ya dito at madami rin s'yang tropa. Sumaglit s'ya sa bilihan ng gulay para bumili ng sahog sa lulutuin n'ya.

Noong marating na namin ang limang palapag na apartment building ay umakyat na kami sa second floor. Sa room 503 ang kanila. Pag bukas ni Gojo ng pinto, bumungad saamin ang boses ng isang batang lalaki.

"Tatay!" masayang salubong nito kay Gojo saka yumakap..

"Megs! Na miss mo ba ako?" umupo si Gojo upang makaharap ang bata. Tumango naman ito saka nalipat ang tingin saakin. Nginitian ko s'ya.

"Tatay sino po s'ya? S'ya po ba si Ate Mae?" wow kilala ako ng bata?

"Yes, Meg. S'ya si Ate Mae." - Gojo.

"Hello po, Ate Mae. Lagi ka po saakin kinukwento ni Tatay!" nginitian ko lang s'ya. Teka na ooverwhelm ako sa mag amang ito. Tumayo si Gojo saka hinaplos haplos ang ulo ni Meg.

"Mae, he's Megumi. My son." naks naman ang pogi!

"Pogi ah!" sambit ko sabay nakipag apir.

Pinapasok n'ya ako sa bahay n'ya at sabi n'ya maupo lang daw ako at ipagluluto n'ya ako. Habang nakaupo, pinagmasdan ko ang loob. Ang aliwalas at ang linis tingnan, ang dami rin nilang pic na dalawa ni Meg. Ang cute.

"Gojo, ilan taon na si Meg?" tanong ko. Wala naman masama kung chikahin ko s'ya habang nag luluto noh?

"He's 7. Inalagaan ko s'ya nung 19 palang ako." wow ang bata n'ya pa??? Nung 19 ako nakikipag away ako sa rpw no'n e tapos s'ya nagpapaka tatay na? Wow! "I think na kwento na ni Ben 'yung life ko sa'yo before noh?" tumingin s'ya at tumango ako. Ben? Si Kuya Ben ba? Maka Ben amp!

"Back then, nung 1st year college ako nakakita ako ng baby sa tabi ng garbage sa university namin. I immediately pick up the baby and went in to my car. It won't stop crying kaya naman sa taranta ko, I used my pinky finger as pacifier para lang tumahan s'ya at gladly effective naman. Nung kumalma na s'ya, I examine his clothes and doon ko nakita 'yung name n'ya Megumi ang nakalagay. Nung binanggit ko ang name n'ya biglang ngumiti si Meg at nag decide akong kupkupin s'ya. " oh kaya pala~

"Alam kong magagalit parents ko kapag nalaman nilang gusto kong mag ampon ng bata kaya naman nag hired ako ng nanny para alagaan si Meg habang napasok ako school. Sa Dorm ko sila pinatira para kada uuwi ako nakakasama ko si Meg.. Recently lang nalaman ng parents ko ang tungkol sa kan'ya kaya nagalit talaga sila kasi daw napabayaan ko daw pag aaral ko dahil sa kan'ya. Gusto nilang iwan ko si Meg pero I don't want that, ako na kinikilala n'yang ama kaya I'm willing to lose everything para lang ma keep ko s'ya. Hahahahahaha kaya I end up working as a construction worker. Thanks to Ben tho may pang sustento parin ako kahit papaano." naiiyak ako huhu ang bait bait naman pala n'ya e sabi ko na don't judge the book by it's cover!

"I'm so proud of you." naluluhang sambit ko saka ko s'ya niyakap mula sa likod...

HUH????????????

Sobra akong nadala ng emotion ko hindi ko namalayan lumapit ako sa kan'ya at binackhug ko s'ya haluh????????? Na stiff ako ng ma realized ko ginawa ko kaya hindi kaagad ako nakabitaw sa kan'ya. HALAAAAAA HUYYYY KALMA TEH??????

Natigilan din s'ya kaya naman kumalas ako ng yakap sa kan'ya.

"S-Sorry nadala lang." napatungo ako. Kita ko namang napaharap s'ya saakin.

"Naunahan mo pa ako mag first move ah?" nakakahiya grabe ano bang pumasok sa isip ko???? Na dala lang talaga ako promise cross my heart padlock tapon susi mamatay man period no erase.

Attached | Gojo Satoru - Jujutsu Kaisen (Tagalog)Where stories live. Discover now