PAGLISAN

4 0 0
                                    

Sa bawat patak ng ulan, aking nadarama,
Ang sakit at pighati, sinta, sa puso ko'y wala nang pahinga.
Sa bawat pagluha ng mga bituin sa gabi,
Ang tanong sa isip, "Bakit sa akin ito nangyari?"

Sa bawat alon ng dagat, ako'y napapaisip,
Sa ating mga alaala, bakit bigla kang napalipas?
Ang mga pangako, ating pinanumpaan,
Ngunit sa isang iglap, lahat iyon ay nawala't naglaho na lang.

Sana ay may pagkakataon pa, upang malaman,
Ang dahilan ng iyong paglisan, at ako'y iyong tinalikuran.
Ngunit sa ngayon, aking tatanggapin,
Ang katotohanan na ikaw ay wala na, at ako'y naiwan na nag-iisa.

Serendipity's Script: Unveiling the Canvas of Random ThoughtsWhere stories live. Discover now