HAKBANG SA DILIM

0 0 0
                                    

Sa bawat paglipas ng sandali
Ay ang pag-asa at pangamba'y magkasama
Kung papalarin o hindi sa layon
Ganito ang buhay, di mabilang ang biyaya't hamon

Sa larangan ng pag-aaral, hirap at pasakit
Di lamang sa mga aralin, kundi pati sa pag-asa't takot
Libreng mangarap, ngunit sa realidad
Kailangan ng puhunan, di sapat ang pangarap na alay

May mga paaralan, libre ngunit limitado
Ang kakayahan ng mga estudyanteng nangangarap
May mga iskolarsip, ngunit di lahat ay mapalad
Ang pangarap, parang bituin, malayo at napakalapad

Kung bawat hakbang ay may halagang kaakibat
Paano nga ba mararating ang hinahangad?
Pera ang kapangyarihan, ngunit ang ligaya
Nasa pagsisikap at pagtitiyaga, ito ang tanglaw ng daan.

Sa bawat tanong na walang kasagutan
Isang hakbang pa rin, sabay-sabay na pagtahak
Sa landas ng pangarap, kahit paunti-unti
Pag-asa't tiwala, gabay sa pag-akyat sa tuktok ng bituin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Serendipity's Script: Unveiling the Canvas of Random ThoughtsWhere stories live. Discover now