Chapter 9

1.5K 38 2
                                    

Rosgella

Mabilis na natapos yung klase namin wala rin akong choice kung hindi ang samahan si Kirsten sa Mall. Ewan ko ba kung anong bibilhin neto, kung saan saan naglulu lusot pero hindi naman bumibili. Napapagod na nga ako sa, sa totoo lang. Pagod na pagod na akong magpa pansin pero until now wala pa rin char

Ngayon pumasok kami sa national bookstore. Siya kaya, kailan papasok sa'kin? Dapat araw araw BWHAHAHHA jok lang po. Tagal niyang mamili ng bibilhin as in pero sana naman ay may mabili na siya ngayon.

Habang nagt tingin tingin siya nagscroll muna ako sa facebook. Mag out na rin sana ako kaagad kaso chineck ko muna kung inunblock naba ako ni Eia at nung makita kong Oo ay ang saya ko.

Agad ko siyang chinat para makapag explain at mag sorry sakaniya. Wala pang isang minuto ay nakapag reply na siya. Mabilis din kaming naayos at ngayon ay balik na kami sa dati.

Inaya pa ako ni Kirsten na kumain at hinatak sa isang mamahaling restaurant. Mabilis lang din ang pag-kain na ginawa namin. Nagpaalam muna ako sa kaniya na magc cr ako pero agad din siyang sumunod dahil magc cr din siya. Paglabas ko ng cubicle ay may humatak sa'kin at nagulat ako dahil si Kirsten pala 'to. Hinatak niya pa lalo ako papalapit sakaniya. Mas lalo niyang nilapit yung mukha niya. Halos maamoy ko na yung mabango niyang hininga na akala mo ay kumain ng strawberry candy. Para akong maninigas nung dinilaan niya yung gilid ng labi ko.

"May dumi sa gilid ng lips mo."

Nasa car niya na kami ngayon at ihahatid na niya ako pauwi. Hindi ko siya magawang tingnan dahil naiilang parin ako sa ginawa niya kanina. Bakit kailangang gawin niya 'yon? Pwede naman niyang sabihin agad na may dumi pero bakit niya pa- haysst!!

"Rose, nandito na us sa front ng house niyo."

Lumapit siya sa'kin at tinanggal yung seatbelt ko habang nakatingin sa mga mata ko. Nilaban ko yung tingin niya kahit na alam kong nakakatunaw. Palaisipan pa rin sa'kin kung bakit niya ba 'to ginagawa. Hindi rin namin napag usapan yung unang beses na nagkiss kami. Alam kong accident yun pero hindi parin maalis sa isip ko. Ang hindi ko lang maisip ay kung bakit siya ganito sa'kin? Ibang iba kung titignan mo kung paano siya sa iba.

Hindi pa rin siya lumalayo sa'kin at nakatingin pa rin. Yung kaninang mata niyang nakikipag titigan sa akin ay dahan-dahang bumaba papunta sa labi ko.

Nakita ko pa yung pag alon ng lalamunan niya, sign na lumunok siya.

Bubuksan kona sana yung pinto ng car niya pero naramdaman ko na naman yung malambot na bagay na nasa labi ko. Gulat na gulat ako habang siya at nakapikit lang. Kinagat niya yung labi ko kaya napa ah ako na mukhang maling desisyon dahil naramdaman kong pinasok niya yung dila niya sa bibig ko na para bang may hinahanap sa loob. Hindi pa rin ako gumagalaw kaya siya na ang kusang tumigil, sakto namang may kumatok sa bintana niya kaya lumabas na ako. Nakakabwisit siya. Sino ba siya para halik halikan yung lips ko?!

Hindi ko pinansin yung presensya ng tao na nakatingin sa'kin galing sa gilid ng mga mata ko. Nababanas ako.

Pumasok na'ko sa kwarto at nagkulong.

"Ros, kumain kana. Kagabi kapa hindi lumalabas ng kwarto." Narinig ko nalamang ang dalawang beses na pagkatok ni mama bago umalis sa pinto.

"Opo, mama. Nagpapahinga lang." Sagot ko kahit alam kong naka baba na ito.

Ginulo-gulo ko yung buhok ko habang binabasa yung message sa'kin ni Eia. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Hindi kami okay kagabi dahil nasabihan niya ako ng btch. I got hurt kasi hindi ko inakala na sasabihan niya ako ng gano'n at wala rin ako sa mood. Nakakainis kasi yung Kirsten na yun e, masyadong pinagugulo yung sistema ko.

Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg) Where stories live. Discover now