Chapter 1

209 14 4
                                    

"Hindi ako ang may kasalanan. Siya..."

Nanlaki ang mga mata ng kaklase ko na si Fern, halatang gulantang sa mga sinasabi ko ngayon na taliwas sa mga ipinaliwanag ko sa kaniya kanina bago mapunta sa disciplinary.

"Siya po," my naturally soft voice repeated.

Even in my head, it sounded treacherous. How did a sound so kind be so... mean?

Napatikhim ang principal.

"I got seated behind Fern, miss, so I was able to see her cheating. Inalok pa nga niya po ako na papakopyahin pero tumanggi po ako–

"Sephie!" Fern groaned.

"It's true! I-I couldn't do it. Wala po akong history ng cheating. Even this is my first time being summoned. Naabutan n'yo lang po akong kinakausap ni Fern kaya nadamay..." I bit my lips.

"Totoo ba ang lahat ng ito, Miss Go?"

Halos masuka si Fern sa gilid ko.

Everything I said was not a lie, kaya hindi rin siguro makapalag si Fern. Pero aaminin ko, I was not like this when she was persuading me. Pero... kanina iyon.

Ngayon, malinaw na malinaw na sa akin na hinding-hindi ko gagawin iyon o magiging parte ng ginawa niyang pangongodiko. It's not me. Never will be.

"Kung mapatutunayan ang mga sinasabi ni Miss Morales, pwede kang ma-suspend, Fern, or expelled!"

"Totoo po," I claimed. "Everything was a misunderstanding on my part. Hindi naman po ako kasali e. So... may I please go now? Please?"

Alangan pa ang principal nang tingnan ako. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko at pinagpapawisan ng malapot. Ayoko na umupo rito. Ayoko na magsalita.

Nang pakawalan na niya ako makalipas ang ilan pang katanungan, para akong nabunutan ng isang malaking tinik. That was close!

I got back inside our classroom like nothing happened. Ibinigay nang muli ang mga test papers ko dahil exam day ngayon. May kaunting bulungan galing sa mga classmate ko dahil sa pagpapatawag sa amin ni Fern pero nag-focus na lang ako sa test.

In my head, oo, naging malaki ang inis ko kay Fern. Kami kasi ang magkasunod sa row at kung may makakakita man na may ginagawa siyang hokus pokus ay ako iyon. Siguro ay nakita niyang pinanonood ko siya sa pagtatago niya sa cheating paper kaya sa halip na balewalain ay inalok na lang din.

Pero, oo, naenggganyo rin ako. After all, the result of this exam, or any exam in my life, will be heavily criticized by my father. Lalo pa't medyo bumaba ng ilang puntos ang grades ko noong nakaraang period.

In the middle of my second thoughts, our teacher spotted us and took us away immediately.

I saved myself. Kung hindi ko nilaglag si Fern, malamang sa malamang ay ipapatawag na sina Mommy at Daddy.

Ini-imagine ko pa lang ang mga mukha nila lalo ng ama ko ay parang iiyak na ako sa disappointment. Kaya naman tuwing nakakaramdam ako ng awa ay pinapalitan ko na lang ng inis. Fern would've saved me from my dropping grades but it's not worth the consequence.

It was all her fault. Not mine.

We never saw Fern again after that day for at least a week. At pagpasok niya, community service sa CR ng girls.

Walang kumastigo sa akin kahit na malalapit na mga kaibigan. O baka hindi ko lang alam? I was the victim and either way, I was too good in their eyes. Even I felt good that I got high grades after.

Iyon nga lang, hindi na ako muling kinausap pa ni Fern hanggang matapos ang taon.

"I'd also like one of these, please..." A woman's voice snapped me back.

SagradoOnde histórias criam vida. Descubra agora