Chapter 3

152 13 6
                                    

"For you, Sephie..."

Napakurap-kurap ako sa schoolmate na si Jeric. He was a grade higher than me, grade eleven.

"Binigyan siya ni Jeric ng flowers!"

"Ang sweet talaga ni Jeric!"

"Kunin mo na, Sephie!"

Ibinaba ko ang raketang hawak. It was Intrams Day today and I was eager to play a fun match. Ang pinsan kong nasa kabila ng net ay napanguso ngunit hindi naman lumapit.

"Sephie..." ani Jeric, nakalahad pa rin sa ere ang palumpon ng roses.

"Uhh, thanks."

Unti-unting nawala ang hiya sa mukha nito at nauwi sa maamong ngisi. I smiled too as I held the pink roses on one hand, the racket on the other.

"Sana nagustuhan mo, Sephie. I picked the pink ones because they remind me of you."

"Nakakakilig naman! Go, Jeric!"

"Matagal na niyang crush iyan, 'di ba? Akala ko ba ay may manliligaw na iyan..."

"Ang ganda mo, Sephie!"

Napanguso ako sa mga nanunukso. Of course, they would see us. Pakalat-kalat ang mga student sa school grounds dahil sa program at wala nang itatago pa roon.

"Thank you, Jeric," I said again. "For the flowers."

"You're welcome!" Buo na ang ngisi niya ngayon. "Maglalaro kayo ni Monique?"

"O-Oo... Sana..." I glanced at my cousin who was now looking unimpressed and impatient on the other side.

"Bakit? Sasali ka ba sa palaro mamaya?"

Umiling ako. "We're just playing."

"Ah, ganoon ba? Sige! Hindi ko na kayo iistorbohin pa."

I heard Monique huffed.

Tumango ako kay Jeric.

"Wait, Sephie, saan mo pala ilalagay ang mga iyan?" turo niya sa mga bulaklak. "Baka mamaya iyan ang paglaruan n'yo at gawing shuttlecock ha!"

I laughed a bit, making the watchers go even crazier. Kahit na hindi naman iyon ang intensyon ko. Naisip ko lang na itong mga ulo ng bulaklak nga ang pagpapasa-pasahan namin ng pinsan ko.

"Hmm, ilalagay ko na lang muna sa room namin bago ako makipaglaro ulit."

"Good. Okay then, Sephie! Aalis na rin kami ng friends ko..."

Sa hindi malayong pwesto ay nagsipag-ilingan ang mga kaibigan niyang lalaki rin. I nodded at Jeric. Nang umamba akong isasaayos ang mga bulaklak ay umalis na rin naman ito, but not without the whispers or sometimes yells of the crowd.

"Baba mo na 'yan d'yan! I'm sweating now!" Monique snapped and pointed it on the concrete floor.

Well, the flowers looked nice! Ayoko namang ilagay sa sahig at sa ibabaw na lang ng string bag kahit papaano. We then played for a bit until we both called it and went to freshen up sa locker.

Buong araw yatang iyon ang inaasar sa akin ng mga classmate at miski ang hindi ka-close na mga schoolmate. Jeric was a year higher than me, also charming and sweet, so baka iyon ang dahilan kung bakit sila kilig na kilig.

Ayos lang naman sa akin. He was not being forceful about it and I might have heard a rumor or two about him fancying me. Although I didn't fancy him back, hindi naman ako tumatanggi sa oportunidad na flattering.

"I thought Oswald was courting you, Sephie," nanunuyang sabi ni Monique nang mag-lunch na kami, tanaw na ngayon ang grupo ng nasabing si Oswald sa isa sa mga table doon.

SagradoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora