Chapter 15: Long Lost Childhood Friend

1.1K 27 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez

Chapter 15: Long Lost Childhood Friend

"It's nice to be back my future wife.." sabi nito sakin at napalingon naman ako at nakita ko naming nakangiti ito sakin.

"Kung itinatanong mo kung anong meron sa picture nay an, 5 years old ako dyan and as far I remember mga 4 ka yata nyan? Isang taon kasi ang agwat mo sakin sa pagkakaalala ko. It was our last picture together bago ako umalis ng bansa.." sabi nito sakin.


Hindi ko matandaan kung kalian nangyari yung nasa picture na yan, pero mukhang hindi naman nagsisinungaling si Van dahil ako nga yung bata sa picture. Sa sobrang daming kabanata na nangyari sa buhay ko, mukhang ang isang to ang hindi ko maalala. Pero pakiramdam ko may matagal na akong uganyan kay Van.


"Pinangako ko sayo noon na bago ako umalis ng bansa ay pakakasalan kita pagkabalik na pagkabalik ko ng Pilipinas, pero nagkamali ako dahil nabalitaan ko kay Mommy na ipinagkasundo ka na daw sa iba.." pagpapatuloy nito.




~FLASHBACK~

"Cai, I promise babalik ako para sayo. Gagawin ko yung pangako ko pagbalik ko ng Pilipinas, hintayin mo ako.." sabi nito at inilagay nya sa isang maliit na box yung pares ng singsing at saka ipinasok sa maliit na butas ng rose statue. "Pangako ko, ikaw lang ang pakakasalan ko.." sabi nito.

"Pero Yan-yan matagal pa yun.." sagot ko at iniiwasan kong umiyak.

At niyakap naman ako nito at hindi ko na napigilan yung sarili ko at napaiyak na rin ako.

"Basta wag mong kalimutan yung pinangako ko sayo, dahil saksi ang statue na ito sa ating dalawa.."

...

"Yan-yan! Yan-yan! Wag mo kong iwan! Sabi mo di mo ko iiwan diba?!" sabi ko habang hinahabol ko yung kotse na papalayo sakin kung saan sya nakasakay.


Pinilit kong tumakbo pero napakalayo na ng kotse sakin kaya naman wala akong nagawa kundi ang pagmasdan ito palayo. Napaupo na lang ako sa lupa at saka walang humpay na umiyak.


"S-Sabi mo d-di mo ako iiwan? Bakit mo ako iniwan Yan-yan?" sabi ko sa sarili ko habang nakaupo ako sa lupa.

~END OF FLASHBACK~



Kaya naman napatayo at naramdaman ko naming sumunod si Van sakin.


"San ka pupunta?" tanong nito.

"Sa statue, nakita ko na ang sagot. Alam ko ng lahat-lahat Van.." sabi ko at saka tumakbo naman ako palayo.

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now