Chapter 34: Truth or Dare

982 23 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez



Chapter 34: Truth or Dare


"Girl dito!!"  sigaw ni Elaine habang kinakawayan si Myrrh paglabas sa airport.


As always masaya naman itong lumapit samin at isa-isa kaming bineso-beso pagkatapos ay ngumiti ito.


"Ghad! I miss Philippines! And absolutely i really miss you guys.." nakangiting sabi ni Myrrh samin.

"Namiss ka rin namin.. Sayang wala ka nung binyag ni baby Georgette.." sabi ni Anna sa kanya.

"And i bet na ako ang ninang ng dalawa kong pamangkin right? Di man lang kayo nagsabi na sabay palang pabibinyagan si Marcus at Georgette, sana hinintay nyo man lang yung pagdating ko.." nagtatampong sabi ni Myrrh samin. "By the way highway guys, nasaan ang mga biys specially Regie?"

"Bakit si Regie agad ang hinanap mo?" pang-aasar ni Elaine kay Myrrh.

"Nope, may usapan kasi kami nun. Let's go na nga and i brought something for you guys.." at saka nauna naman samin itong maglakad.



Napangiti na lang ako habang naglalakad silang palayo sakin. Hanggang sa dumapo ang tingin ko kay Myrrh na parang hindi nadadapuan ng problem. Buti pa tong isang to walang iniisip na problema.


Tatlong linggo na rin ang nakalipas pagkatapos ng nangyari samin ni Van. He didn't even contact me pagkatapos ng nangyari. Nawalan na rin kami ng komunikasyon sa isa't-isa at hindi ko rin alam kung ano na ang ginagawa nya. Gusto kong makipagusap sa kanya pero nowehere hindi ko alam kung nasaan sya.


"Hey girl! Spaced out? Something wrong?" tanong ni Myrrh na hindi ko namalayan ang pagsupot nya as harapan ko.


Napailing na lang ako bilang sagot dahil ayoko sila at mas lalo na syang bigyan ng problema lalo na't magkasama sila ni Van sa trabaho. At buti na lang nanatiling tahimik yung dalawa at mukhang nabasa nila kung ano ang nasa isip ko.


Pagkarating namin sa villa ng mga Ramirez ay nagulat ako sa nakita ko. Nandoon si Van at Agatha mukhang masaya sila. Pero teka nga kailan pa nakabalik ang isang to??


"O nandito na pala yung mga chicks pre.." bungad ni Ian sakin.


Nakasalubong naman yung tingin naman ni Van at ako na ang unang umiwas dahil hindi ko kayang makipagtitingan sa kanya. Bigla namang kumirot ang dibdib ko dahil sa nangyari.


Pumasok na kami sa loob ng villa at agad na dumertso sa kwartong tututluyan namin. Malawak at mahangin sa pwesto namin dahil malapit sa dagat. At bigla ko namang naalala yung nangyari samin ni Van sa Boracay.


"Girl magbihis ka magsiswimming tayo." sabi ni Anna at inabot sakin yung itim na two piece.

"Sige susunod na lang kami ni Elica.." sagot ni Elaine sa kanya kaya naman lumabas na ito dala ang cardigan nya.


Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now