Chapter 20: He's Back

991 27 0
                                    

Author's Note: Hi there guys! Medyo hindi pa ako masyadong magaling ngayon pinilit ko lang mag sulat para sa inyo pambawi sa mga ilang araw na hindi ako nakapagupdate sa inyo. Enjoy reading!



Unexpected You by MyrrhRamirez



Chapter 20: He's Back


"Manganganak na si Anna? Wait?....Oo sige pupunta ako!!" at saka pinindot ko na yung end botton.



Dali-dali ko namang kinuha yung bag ko at aakmang lalabas na ako ng pinto ng..


"San ka pupunta?" at napalingon naman ako sa taong nagsalita sa likuran ko.


Nakalimutan ko na may kasama pala ako dito. Hayss.. :3


"Pupunta akong hospital, manganganak na daw si Anna.." sabi ko.

"Ohh chill ka lang baka ikaw ang mapaanak ng wala sa oras dyan.." at tumayo naman si Dale mula sa pagkakaupo at saka may kinuha ito mula sa bulsa nya.


Ilang buwan na rin ang nakalipas pagkatapos ng nangyari noong kasal. Tulad nga ng nangyari hindi na natuloy yung kasal dahil na rin sa tulong ni Dale. Nalaman na rin ng barkada ang tungkol sakin, ang tungkol sa pagbubuntis ko. At kasalukuyang si Dale ang umaalalay sakin, naging masaya naman si Dad sa naging desisyon ko at ginalang na lang nya ang plano ko. Ang planong hindi ko sasabihin kay Van ang tungkol sa pagbubuntis ko, ganun din ang mga kaibigan ko. Naguguilty ako dahil naggagalit sila sa pag iiwan sakin ni Van ewan ko ba sa kanila. Pero pakiramdam ko na may mga taong hindi pa rin ako iniiwan sa ere. Pati na rin sa pagmomodel ng retiro na ako dahil na rin sa lumalaki na ang tiyan ko.


Wala na rin akong naging balita kay Van kung nasaan na sya ngayon. Lahat ng tungkol sa kanya ay wala na akong nabalitaan.


"Sandali Elica! Maghinay-hinay ka sa kilos mo masyado kang nagmamadali.." pag-alalang sabi ni Dale sakin.


Pagbukas ko ng pinto ay kumaripas naman ako ng takbo at agad na tinugo ko ang emergency room at bumungad sakin ang barkad na may gulat na expresyon.


"O? Naparito ka?" tanong ni Elaine sakin.

"Kamusta na si Anna?" tanong ko sa kanila at napaupo ako dun sa isang bench.

"Adrenaline rush neng? Nagmamadali ka mamaya ikaw ang mapaanak ng wala sa oras.." sabi ni Elaine sakin.

"Nasa loob sya Elica.." kinakabahang sabi ni Kuya Gil sakin.

"Naks naman pare magiging tatay ka na, ako na lang ang kulang sa tropa.." at nakuha pang mag-asar ni Regie.

"Alam mo Regie pasalamat ka at wala si Myrrh ngayon dito kundi nakatanggap ka ng batok sa kanya ngayon..." sabi ni Ian at tinapik pa ang balikta nito.

"Dale, dapata hindi mo na dinala si Elica dito alam mo namang bawal ang napapagod sa kanya.." sabi ni Kuya Gil kay Dale.

"Makulit kasi eh.." sabi ni Dale at napakamot na lang ito sa ulo nya.

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now