Chapter 37: My Teritory

1.1K 29 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez


Chapter 37: My Teritory


"Marcus wag mong galawin yan-" saway ko kay Marcus at saka kinuha ko naman yung pot holder para ipasok sa open yung cookies na binake ko.


Naramdan ko namang may pumulupot sa bewang patalikod kaya naman nanindig ang mga balahibo ko sa ginawa nya.

"Van! Isa ka pa ang kulit mo rin! Wag kang dumikit sakin!" sabi ko at hindi nya inalis yung pagkakayakap nya sakin.

"I want you Elica.." bulong nya sa tenga ko.


Nanindig naman yung balahibo ko ang lakas talaga ng epekto sakin ni Van. Kaasar talaga!


"Sasapakin kita umalis ka dyan!" sigaw ko.


At narinig ko namang tumawa si Van. At nilingon ko naman ang mag-ama na nagapir sa tabi ko.


"One point na si Daddy ah! Nagalit ko na si Mommy.." sabi ni Van kay Marcus na tila parang bata

"It'a unfair Dad! You seduce Mom! Let's play x-box and this time you will never beat me.." maangas na sabi ni Marcus kay Van.


Napailing na lang ako sa inakto nung mag-ama ko. Dalawang linggo na ang lumipas, pinayagan ni Dad si Van na manatili sa mansion. Masaya naman ako dahil natanggap na ninong (Daddy ni Van) si Marcus. Nagbiro pa si ninong dahil nauna pa daw yung apo kesa kasal.

Kaya naman napagdesisyunan nila Dad na ikasal kami bukas. Ayaw na nilang patagalin to at mas gusto nila sa mas lalong madaling panahon. Dahil na rin sa last will ni Mama at nag bestfriend nya kaya mapapabilis ito. At simula ng umalis na si Agatha ay naging maayos na ang lahat.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay nung pangtoppings dun sa cookies ng biglang nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko naman yung cellphone ko. Nakita ko naman sa screen na tumatawag si Myrrh. Inislide ko naman ito para sagutin ang tawag.


"Girl, punta ka rito! Daliii! Sa may Circle Bar! Alam mo na naman kung saan yun diba?"


At narinig ko naman sa background ang ingay nila Elaine.


"W-Wait? B-Bakit? Ano namang gagawin ko dyan?" sabi ko at inipit ko sa balikat ko yung cellphone ko at pinagpatuloy ang paglalagay ng toppings sa cookies.


"Duh? Girl it's your bridal shower! Umalis ka na, and don't worry si Tito ang nagorganize nito. "


Napailing na lang ako sa sinabi ni Myrrh. Hindi ko alam na may kinalaman pa si Dad dito. Ano na naman kaya ang binabalak nila?

Hindi ko na nagawang magpaalam sa mag-ama ko. Nag ayos lang ako ng konti at saka inutusan ko yunh maid na ipakain kay Marcus yung binake kong cookies at binilin ko na incase maghanap sila ayay inasikaso lang akong importante.

Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa Circle Bar at nakita ko na agad sila Elaine na tuwang-tuwa dun sa lalaking nagsstrip dance sa harap nila. Ano na naman ang pumasok sa mga kokote nito at puro kahalayan ang nangyayari ngayon?

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now