Prologue

65 5 0
                                    

" Clov, wag mo kong iwan,please, mahal na mahal kita." Nakaluhod na tangis ng isang babae habang lumuluha.

" Tama na Imara, alin ba sa salitang hindi na kita mahal and hindi mo maintindihan ng maipaliwanag ko sa'yo at ng maisaksak mo rin sa mahina mong kukote!" Dumadagundong ang tinig ng isang lalaki, nais man niyang itayo sa pagkakaluhod ang babae ay hindi niya ginawa, ayaw niya nang masaktan pa ito. Di baleng siya na lamang.

"Clov, ano bang kulang sa akin ha? Porke ba nakuha mo na ang gusto mo kaya malakas ang loob mo na iwan ako ha?Shit Clov, binigay ko na ang lahat, hindi pa iyon sapat? Hindi pa ba sapat na mahal na mahal kita?" Tumayo na ang babae at tinitigan ng diretso sa mata ang lalaki. Umaasa siya na maisasalba pa ng pagmamahal niya ang relasyon nila. Dii baleng siya na lamang ang nagmamahal huwag lamang itong mawala sa kanya.

"Hindi, at kahit kailan ay hindi ka sasapat para sa akin.Don't bother me again!" Matapos itong sambitin ng lalaki ay tumalikod na ito at iniwang durog ang puso ng babae.

"Tandaan mo ito Clovis Bacchus Ancheta,darating ang araw na luluhod ka sa akin para balikan kita,pero iyon din ang araw na burado ka na sa puso ng babaeng bobo na ito na nagmahal sa iyo ng totoo! Itaga mo sa bato!" Pahabol na sigaw ng babaeng tuloy ang pagtangis habang dahan-dahang napapaupo na parang nauupos na kandila.

~~~~
A/N?

Meet the lovers from the past : Imara and Clov.

First Chapter to be update tomorrow.

(6-14-15)

Love & RegretsWhere stories live. Discover now