Chapter 1

50 4 2
                                    

~Meet the Boss.
---
( at Sandoval's Furnitures Company, 6:01 in the morning)

Alivia Imara's POV

"Maria, naihanda mo na ba ang presentation, parating na si Mam Imara, ano?! Hindi pa? Shemay ka, Oo gawin mo na dali..."

"Paparating na si Mam Imara, Adella naihanda mo na ba ang milk tea niya, dinagdagan mo ba ng green tea, good..Dalian mo at ayusin mo na ang table ni Mam Imara."

"Lorden, kinakabahan ako Kay Mam Imarapinatalsik niya kahapon si Judith dahil sa maling slide na nasingit sa presentation namin kahapon."

Habang papasok ako sa aking opisina at iyan ang mga katagang naririnig ko. Aba at dapat lang na matakot sila sa akin. Dapat silang lumugar. Ako lang naman si Alivia Imara Sandoval na siyang panganay na anak ni Mr.Lombardy Sandoval na isang sikat na business tycoon. Sa ngayon ang SFC ang hawak kong business dahil ito ang napili kong company sa mga companies ni Daddy.I love designing furnitures.

Tumutunog ang sapatos ko habang naglalakad ako sa hallway patungo sa aking opisina. Nang makapasok na ako at natigil ang lahat at tila mga robot na nakasusi na humilera at sabay sabay na bumati ng isang sopistikadong "Good Morning Ma'am Imara, have a nice day." At sabay sabay ring bumalik sa kanya kanyang gawain.

Tumungo ako sa aking private office, hinubad ko ang aking glasses at fur animal printed coat bago ako umupo sa aking swivel chair na ako mismo ang nagdisenyo. Tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin, ibang iba na ako sa dating Imara.

Tinawag ko si Adella, ang aking assistant for three years at ang nag-iisang tumagal sa akin,at inutusan ko siyang i-check ang mga papeles na nasa harap ng desk ko dahil tinatamad ako. Dali dali syang tumalima. Kinalkal niya ang isang pile ng files. Tumayo ako upang abutin ang Milk Tea ko nang mapansin ko ang isang papel na nakatabi sa paborito kong inumin, kasama ang isang dosenang bulaklak.

Lumapit ako upang tignan ang sulat,

To my beloved Imara,

Be ready to be mine,again

Love,
CB

Tinanong ko si Adella kung sino ang nagbigay ng sulat ngunit ipinadala lang daw ang mga iyon ni Manong Guard sa kanya at ng tinawagan ko naman yung guard at inabot lamang daw iyon ng isang lalaki dito. Pinagalitan ko siya at sinabing huwag na muling tatanggap ng mga bulaklak o sulat na galing sa mga 'di nagpapakilalang tao.

Matapos ang pakikipagusap ko sa Guard at pinalabas ko muna si Adella para mag-isip.

CB?
CB?
CB?!

I know only one CB that would do this...

Clovis Bacchus.

Ayokong magassume pero siya lang ang gagawa ng ganitong kabaliwan dahil ganito siya nung kami pa noon.

Kung akala niya at makukuha kuha niya ko sa ganito, puwes nagkakamali siya. Hindi na ako ang dating tangang Imara na umibig sa kanya. Hindi na. Ipinikit ko ang aking mga mata matapos kong ilagay sa basurahan ang sulat at mga bulaklak.

CB's POV
" I will get you back again,my Inamorata, my Imara."

~~~
A/N

Hayys. Posted:)

Imara's swivel chair on the picture.

(6-15-15)

Love & RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon