40: 180 ° (Last Chapter)

398 13 11
                                    

National Penitentiary Division

Present

"Boss, may bagong salta. Galing sa mayamang angkan sa probinsiya. Malalim ang bulsa."

Walang reaksiyon sa mukha ng matikas na lalaki habang humihipak ng pangatlong kaha ng sigarilyo mula sa pinakamagarang kubol ng penitentiary. Kompleto ang malaking bahay ng mga state-of-the-art facilities at mamahaling mga painting.

“Dito raw po papapasukin sa kubol niyo sabi ni General Trias. Mukhang malaking isda talaga, boss. Nakita ko pa ngang dinulutan ng kape mismo ng director.”

Nakahilata pa rin ang lalake sa gaming chair nito kahit na pumuwesto ang tauhan sa likod para masahiin ito.

“Ano po ang gagawin namin, boss? Ilang milyon po ang ikikilkil ko?” tanong nito at pinagbuti ang pagpisil sa mamasel na likod ng amo.

Doon pa kumilos ang lalake at pinatay ang sigarilyo gamit ang sariling daliri. Sinipat nito ang mukha sa salamin saka itinutok ang tingin sa tauhan.

“Saan ang bagito?”

Nakangisi si Langdon habang nakatingala sa two-storey building sa harapan sa loob ng kulungan. Mukhang asensado na talaga ang talipandas at pinili pa talagang magpayaman sa loob.

Inihakbang niya ang paa papasok sa bahay ngunit bago pa siya makapasok ay hinarang na siya ng isang lalake na parang lalaban sa international wrestling sa laki ng katawan.

“Bata, saan mo balak pumunta?” maangas na tanong ng isa at kinuwelyuhan siya. “Ikaw na ba ang sinasabi nilang kadarating lang na poging heredero?”

Tumawa ito kaya lumitaw ang nangingitim na ngipin matapos pasadahan ng malaswang tingin ang katawan niya.

“Tingnan ko lang kung hindi ka pa pumangit kapag sinimulan naming laspagin iyang tumbong mo.”

Naghalakhakan ang ibang mga presong nakarinig sa paligid.

“Ano ito?! Sino iyan?!” sigaw ng isang matandang lalaki na kalalabas lang mula sa loob ng kubol.

Mabilis na binitawan siya nito at lumapit sa matanda at itinuro siya. “Boss Seb, narito na yung sinabi ko sa iyong baguhan. Binabara ko kasi hindi marunong lumugar. Maangas! Gusto agad pumasok sa kaharian ni boss nang hindi nagbibigay ng galang. Kulang sa disiplina, bossing.”

Tiningnan ng tuwid ni Langdon ang bagong dating. Namumukhaan niya ito kaya naman nilapitan niya ito.

“Anong kailangan mo kay Boss?” tanong nito nang magkaharapan sila.

"Maniningil na ako ng utang,” walang kagatol-gatol na sagot niya.

“Aba’t!”

Susugod sana ito kung hindi lang umiling ang matanda at sinundot ang noo niya.

“Bata! Kaunting respeto para sa tinitingalang tao sa bahaging ito ng mundo. Hindi kami nangingimi ditong itumba ka kahit anak ka pa ng presidente kapag binastos mo ang hari dito. Hindi mo ba kilala si Rowald? Siya ang kilabot ng El Draconem. Hindi mo alam ang binabangga mo kaya maghinay-hinay ka sa pananalita mo bata!”

Sa halip na masindak ay hindi niya napigilang matawa. “Ganito na ba mag-train ng mga tauhan ang amo niyo? Mga walang respeto.”

“Sino ang sinasabihan mong walang respeto?! Ha?!”

Hinaklit paalis ng malaking lalaki ang sumbrero niya kaya nalantad ang tattoo niya sa ulo. Nagsinghapan sa gulat ang lahat nang mapagmasdang mabuti ang malaking ulo ng ahas na halos ay lumamon na sa kaniyang buong bumbunan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon