Chapter 1

190 7 0
                                    

Lumipas ang tatlong taon at mas lalong nakilala ang Bayan ng Lombis dahil na din sa mga albularyo at antinggero nagbibigay tulong sa mga nangangailangan o mga taong ginagambala ng mga aswang, mangkukulam, mambabarang, engkanto at iba pang mapaminsalang nilalang. Naging takbuhan din sila ng mga taong may sanib o di kaya naman ay mga taong napaglalaruan ng mga lamang-lupa. Sa loob ng tatlong taong iyon ay naging mas maunlad pa ang buhay nila Manong Ricardo, marami na rin siyang taong natulungan at nabigyan ng hanap-buhay. Naging mas malawak pa ang Bayan nasasakupan nito hanggang sa nahirang siyang punong-bayan ng Lombis at Hilaya. 

"Kuya Sinag, saan ko ilalagay itong mga prutas?" Tanong ni Mina habang bitbit nito ang mga prutas na bigay ng mga mabubuting tao sa kanila. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Manong Ricardo at bitbit naman ni Sinag ang sanggol na wala pang isang taon.

Isang taon din niyang niligawan noon si Christy at isang taon din muna silang naging magkasintahan bago sila ikinasal hanggang sa magbunga nga ang kanilang pagmamahalan,  isang babaeng sanggol na pinangalanan nilang Maria.

"Doon na lang sa mesa Mina. Kamusta sa bahay tanggapan?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang bahay kung saan tumatanggap sila ng mga pasyente nila.

"Ayos naman Kuya, huwag kang mag-alala dahil nandoon din naman sila Tandang Ipo para tumulong. Mabuti nga at naperme na sila dito ni Tandang Karyo." Sagot naman ni Mina at naghugas ng kamay bago ito lumapit kay Maria at marahan itong hinawakan sa pisngi.

"Nakakatuwa ka talaga Maria. Kuya si Ate Christy?" Tanong ni Mina.

"Nandoon sa kwarto nagpapahinga. Hayaan mo na muna at bumabawi pa ng tulog iyon." Sagot ni Sinag habang pinapatulog si Maria sa kanyang bisig.

Habang nag-uusap sila ay lumitaw naman sa bintana nila ang kapre . May bitbit ulit itong bulaklak na iniaabot kay Sinag. Simula nang ipinanganak si Maria ay lubos din itong kinalulugdan ng mga engakantong naroroon. Lalo na itong kapre na halos araw-araw ay may iniaalay sa bata. Kung hindi bulaklak ay mga kakaibang bato na nakukuha pa nito sa mundo ng mga engkanto. Malugod naman iting Tinatanggao ni Sinag dahil batid niya ang proteksyong dala ng mga ibinibigay nito. Natutuwa rin siya na tinatanggap ng mga ito ang kaniyang anak kay Christy.

Kinagabihan ay maaga pang nagpahinga si Mina sa kwarto nito. Nakaupo siya sa kaniyang higaan habang taimtim na nagpapasalamat sa panginoon sa lahat ng biyayang kanilang natatanggap sa araw-araw. Matapos ang kanyang panalangin ay nahinga na siya uoang matulog. Pagkapiki pa lamang ng kanyang mga mata ay biglang tinangay ng kung anong pwersa ang kanyang huwisyo. Pagmulat ng kanyang mata ay doon niya nasipat ang napakalawak na damuhan na animo'y isang pastulan ng mga tupa at baka. Sa kanyang pagmamasid ay nakita niya ang isang matipunong lalaki na papalapit sa kanya. May kampilan itong nakasukbit sa kanyang beywang at ang pananamit nito ay maihahalintulad mo sa mga sinaunang tao. Ang kaibahan lamang ay gawa ito sa kakaibang tela na napapalamutian ng ginto. Marami din itong simbolo na nakaukit sa kanyang katawan na animo'y ito na ang nagsisilbi niyang kasuutan. Maging sa mukha nito ay may mga nakaukit din patungo sa pinakailalim ng kanyang paa.

Agaran din naman niya itong nakilala at nginitian.

"Mahal na diwata ng panahon, bakit ninyo ako dinala rito?" Tanong ng dalaga nang mapagtantong nasa mundo siya ng mga diwata.

Ngumiti naman si Mapulon at itinuro nito ang isang lagusan di kalayuan sa kinaroroonan nila.

"Ang lagusang iyon ay nakakonekta sa mundo ng mga tao. Dinala kita rito upang maipakita ito sa iyo. Ikaw na siyang tagapamagitan sa lahat ng nilalang ang siyang may kakayahang tawagin ang lagusang iyan. Isa rin ito sa nais ihandog sa iyo ng lupon ng mga diwata sa panunungkulan ng amang Bathala. " Wika nito at namangha siya habang tinititigan ang lagusang iyon.

Anak ng Kalikasan Vol. 2Where stories live. Discover now