Chapter 15

71 4 0
                                    

Nagpatuloy ang kasiyahan ng mga tao dahil sa panunumbalik ng buhay ng lupa sa kinlamg bayan. Hindi masukat ang tuwa na kanilang nararamdaman kung kaya idinaan nila ito sa kantahan at pagsasayaw.

"Maraming salamat sa tulong niyo Mina, hindi ko alam kung paano ko pa masusuklian ang ginawa niyo."

"Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin. Sapat na ang ituon mo ang iying kakayahan sa pagtulong sa mga tao. " Nakangiting wika ni Mina.

"Oo naman, ito ang sinumpaang pangako ko sa aking Lolo. Hanggat nabubuhay ako hindi ako titigil at magsasawang tumulong sa mga nangangailangan. "Sambit pa ni Manuel na ikinalapad ng ngiti ni Mina.

Lumipas ang araw na iyon na puno ng pagsasaya . Kinaumagahan ay nagpaalam na ang grupo ni Mina kay Manuel. Sinubukan pang kombinsihin ni Amante si Manuel na sumama sa kanila ngunit mabilis itong tumutol. Ayon pa rito ay hindi niya maaring iwan ang bayang iyon dahil nag iisang manggagamot lamang siya sa bayang iyon. Hindi na din ipinilit ni Amante ang nais nito dahil naiintindihan din naman niya ang kaniyang kaibigan.

Matapos ang kanilang pagpapaalam ay tinahak na nila ang landas patungo sa susunod na bayan. Tatlong bayan pa ang kanilang tatawirin  para marating nila ang kabundukan ng Siranggaya.

Sa kanilang paglalakad ay panaka-naka na silang nakasalubong ng mga magsasakang-galing sa kabundukan para manguha ng mga panggatong. May iilan ding may dala-dalang mga prutas at mga ligaw na kabuteng maari nilang makain.

Nakakasabayan na rin nila ang mga ito sa pagtahak patungo sa susunod na bayan.  Sa paglipas pa ang ilang oras ay tuluyan na nga nilang nasipat ang bayan ng Haguno.

Ang bayan ng Haguno ay isang bayang nagaangkat ng niyog sa iba pang bayan. Sagana sa puno ng niyog ang buong bayan na ito na ang nagung pangunahing kabuhayan ng mga tao roon.

Sa kanilang paglapit sa bayan ay unti-unti na nilang natatanaw ang mga nagtataasang puno ng niyog na hitik sa mga bunga. May iilan naman silang nakikitang niyog na may mga nakasalok na mga bao.

Isang masayang pamayanan ang kanilang naabutan pagdating nila sa loob ng bayan. Hindi pa man din sila nakakaapak sa sentro ng bayan at agad naman silang hinarang ng mga kalakihang nakatambay roon.

"Bawal ang dayo rito, kung dadaan kayo dumaan lang kayo, pero hindi kami tumatanggap ng bisita rito. " Wika ng isang lalaking may katangkaran. Agad naman napaatras si Mina nang biglang manulak ang isa sa mga kasama nito. Nagpanting naman ang tenga ni Isagani sa kanyang narinig at mabilis na kinuwelyuhan ang lalaking nanulak kay Mina.

"Bastos ka ah. Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo ng paggalang sa mga kababaihan?" Inis na tanong ni Isagani dito. Agaran din naman siyang pinigilan ni Mina ay tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa damit ng lalaki.

"Hindi kami pumunta rito para manggulo, nais lang namin makiraan at makituloy kahit ngayong gabi lang. " Mahinahong wika ni Mina.

"Simon, ano na naman bang gulo yan?" Magsasalita pa sana ang lalaking matangkad ng may isang boses ang sumita rito.

"Tiyo Berting, may mga dayo na namang mananatili rito. Paano kong kasamahan sila ng mga yun?" Tanong ng lalaking nagngangalamg Simon habang masamng nakatitig sa kanilang grupo. Mabilis naman itong binatukan ng tiyuhin niya at pinagsesermunan nito ang grupo ng kaniyang pamangkin. Mabilis niya din itong itinaboy papalayo at hinarap ng grupo ni Mina.

"Pasensiya na kayo sa mga batang iyon. Buhat kasi nang may dumaang dayo rito na nagdala ng salot sa aming bayan atmy ganon na ang naging turing nila sa lahat ng napapadaan dito. " Paliwanag nito. Hindi naman iyon dinamdam ni Mina dahil ramdam din naman niya ang kabutihan ng mga lalaking iyon. Nagawa lamang nila ang ganoon dahil ayaw na nilang maulit ang naging bangungot sa kanilang buhay.

Anak ng Kalikasan Vol. 2Where stories live. Discover now