Chapter 25

59 3 0
                                    

Akmang itatarak na ni Mina ang kampilang sa puso ni Sitan ay bigla namang nagbago ang anyo nito na ikinatigil ni Mina. Tila ba naparalisa ang mga kamay niyahabang nakatitig sa mukha ni Sitan. Nakapikit ito at napakaamo ng mukha nito. Hindi naman niya ito kilala ngunit bakit sumasakit ng ganoon ang kanyang puso? Sa kanyang pag-aalinlangan ay hindi na nga niya naituloy ang kanyang gagawin. Ginamit naman ni Sitan ang pagkakataong iyon upang sirain ang mga baging ni Mina at atakihin ito. Sa lakas ng pag-atake ni Sitan ay tumilapon si Mina ng napakalayo. Agad naman siyang nahimasmasan dahil dito, subalit mabilis nang nakatakas si Sitan kasama si Alisha lulan ng isang malaking itim na ulap.

"Hanggang sa muli nating paghaharap Itinakda." Tumatawang wika nito habang papalayo. Naitarak naman ni Mina sa lupa ang kampilan ni Mapulon dahilsa sobrang galit dito. Ang mga natitirang sa paligid nila ay walang awa naman iginapos ng mga baging ini Mina at hinatak iyon pailalim sa lupa. Nang muli nang tumahimik ang buong lugar ay doon lamang sila nakaramdam ng kapanatagan.

"Hindi pa rin natin kaya si Sitan. Napakalakas ng kapangyarihan niya." wika ni Amante. Dahan-dahan na nitong pinapabalik sa mga bote ang kanyang mga alagang insekto. Hindi naman umimik si Mina at nakatitig lamang ito sa bundok ng Siranggaya nang may pagtataka sa kanyang isipan.

Hindi niya maintindihan kung bakit napahinto siya at natulala kanina nang magbago ang wangis ni Sitan. Pakiramdam niya ay kilala niya ang wangis na iyon subalit hindi niya ito matandaan. Napahawak siya sa ulo niya dahil sa kakaibang pagsakit nito. Kahit anong gawing niyang pag-alala ay hindi niya talaga magawang matandaan ito kung kaya't mas pinili na muna niyang iwaksi ito sa kanyang isipan.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na sila sa bahay ni Tata teryo para magpahinga. Kailangan nilang makabawi ng lakas dahil hindi nila alam kung kelan ulit babalik ang kampon ni Sitan.

Kinatanghalian nokng umaga din iyon ay isang balita ang kumalat sa kanilang bayan. Halos limang magsasaka ang natagpuang patay sa isang talahiban malapit sa bundok ng Siranggaya. Wakwak ang mga tiyan nito at dinukot ang puso maging ang mga mata at dila nito.

Nabalot naman ng takot ang buong bayan dahil sa balitang iyon.

"Mukhang malaki ang pinsalang naidulot niyo sa kalaban. Huwag kayong mag-alala, magagapi niyo rin nag mga ito sa hinaharap. " Wika ni Tata Teryo habang nagtitimpla ng kape.

"Tata Teryo, kagabi habang nakikipaglaban ako kay Sitan, meron akong nakitang wangis sa kanya na lubha kong ipinagtataka." Salaysal naman ni Mina at nagkatinginan lang ang mga ito.

Batid nila kung sino nag wamgis na iyon ngunit walang naglakas ng loob na magsalita.

"Mina, pakatatandaan mo sana na mapanglinlamg ang mag dem*nyo. Gagamitin nila ang kahit anong kahinaan mo para lamang magapi ka. Marahil ang wangis na nakita mo ay isa lamang sa mga kahinaan mo kung kaya't ipinakita niya sayo iyon. "

"Kahinaan? Paano ko magiging kahinaan amg isang tao, gayong hindi ko naman ito kilala? Naguguluhan ho talaga ako Tata Teryo. Pakiramdam ko tuloy meron akong nakakalimutan." Sambit pa ni Mina at napipilan sila.

Matapos nilang mag-almusal ay tinungo nila ang talahiban kung saan nakita ang limang bangkay ng magsasaka. Bakas pa roon ang dugo ngunit wala na ang mga katawan dahil nakuha na ito ng taong bayan upang mapaglamayan.  Ang sumunod namab nilang pinuntahan ay ang bahay kung saan naoagdesisyunan ng mga tao na ilamay ang lima.

Sa isang di kalakihang bahay nila ito ibinurol. Dahil na din sa hirap ang buhay ng bawat pamilya ng mga biktima ay minabuti na nila itong ilamay ng sabay. Para na din matulungan ang mga ito. Sa kanilang ogdating sa lugar ay nasipat agad nila ang mga kaanak nitong walang tigil sa pag iyak.

Lumapit si Mina sa mga kabaon na naroon upang sipatin ang katawan ng bawat biktima. Nanlumo namna siya sa sinapit ng mga ito. Tulad ng balitang umabot sa kanila. Wakwak ang tiyan nito at wala nang lamang loob, wala ma rin itong mga puso at maging ang mga mata nito ay wala ring awang dinukot. Kapansin-pansin din ang kawalan ng dugo nito. Maging amg kalukuwa nito at tila ba pwersahang hinatak saga katawan nito.

Bakas din sa katawan ng mga magsasaka ang matinding paghihirap ma dinanas nila bago pa man sila mawalang ng mga buhay. Kalunos-lunos at walang kapatawaran ang nangyari sa mga ito. Napakuyom ng oalad si Mina dahil sa galit na namumutawi sa puso niya para kay Sitan.

"Patawarin ninyo ako kung hindi ko man lamg kayo nailigtas. Sumpain ang nilalang na may gawa sa inyo nito. Hayaan niyong ihatid ko kayo sa inyong huling hantungan gamit ang isang dasal. " Bulong ni Mina bago niya sinimulan ang dasal.

Taimtim siyang nanalangin sa harap mg limang kabaong upangatulungan amg mga itong mahanap amg kanilamg kinakamit na kapayapaan. Tahimik din siyang nangako sa mga ito na tatapusin niya ang anumang kasamaang itinanim ni Sitan sa kalupaan.

Lumipas pa ang ilang araw at tuluyan na nga nilang nailibing ang limang magsasaka. Nang mabawi na nila ang kanilahg mga lakas ay tulong-tulong nilang inikutan ng pangontra ang buong bayan ng belandres. Ito ay bilang paghahanda na rin sa muling paghaharap nila kay Sitan.

"Bukod sa mga pangontra, nagawa na rin naming maglagay ng mga patibong. Mina, hindi kayaas makabubuti kung tayo mismo ang aakyat sa bundok na yun?" Suhestiyon ni Amante.

"Maari, ngunit hindi sa ngayon. Ramdam ko ang kapal ng kasamaan sa bundok na iyon. Lubos nating ikahihina ito. " Sagot naman ni Mina. Nais muna niyang masiguro ang kaligtasan nila bago nila suungin ang pugad ng kanilang mga kalaban.

"Sa ngayon hindi pa sila gagalaw. Hindi man sigurado,kama kong malaki ang naidulot natin pinsala sa mga ito. Kung aakyat tayo ngayon ay maaring may mga patibing silang inilagay doon ma lubhang ikakapamahamak ng ating mga buhay. "  Paliwanag naman ni Mina. Tumango lang naman si Amante bilang pagsang-ayon dito.

Kinahapunan ay muli silang nagmatyag sa buong paligid. Tahimik ang buong kugar na tanging mga kuliglig lamang  ang iyomg maririnig. Dahil sa kadilimang namamayani sa buong paligid ay pinaikot ni Mina ang mga alitaptap sa hangin upang magsikbi iyong liwanag nila. Lumipas naman ang gabing iyon nang walang kahit anong nilalang ang gumambala sa kanila.

Umabot din ang isang linggo ang pananahimik ng kampon ni Sitan hanggang sa isang araw ay muli na namang nagparamdam ang mga ito sa labas ng bayan ng Belandres.

Isang grupo ng manlalason amg kanilang namataang paikot-ikit sa bukana ng bayan. Hindi ito pumapasok pero maya't maya ang ginagawa nilang pagpapalipag hangin ng mga salot at sakit.

Panay din ang suka ng mga ito sa lupa kung saan puro itim na likido lamang ang lumalabas sa mga bunganga nito. Nang marinig ito nila Mina ay agad nila itong pinuntahan subalit habang lumalapit sila sa mga ito ay mabilis itong nagsipulasan papalayo. Nakita naman nilang patay na ang lupang sinukahan ng mga ito. Nangingitim at natutuyo ang lupa roon , maging ang mga damo ay nagsilantaan dahil sa lasong isinuka ng mga nilalang doon.

"Dahan-dahan na silang gumagalaw. Hindi sila makakapasok dahil sa harang na inilagay natin at tanging sa labas lamang sila makakagawa ng ganito. Amante, sabihan mo si Tata Teryo na sabihan ang mga tao na huwag lalabas ng bayan." Wika ni Mina .

"Kung meron man silang mahalagang gagawin sa labas ay ipagbigay alam sa atin para atin silang masamahan. Batid kung hindi titigil ang mga iyon para gambalain tayo. "

Anak ng Kalikasan Vol. 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon