I

282 19 22
                                    

Fall To The King's Lap In Another World

CHAPTER 1

_Chi Chi PoV_

Para akong ping pong ball na pinagpapasa pasahan ng aking mga magulang nong ako ay nasa pitong taong gulang pa lamang.

Produkto ako ng Broken Family, ang Mom ko ay isang OB GYNE Doctor at ang Dad ko naman ay isang dakilang Babaero at Retired Highschool Teacher.

Bakit nga ba naghiwalay ang mga magulang ko? Well... nahuli ni mom si dad na nakikipag halikan sa mga Studyante nito sa Kotse, maraming beses na ngunit kinikimkim lang ni mom.

But now she's happy dahil mahal na mahal siya ng Step-dad ko na si Enrico Lee isang Doctor din na never pa ikinasal at first girlfriend and Wife niya si mom.

Wala akong Problema sa Step-dad ko dahil sobrang bait niya at masasabi kong super close na namin.

Yong dad ko? Noong panahong andoon ako sa kanya. Puro babae ang pinapapasok sa bahay niya at puro unggol na madidinig mula sa kanyang kwarto hanggang sa aking kwarto.

He died because of AIDS and HIV. Well, 'di ko siya masisisi dahil ayaw niya huminto sa kina-aadikan niyang dahilan ng paglisan niya sa mundo.

Mundo, ano nga ba ang nangyayari sa mundong 'to bakit lahat ng mahirap na nakikita ko ay mas lalong naghihirap? Bakit lahat ng nasa posesyon ay mas lalong nagiging gahaman at nagiging mapangahas sila? Ang hirap mamuhay sa mundong 'to.

Ako nga pala si Chi-Chi, yup... Chidler Void, Cuna. Ang Buong pangalan ko ngunit Chi-chi na lang. Isa akong Gay, and working as a Nurse sa Hospital ni Papa Enrico, ang step-dad ko.

I have a half little siblings, kambal sila si Chandler at Charlie. 11years old na sila Pareho,  i don't conceder them as Half sibs dahil totoong kapatid ko sila.  11years na din patay ang dad ko, wag niya sana ako multo-hin. Kidding!

Kakauwi ko lang katapos ng Morning Shift ko, from 6am - 6pm, everyday.

"Kuya, Welcome home. Magbihis kana po nag luto na si manang ng favorate mong food" charlie ang panganay sa kambal kong kapatid.

"Right kuya, mag bihis kana sa taas at tutulungan namin si manang mag prepare ng foods natin" ang sweet talaga ng kambal na 'to. Papa and mom are not here dahil nasa Hospital sila kong saan din ako nagtratrabaho.  Sa hospital lang kami nagkakasama at sabay kaming tatlo doon nag Lunch.

"Sweet naman ng mga kapatid ko, sige. Akyat na ako para makapag bihis" nakangiti kong sabi sa kanila.

Naglalakad ako patungo sa tugatog ng hagdanan habang nakangiti dahil dispite of my gender they still love me and care for me as their kuya.

Binuksan ko na ang pinto ng aking kuwarto at nag hubad na ako ng aking uniform at wala sa sariling nag lakad sa silid palikuran ko upang mag linis ng katawan.

Habang naglilinis ako ng katawan ay pumasok sa akin isipan ang mga Isekai na pinapanood kong anime. What if mangyari 'din sa akin 'yun? Yong may portal at mahuhulog ako sa mundo na puno ng magic.

"F♤ck! Kaka-anime mo yan Chi" sabi ko sa aking isipan habang natatawang naglilinis ng katawan. Matapos kong maligo ay napatingin ako sa repleksyon ng salamin sa loob ng aking banyo.

"Ang ganda ko talaga, ngunit bakit 'di ako magustuhan ni Doc Arc" malungkot kong sabi.

Si Doc Arc ay schoolmate ko since Elementary, Secondary and Collage. Yep, super obssessed ako sa kanya kaya nga sinusundan ko siya kong saan siya nag aaral.

Fall To The King's Lap In Another World (BxB) (Adventure| Fantasy){Slow-Update) Where stories live. Discover now